Part 39 (The Eyes)

99 4 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 39 ( The Eyes )

(Nero POV)

Naka alalay sakin si Fred papuntang kulungan kung nasan yung alalay ni Tito Michael.

"Fred"
"Sir?"
"Ano nga uling pangalan nya?"
"Mario ho"

Tumango ako. At ng makarating na kami dun at sinabi ko kay Fred na iwan muna kami sandali kaya ganun na nga ang ginawa nya. Narinig kong lumapit yung mario papuntang rehas sa mismong harapan ko.

"Anong kaylangan mo?"
"Wag na tayong magsayang ng oras dito. Nasan si Tito Michael?"

Narinig ko ang paghawak nya sa rehas at bumulong.

"Hindi ko alam"

Tsk!! Wala talagang takot ang mga katulad nila.

"Pwede ka namang magsabi ng totoo sa harap ko. Alam ko narin naman lahat. Pero wag kang mag alala. Walang makakarating sa pulis. Yun ang kinatatakot mo diba? Ang malaman ni Tito Michael na kumanta ka. Kasi ano? Baka pagbalingan nya ang asawa mo?"

Hindi ko alam kung anong itsura nya ngayun. Pero parang natahimik sya.

"Gusto kong malaman ang totoo"

Hinanda ko na ang sarili ko sa mga maririnig ko. Sa huli darating din naman kami sa sitwasyon nato.

"Ikaw ang pumatay kay Martha."

Hindi sya nagsalita.

"Ikaw ang kasabwat nya sa pagbangga kay Fred hindi ba?"

Narinig kong sumighay sya.

"Ano bang gusto mo ha? Wala karin namang magagawa. Bulag ka nga eh. Para ka na ring walang kakayahan"

Nagpantig ang tenga ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit galit na galit nako at parang sasabog dahil sa wakas ay kaharap ko na ang taong sumira sa buhay at pamilya simula pa nung una.

"buti pinaalala mo."

Mas lumapit pako sa rehas.

"Hindi bat ikaw rin ang inutusan ni Tito Michael para banggain ang sasakyan ko na naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko at pagkabulag ng mga mata ko"
"wag mo ng ipag pilitan Nero. Akala mo ba may mababago pa? O sige aaminin ko. Ako nga ang may kagagawan nun"

Nagkuyom ng sarili ang mga kamao ko ng marinig ko yun. Nagngingit narin ang mga ngipin ko.

"Pero ikaw lang naman talaga ang puntirya ko nun eh. Kaso malas lang ng kapatid mo. Humara eh!"

Pero sadya atang ganun. Inihampas ko ang tungkod ko sa rehas at humawak ako dito.

"Anong sabi mo?"
"Alam mo. Ako wala akong issue sa pamilya mo. Ang ugat naman ng lahat ng to eh pera. Limpak limpak na pera. Sino ba naman ako para tumanggi. Kung hindi mo kasi binalak na itakas ang mga kapatid mo. Edi sana hindi nangyare yun"

Huminga ako ng malalalim. Dahil wala namang maidudulot ng ayos kung ilalabas ko pa ang galit sa mga walang kwentang tao na katulad nya.

"Total. Umamin ka narin. Bakit hindi mo pa sabihin sakin kung nasan si Tito Michael. Para matapos nato. At bahala ka na sa buhay mo. Ipagtanggol mo ang sarili mo!"
"Infairness din naman sayo Nero ano? Bulag ka. Pero hindi ka bulag sa katotohanan hahahha"

Bumitaw ako sa rrhas at bumuntong hininga.

"Wala akong aasahan sayo"
"Wala talaga hahahhaha!"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Napatigil naman sya sa katatawa. Itinaas ko ang cellphone ko at iniharap sa direksyon nya.

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon