*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 44 ( Its Him )
(Alexandra POV)
Nasa kotse kami ngayun at tamang nagdadrive lang si Sir Nero. Ako naman malayo ang tingin. Masyado pa kong di makapaniwala na magkatabi kami ngayun. Kaya medyo nahihiya pako na di ko malaman.
"Alexandra"
Nagulat ako kaya napalingon ako sa kanya. Tumingin sya sakin sabay biglang tawa.
"Umaga pa lang binubuo mo na ang araw ko"
"ha?"
"Nakikita ko ang muka mo"Nanlaki ang mata ko at umiwas na lang uli ng tingin. Dyusk" wag mo kong kausapin. Di ko pa alam kung pano ko makikipag usap sayo ng ayos.
"Okay ka lang?"
Tumango na lang ako. Ngumiti na lang sya. Nakita ko sa reflection mula sa bintana ng kotse. Dun ko na lang sya tinitigan. May part sakin na masaya kasi nakikita ko syang nag da drive. Unang beses kong makita syang nag dadrive. Parang ang saya saya ng muka nya. Dahil ba masaya syang nakakakita na sya? Kahit kami naman na nakita ang struggle nya sa pag ka bulag ay natutuwa rin. Bumuntong hininga ako t napangiti ng bahagya ron.
"baka matunaw ako ha"
"hm?"Napalingon uli ako sa kanya. Tumingin sya sakin.
"Kanina mo pako tinitigan dyan sa reflection eh"
"huh? Hindi ha"
"Gwapo?"Tsss!!
"Ahhh. Malas ko naman. Ganyan mo ba ko titigan dati?"
Nanlaki na naman ng mata ko sa sinabi nya. Ano raw? Naalala ko tuloy nung mga time na natititigan ko sya sa muka sa loob ng kwarto nya. Tsk!! Mukang di ko magagawa yun ngayun ah. Ay!! Bat ko naman gagawin yun?
"Hindi ha"
"wag ka mag alala. Pabor na ngayun kapag tinitigan mo uli ako. Tititigan rin kita pabalik"Mabilis na namang nanlaki ang mata ko at ramdam kong nag init ang tenga ko. Ano ba yan!! Nakakahiya baka makita nya! Hinnawakan ko ang tenga ko.
"Malayo pa po ba tayo? San ba tayo pupunta?"
"Malayo layo pa. Wag ka mag alala magaling akong driver. Din mo lang natatanong na---"Napahawak ako sa seatbelt ko dahil bigla kaming napatigil at na ipreno nya ang kotse.
"Pusa!!!"
Sigaw nya. Napatingin naman ako sa harap ng kotse. At may pusa nga dun.
"Kulay Puti"
Banggit nya habang nanlalaki ang mata.
"Diba malas yan?!"
Habang turo turo nya yung pusa. Natawa naman ko ng bahagya.
"Kapag itim po yun"
"Ahh. Oo nga pala. Hala. Nabangga ko ba?"
"Hm?"Sinilip ko uli.
"AHH!!"
napasigaw kami pareho ng biglang tumalon yung pusa sa harap ng kotse. Napahawak ko sa dibdib ko at napataas naman ang paa nya. Huh?
"Buhay pa. Buhay pa"
Natawa na naman ko. Ano bang nangyayare sa taong to? Para syang nakahinga ng maluwag. Ngumiti sya.
"Hello miming"
Nanlaki na naman ng mata ko ng sabihin nya yun. Maya maya naman y tumalon na uli pababa yung pusa at tumakbo paalis. Nakangiti syang pinaandar uli ang kotse at pinatakbo.
"Alam mo bang may pusa ako dati?"
Tumingin ako sa kanya.
"Kulay Black"
"Black?"
"yeah. Medyo pink yung mata nya"
"pink?"
"oo. Binili ko sya ng 10,000 pesos"
"10,000 pesos?!!"
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...