Part 42 (The Voice)

108 3 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 42 ( The Voice )

🌃AFTER 9 MONTHS!🌅

(Alexandra POV)

"Heto na heto na heto na!!"
"Dahan dahan Lance!!"
"oo nga."

Inilapag na ni Lance ang mga meryenda na dala nya. Nandito kami ngayun sa Flowershop ni Ate na unang buwan ng pagbubukas uli. Holiday ngayun kaya nandito kami lahat para magbantay. At the same time mag bonding. Kasama ko si Lance, Beth at si Ate.

"O. Eto ang shake. Baka magreklamo na naman kayo ha. Malaki na yang pizza na binili ko"

Natawa ako sa kanya. Sumagot naman si Beth.

"Sus. Ikaw ang pinaka malakas kumain dito eh."
"Edi wag ka kumain"
"ang sama ng ugali mo"
"Hehe joke lang kain ka na. Nakakahiya sayo eh"
"Che!!"

Lumapit naman si Ate na may dalang juice.

"Mmm. Pang refresh"
"woww thank you ate. O Lance. KaYblangan mo to"
"Anong ibig sabihin mo?"
"haha. Wala wala"

Kakain na sana kami pero nag yaya pa si Lance na mag picture kaya nag pose na nga lang kami.

"okay. Kain na"

At nag start na nga kami.

"Lance. Bakit ba lagi ka na lang kumukuha ng picture eh wala ka namang social Media"
"Wala, bawal ba? Remembrance lang"

Ahhh. Nagtanong naman si Beth.

"Bakit? Aalis ka ba? Pupunta ka naring Australia?"

Napatigil kami. Nakita ko namang pinanlakihan ng mata ni Lance si Beth. Natawa na lang ako sa kanila.

"Ano ba kayo. Kumain na nga lang kayo"
"Ay, hehe sorry"

Natahimik uli kami. Tapos binasag na lang ni Ate ang katahimikan.

"O sya sya. Bilis na at lalamig na ang pizza at burger at mawawala naman ang lamig ng juice. Ang araw nato ay para i celebrate ang pagpasa ni Alex sa Civil Service okay!!"
"Yeahh!!"
"Hayyss. Nagsisisi tuloy ako na hindi ako nakasabay sayo sa pag tetake"

Malungkot na sabi ni Beth.

"Sus, atleast ikaw tuloy tuloy ang pag tatrabaho mo nho. Ako nga kung di lang dahil kay Fred. Hindi ako matatanggap sa Clinic ni Doc. Zenny nho kahit wala pakong CS kaya okay lang yun"
"well may point ka naman."

Ngumiti na uli sya at kumain. Nakakatuwa naman. Kahit ano pang nangyare samin. Nag stay parin sila. Lalo na to si Lance. Hindi nyako pinabayaan. At oo nga pala. May trabaho nako at nakapasa narin ko ng Civil Service. Natulungan ko si Ate na maibalik tong Flowershop nya last Month lang. Si nanay naman nasa Batangas. Hiniram ng kapatid nya dun. Namimiss na daw nila kaya pinayagan narin namin. Si Lance naman napunta ngayun sa trabahong binigay ng Shareholder ng kompanya kaya natutuwa rin ako.

"Alex. Kumain ka nga ng ayos"

Natawa ako ng sawayin ako ni Ate. Kaya ganun na nga ang ginawa ko. Pagkatapos ng araw na yun at Alas 4 na ng hapon. Tinulungan narin nila kami sa pagsasara at maya maya ay nagpa alam narin kaya naiwan na kami ni ate.

"Alex, mauna ka ng umuwe ha. Susunduin ko pa pamangkin mo, or baka gusto mo pang sumama muna"
"Naku, wag na ate. Sayang pa pamasahe hahaha"
"Haha sige sige. Mag gogrocery narin ako tuloy. May ipapabili ka ba?"
"hmm. Wala naman po. Okay na ko"
"Okay. Sure ka ha"
"yeah."
"Sige. Una nako sayo. Mag ingat ka pauwe"
"Ikaw rin."

Pumara na si Ate ng taxi. Ng makasakay na sya at nakalayo na. Nagbantay narin ako ng Taxi at sumakay. Pagdating sa kanto namin ay bumaba nako at naglakad na lang. Gusto ko kasing maglakad lakad din kasi kung ano anong kinain namin kanina para matunawan naman ako. Butin na lang hindi naman mainit at medyo mahangin narin.Its been 9 Months na nga pala. Kamusta na kaya sila? Biglang lumungkot ang muka ko. Kaya bumuntong hininga na lang ako at nagdire diretso na lang ng lakad. Ng malapit nako sa bahay napabagal ang paglalakad ko ng makita ko si Fred na nakaupo sa harap ng sasakyan nya at parang nag aantay at nakatungo. kaya lumapit ako.

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon