*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 28 (The Crush)
(Alexandra POV)
Nasa daan kami ngayun pauwe na ng bahay nila. Tahimik lang kami pare pareho pero, hindi parin ako kumbinsido sa mga desisyon ni Sir Nero. Pero hindi ko na lang sya pinilit pa, alam ko rin naman kung gano kaigsi ang temper nya. Ng makarating kami sa kanila, dire diretso sya sa kwarto nya tapos kinuha nya sakin yung copy ng transactions. Hindi sya umiimik sakin. Nag aalala ako na ewan. Ano bang dapat kong gawin? Hinayaan ko na lang muna sya sa ngayun. Maglalakad na sana ako papuntang kwarto ko ng may tumawag sakin sa pinto.
“Alex”
“Fred?”Pinalapit nyako sa kanya at dinala sa terrace.
“kararating mo lang?”
“sabi ko na eh, hindi kayo pupunta.”Tumungo ako at tumango.
“kamusta daw si Ma’am Martha?”
“Ayun, naka confine.”
“pano mo nalaman?”
“kanina lang kay Lance. “
“Anong nangyare sa kanya? Anong sakit nya?”
“hindi ko parin alam, pero mukang malala”Napahinga ako ng malalim.
“Anong reaksyon nya?”
“Wala akong mabasa sa muka nya blanko.”Napakamot sa ulo si Fred.
“alam mo, naiintindihan ko naman yung mga galit at sakit na dinulot ni Ma’am Martha kay Sir Nero eh. Pero mukang sa sitwasyon nato, pare pareho tayong sumasalungat sa desisyon nya.”
“tama ka, nanay parin nya yun”Tumingin sya sakin ng diretso.
“hm? Bakit?”
“wala, hindi lang ako sanay na sumasalungat ka sa kanya ngayun.”
“huh?”
“sige na. Bukas pala ang first pay mo, wag mong gagalitin si Sir, baka di ka nya swelduhan.”
“huy hahaha. Okay lang”
“anong okay lang. Pag ako di ako papayag no!”
“haha. Sige na, bukas sigurado ako pupunta na syang kompanya, at ikaw na ang kasama”
“hmm. Mukang tama ka. Sige magpapahinga nako.”
“okay”Naglakad na sya papuntang kwarto nya. Ako naman napa buntong hininga na lang at pumunta narin sa kmwarto ko. Katatapos ko lang magbihis ng tumawag si ate sakin. Kaya mabilis kong sinagot.
“ate?”
[Alex, wag mong kakalimutan bukas ha. Ipapa check up uli natin si Nanay sa doktor nya.]
“ahh, oo naman ate. Sa clinic ba?”
[sa ospital na daw eh. Dun na lang tayo mag kita ha]
“sige ate. Anong oras tayo?”
[2 pm ang nakalagay sa schedule nya]
“sige po. Tatawag ako pag papunta nako bukas”
[okay, see you]Binaba ko na ang cellphone ko at lumabas na para kumain.balak ko pa sanang puntahan si Sir Nero, kaso naisip ko baka ayaw nya mag pa istorbo. Kaya naisip ko na dalhan na lang sya ng pagkain sa kwarto nya, kaya kumuha na ko sa mga niluto ni Lawrence at pumunta na sa kwarto nya. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto nya. Kaya na atras ako.
“Sir?”
“Alexandra?”
“bakit po?”
“ikaw ang bakit nandyan?”
“ahhh, dadalhan ko po sana kayo ng pagkain, naisip ko lang po na baka wala kayo sa mood lumabas at sumabay samin.”Sumighay sya.
“Ibalik mo na yan, sabay sabay tayong kakain”
“ahhh sige po”Napatitig ako sa kanya habang nilampasan nya ko at papunta ng kusina. Napasimangot ako. Bat ganun? Parang wala lang sa kanya. Parang normal lang uli sya. Tapos ako yung parang hindi normal ang nararamdaman. Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina, tapos sinundo ko si Nathan sa kwarto nya. At ganun na nga parang normal lang na sabay sabay kaming kumain.
(Fred POV)
Alas syete ng umaga, at maaga akong gumising kasi maaga rin kaming papuntang kompanya. Naligo nako agad at nagpalit ng damit ko, tapos lumabas na papuntang kusina para sana magtimpla ng kape, pero napatigil ako ng masilip ko si Alex na nasa Terrace at tutok sa laptop nya, kumunot ang noo ko, bat ang aga naman nya sa laptop nya? Dumiretso na muna ako sa kusina para magtimpla at nandun di si Nathan na nagtitimpla rin ng Kape nya.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
Любовные романыAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...