*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 31 (Milktea)
(Fred POV)
Kasalukuyan kami ngayung nasa opisina ni Sir Nero dahil nagpatawag na sya ng meeting at hinihintay na lang namin ang ibang shareholders at mga managers ng kompanya. Kinuha ko na sa table ang lahat ng copy ng presentation na ginawa ko kahapon at pinag lalagay ko na sa mesa katapat ng mga bangko nila. Ng halos magdatingan na silang lahat pati narin si Sir Michael. Lumapit nako kay Sir Nero na tahimik lang na nakaupo at naghahantay lamang din.
"Sir? Okay na po. Andito na silang lahat"
Tumango lamang sya at tumayo sa harap nila.
"magandang araw"
"Bakit ba bigla bigla ka na lang nagpapatawag ng meeting?"Tanong agad ni Sir Michael sa kanya na nakaupo na sa pwesto nya at mukang masama na naman ang tirada.
"Tungkol saan ba ito Nero?"
Tanong rin ng isang investor sa kanya.
"May mga kopya sa mesa nyo. Maaari nyong tingnan"
Pinagkukuha nila ang mga nilagay kong kopya sa mesa nila at binasa. Nag react naman agad si Sir Michael.
"New Designs? Anong ibig sabihin nito?"
"Lingid sa kaalaman nyong lahat na kaylangan na natin ng bagong designer sa ngayun"
"Sigurado ka ba dyan? Pano kung hindi pumatok? Sisirain mo lang ang imahe ng kompanya eh"Sumabat nako.
"Maaari ho bang makinig muna kayo sa sasabihin ng CEO. Lahat naman po ay malayang makapag tatanong pagkatapos nito"
Natahimik sya at inirapan na lamang ako.
"In a week. Darating na ang bagong Designer ng kompanya. May mga mababago sa designs at stocks. Hindi ko pa maaaring ilabas ang mga primary designs na i prinesent nya sakin. It under approvals pa. Pero gusto ko lang kayong ihanda para malaman nyo rin na in any moment from now. May mga bago tayong rules. Schedules at Authority"
Tahimik lang silang nakikinig.
"sa huling pahina ng mga kopya. Naron ang pangalan at picture ng bagong designer na kausap ko. Maaari nyo syang kilalahin. I research ang background kung gusto nyong wala kayong pagdududa. Pero gusto ko lang sabihin na ang partnership nato ay tuloy na tuloy at hindi mapipigilan maliban nalang kung isa sa amin ng umatras"
"Sandali sandali"Napatingin lahat kay Sir Michael dahil umimik uli ito.
"Bagong Authority? Ang ibig mong sabihin, hindi lang sya magiging partner ng kompanya as Designer, kundi kukunin mo rin sya para magtrabaho dito permanently?"
"Masama ba? A designer is a designer. Mag tatrabaho at magtatrabaho sya pero under my supervision."Nagkamot ng ulo si Sir Michael.
"Ano sa tingin nyo? Specialy Our Company's Shareholders?"
Sumagot ang isang Shareholder nya.
"Hmm. Hindi naman masama ang ideya na yan. Kung para sa kompanya ang resulta"
Tumango tango si Sir Nero. Pero nagsalita na naman si Sir Michael.
"Oo nga. Sabihin na nating para sa kompanya. Pero isipin nyo nga. May original designs na tayo. Yun na ang nakasanayan at nakilala ng tao. Bakit pa natin papaltan?"
"Sinabi ko bang papaltan?"
"Kahit sabihin mo pa sakin na hindi, yun narin ang kalalabasan nun. Hindi ba mga kasama? Magdadagdag ka lang ng tauhang seswelduhan!"Sumighay na lang ako at muka namang nagpapantig narin ng tenga ni Sir Nero.
"At isa pa. Ang mga nag mamanufacture dito at personnel ay mga kilala ko. Alam kong sanay na sila sa trabaho nila. Matagal na sila rito. Pag nagbago ka ng design, pahihirapan mo pa sila. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Palibhasa baguhan ka pa sa mga ganitong usapan. Basta basta ka na lang nag dedesisyon"
"Sabagay Nero. May punto rin ang tito Michael mo. Hindi kaya dadagdag lang yan sa gastos natin?"
"oo nga, baka lalo pa tayong madelay ng ma delay ang manufactures at umunti ang stocks. "
"Kapag nangyare yun. Sige nga, sabihin mo samin lahat dito, kung ano ang gagawin mo para mabawi ang consequence ng desisyon mo?"
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...