Part 32 (The Status)

112 4 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 32 ( The Status )

(Alice POV)

Finally,Hehe. Hi Im Alice. nasa ospital ako ngayun at papuntang room ni Tita Martha. Alas 8 na ng gabi at  Time ng check up ko sa kanya ngayun. Its been 2 days na simula nung huling dumalaw dito si Nero. Nag aalala na nga ako kasi mukang hinahanap hanap sya ng nanay nya. Ng nasa pinto nako, papasok na sana ako ng mapansin kong may tao sa loob nito dahil half glass door kasi ang pinto. nakatalikod at nakahawak sa oxygen ni Tita. Nagtaka ako. Matangkad na lalake at naka sumbrelo ng itim. Inisip ko tuloy kung dapat bang pumasok nako o maghintay na lang muna dito. Mabuti pa sigurong hintayin ko na lang. Sumandal muna ako at tiningnan ito. Imposible namang si Nero to. Hindi naman sya umaalis ng mag isa. Lalong hindi ang Yaya nya. Naisip ko tuloy yung Yaya nya. Hanggang ngayun di ko parin matandaan ang name nya. Pero actually, medyo may napansin ako sa kanya. At sa tingin ko tama ang hinala ko. Hmmm. Its too obvious naman kasi. Napasilip uli ako sa glass door at napatuwid ng tayo. Nanlaki ang mata ko ng dahan dahang tinanggal nung lalake ang oxygen ni Tita. At hinawakan ang isang unan sa gilid nito. Napalunok ako. Anong balak nyang gawin??! Nag isip ako agad. At wala nakong naisip na iba kundi biglaang buksan ang pinto.

"Titaaa, Time for your Check up"

Mabilis na binitawan nung lalake yung unan at mas ibinaba pa ang sumbrelo nya at tumalikod ng bahagya.

"Uhm, Hi, are you relatives?"

Matagal sya bago sumagot. Ang totoo kinakabahan ako. Pero hindi ko pwedeng hayaan ang binabalak nya. Pinipilit kong silipin ang muka nya pero pilit rin syang umiiwas.

"Sir? Kamag anak po ba kayo?"
"Oo. Sige tapos nakong dumalaw"

Mabilis syang kumilos at lumabas habang pilit na tinatakpan parin ang muka nya ng sumbrelo. Napa atras na lang ako ng lampasan nyako. Ng makalabas na sya ay napahawak ako sa dibdib ko. My ghad!! Tiningnan ko si Tita Martha at mabilis kong inilagay uli ang Oxygen nya. Ng okay na, napaisip ako. Sino yun? Kung tama ako ng hinala, pinag babalakan nya ng masama ang buhay ni Tita Martha. Kaylangang malaman ni Nero to. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala. Naalala ko naiwan ko nga pala sa opisina ko. Mabuti pa kunin ko na agad para masabihan ko si Nero. Lalabas pa lang sana ako ng may papasok sana uli kaya nagulat ako.

"Alice"

Nakahinga ako ng maluwag ng makilala ko sya.

"Tito Michael?"

Ngumiti sya sakin.

"Ikaw pala ang Doctor ng kapatid ko"
"ahhh. Opo kamusta na po kayo?"
"ayos naman. Heto dadalawin ko sana ang kapatid ko eh"
"ahhh. Sige po. Maiwan ko po muna kayo dito."
"naku hindi na. Mabilis lang naman. Bakit hindi tayo magkamustahan saglit?"
"hmm. Sige po"

Sinamahan ko syang pumasok uli sa loob at dalawin si Tita. Wala kasing malay pa si tita simula nung pangalawa nyang opera.

"Hayyyy. Bakit ba ito nangyayare sa kanya. Kawawa naman ang kapatid ko"

Napatingin ako sa kanya.

"Si Nero? Hindi ba sya dumadalaw dito?"
"Uhm, last 2 days pa po yung huling dalaw nya."

Umiling iling sya na parang dismayado.

"Ang batang yun talaga. Alam mo ba na nagiging suwail na sya? Natatakot ako na baka pabayaan na nya ang nanay nya"

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya.

"Hindi naman po siguro mangyayare yun."
"Hindi mo na sya kabisado Alice. Matagal na kayong hindi nagkita. Mas tumindi pa sya ngayun"

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon