Part 37 (Payong)

87 6 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 37 ( Payong )

!tears alert guys!

( Alexandra POV)

Isang linggo na ang lumipas at wala parin akong balita kay Sir Nero o Fred. Minsan bumabalik ako dun sa purinarya para masilip sila lalo na si Nathan. Nag aalala parin ako sa kanila.

"Anak. Tara na kumain. Pumahinga ka na dyan sa laptop mo. Kagabi ka pa walang tulog"
"sige ho nay. Susunod na ho ako sa baba"
"sige"

Bumaba na ang inay at ako naman idinara na ang laptop ko. At sumunod na nga pababa. Naron narin si ate at naghahain ng pagkain.

"Ate? Si Mickie?"
"Ha? Hindi ba at simula na ng pasukan ngayun? Inihatid ko na sa school nya kaninang umaga habang tulog ka pa"

Sumimangot ako. Si Nathan kaya? Dapat ngayun narin ang unang pasok nya sa school.

"Ilang araw ka ng puyat at konti lang ang tulog. Kaya kumain ka ng marami"

Ngumiti ako at umupo na kaming tatlo sa hapag kainan.

"anak. Ilang araw ka naring laging lumalabas. San ka ba nagpupupunta"

Huminga ako ng malalim.

"dyan lang nay."
"wag ka ng mag alala. Makakabalik ka rin sa trabaho. Kung hindi man. Makakahanap ka ng bago"

Bat ganun. Parang ayaw ko ng humanap ng bago. Matamlay akong sumubo ng pagkain. Napansin naman nila.

"Bibilhan ba kita ng Vitamins anak?"

Napatingin ako kay nanay.

"Nay naman. Ayaw ko nga."

Natawa silang dalawa.

"baka kasi mamayat ka ng todo kapupuyat at pagkain ng konti. Damihan mo naman ang kain mo"
"opo. Pasensya na kayo. Marami lang siguro akong naiisip"

Tinapik na lang ako ni Ate sa likod ko at nagpatuloy na kami ng pagkain. Pinilit ko na lang kumain ng kumain. Ayaw ko rin naman na manghina ako ng manghina. Malapit na ang libing ni Ma'am Martha. Kahit papaano kaylangan nandun din ako. Pagkatapos namin kumain ay tumulong nako sa pag iimis. Si ate naman ay nagbukas ng TV para makapanuod ata ng balita.

"Alex."

Napalingon ako sa kanya ng tawagin nyako.

"hm?"
"Halika. Tingnan mo tong balita?"

Lumapit ako sa kanya sa may salas at tumingin sa TV. Napabuntong hininga ako.

[Kasalukuyang pinaghahanap ngayun ng mga Otoridad ang dating Chief Officer ng kompanya na pagmamay ari ni Mr. Nero at ang kamamatay lamang na si Mrs. Martha. Ang pinag hahahanap ngayun ay napag alamang kapatid ng yumao at syang suspek sa panggugulo sa kompanya at pag patay rin sa kapatid nito. Nagpatong ng pabuya si Mr. Nero sa kung sino mang makapag tuturo at makakahanap sa suspek. Narito naman ang interview namin sa kasalukuyang Assistant ni Mr. Nero na si Mr. Fred]

Mas lumapit pako sa TV upang pakinggan ito.

[Sir. May lead na ho ba kayo sa kasalukuyang paghahanap sa suspek?
'Sa ngayun wala pa. Pero hindi magtatagal. Mahahanap rin sya.'
Maaari ho bang mainterview namin si Mr. Nero ukol dito?
'Pasensya na pero hanggat maaari ayaw nyang magsalita sa medya.'
Ano ho ang kasalukuyang hakbang na ginagawa nyo ngayun?
'Pagkatapos naming magpalabas ng warrant. Kumikilos narin ho ang mga detectives para dito. I hope this one helps. Para ho sa mga makakakita sa kanya. Ipagbigay alam nyo agad sa otoridad. Tatanawin naming utang na loob sa kung sino man ang makakapag bigay impormasyon. Salamat ho']

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon