Part 26 (The Get Back)

112 6 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 26 (The Get Back)

(Alexandra POV)

“Fred? Anong nangyare sa ilaw?”
“ewan ko ba, bigla na lang namatay”
“ako na bahala, titingnan ko sa kuntador”

Imik ni Ricky na agad pumunta sa may kuntador ng bahay.

“Yaya? Ang dilim po”

Tumingin agad ako sa may pinto ng kwarto ni Nathan at nandun na nga sya.

“Nathan? Halika muna, bubuksan na ang ilaw”

Tumakbo sya palapit sakin, siguro natatakot sa dilim. Maya maya pa nga ay bumalik na ang ilaw at pati narin si Ricky.

“may wire lang na nag malfunction.”
“ahhh. Buti naman okay na. Makakakain na tayo, para makapag pahinga narin”

Sabi ni Fred.

“Nathan? Tara na kumain?”
“yaya? Sa kwarto po uli kita matutulog?”
“oo naman, gusto mo ba?”
“opo. Dun na lang po tayo kumain Yaya”
“Hindi pwede”

Nagulat kami ng biglang nasa likod na pala namin si Sir Nero. Natahimik naman si Nathan.

“sabay sabay tayong kakain sa mesa”

Napasighay ako at tumingin kay Nathan. Nginitian ko na lang sya at hinimas sa ulo.

“okay lang ba sayo?”

Sumimangot sya pero tumango na lang din. Tumingin naman ako kay Sir Nero na nagdiretso na sa dining area. Sumunod din naman kami agad. Nga makaupo ay dumating na si Lawrence, dala ang mga pagkain, tumayo muna ako at nagtitimpla  sana ng maiinom namin. Bigla namang nagsalita si Fred.

“ako na Alex”
“huh? Hindi ako na, mabilis lang naman”
“ako na”

Tumayo na sya.

“Si Alexandra na”
“Po?”
“Mas gusto ko ang tinitimpla nya”

Nagkatinginan kami ni Fred.

“kaya si Alexandra na”

Sinenyasan ko na lang si Fred na ako na lang. Nag kibit balikat naman sya. Kaya mabilis akong pumunta ng kusina para magtimpla. Ang bilis naman magbago ng mood nya, parang kanina lang patawa tawa pa sya sa kwarto nya. Ang hirap nya talaga intindihin. Ng makapag timpla nako, bumalik nako agad at nagsimula na kami kumain. Habang kumakain kami nagsalita si Ricky.

“Sir? Napansin ko lang po sa Storage Room. May mga files na mukang naka seild, sinilip ko po ang date, 5 years ago pa. Tiningnan ko naman po ang laman, mukang wala namang kinalaman sa stocks at management. Alam nyo po ba kung ano yun?”
“naka seild?”
“Yes Sir”

Nagsalita naman si Fred.

“napansin mo rin pala? Actually, hindi rin pamilyar sakin yung documents na yun. Kasi dati ako ang nag uuwi ng mga files dito. Pero wala naman akong matandaan na iniuweng ganung mga files.”
“kelan nyo nakita?”
“ako sir kanina lang.”
“ako po nung last time na pinakuha nyo ang documents na gagamitin sa meeting. Nakita ko pong nakalagay sa black na box at may nakaukit na IF”

Hindi ko alam ang pinag uusapan nila. Pero mukang nacucurious ang muka ni Sir Nero. Sa dami ng mga papel na naka tambak dun pano pa nila napapansin ang pag kakaiba ng mga ito? Nagsalita naman si Sir Nero.

“I’ll check it later, kumain na muna tayo”

Sumagot naman si Fred.

“sasamahan ko na po kayo”
“no, kami na lang ni Alexandra ang titingin”

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon