*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 20 (One Step Ahead)
(Alexandra POV)
Alas 4 ng hapon at nasa byahe kami papuntang Green Rose farm. Kasalukuyan kaming namamaybay sa gitna ng kabukiran. Tatlo kami ni Sir Nero at Fred. Mag iisang oras na ata kaming bumabyahe pero hindi parin kami nakakarating sa pupuntahan.
"Fred? Malayo pa ba tayo? "
"Malapit na Sir. Sabi sa navigation. 2 km ahead"Sumandal na lang ako sa pagkakaupo ko sa backseat at tumingin sa labas ng sasakyan. Nahuhumaling ako sa tanawin. Puro green at mga puno't pananim na napaka aliwalas tingnan.
"Sir, pagkahatid ko sa inyo. Sasaglit ako sa palengke na nadaanan natin kanina. Malapit lang dun ang bagong opisina ni Attorney Cruz. Kahapon, nag email sya sakin. I'll just need to confirm it. "
"Sige. Ikamusta moko sa kanya. Bumalik ka agad bago mag alas 7, tapos na siguro ang appointment ko nun"
"Yes Sir. "Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila, pero hindi ko narin naman balak malaman. Mga ilang minuto pa lumiko na ang kotse sa isang malaking bahay na gawa sa bamboo. Napanganga ako sa ganda ng lugar. Ang daming puno at halaman sa paligid tapos may malawak na sapa sa gilid. Ang ganda rin ng bahay. Rest house na mamahalin ang dating. Tumigil na ang kotse.
"Sir, andito na tayo. "
"Lets go"Bumaba nako at pinagbuksan ng pinto si Sir Nero kaya bumaba narin sya. Maya maya may lumabas dun sa bahay at bumaba sa hagdan.
"Nerooooo"
Ng marinig yun ni Sir Nero, napangiti sya at naglakad. Sinalubong agad sya nung matandang lalake at niyakap.
"Kamusta kayo Mr. Antonio? "
"Mabuti mabuti"Bumitaw sila sa yakap at hinawakan sya nito sa balikat.
"Mas lalo kang gumagandang lalake ah"
Natawa sya ng bahagya.
"Hindi pa kayo nasanay Mr. Antonio. "
"Hay naku. Siguro kung nakikita mo lang sarili mo sa salamin. Laging gaganda ang gising mo"Nagtawanan sila. Mukang magkasundo sila. Dumako ang tingin nung matanda sakin, kaya ngumiti ako at bumati.
"Magandang araw po"
"Palubog na ang araw ineng"Natawa ako, ganun din sya.
"At sino naman ang dalagang ito Nero? Wag mong sabihing--"
"Si Alexandra ho. Yaya ko"
"Yaya? Naku mukang napaka bata mo pa para ma stress kay Nero hahahaa"Napangiti ako.
"Hay naku. Pumasok na kayo sa loob bilis at hapon narin. "
Pero nadako naman ang tingiin nya kay Fred.
"aba Fred! Talagang matibay ka ha"
"haha. Kamusta po kayo Mr. Antonio? "
"mabuti naman. Halina kayo para makapag meryenda. "Lumapit si Fred kay Sir Nero.
"Sir, mauna po muna ako."
"Sige. Mag iingat ka. "Tumingin sakin si Fred.
"Alex, message moko pag okay na"
"sige. Ingat ka"
"Mr. Antonio. Lalakad po muna ako. Babalik na lang ho mamaya, may aasikasuhin lang ho"
"Sige sige, sayang at di ka muna makapag meryenda."
"ayos lang po. Mauna na po ako"Bumalik na sya sa kotse at pinaandar na yun palabas uli ng gate. Niyakag naman na kami paakyat dun sa bahay. Ramdam ko ang sariwang hangin kaya halos palinga linga ako, pero naka alalay parin ako kay Sir Nero.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...