*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 34 ( The Chaos!! )
(Nero POV)
Nasa kotse kami ngayun. Papunta sa school ni Nathan. Gusto ko lang masigurado na okay silang dalawa.
"Sir."
"Hm? Sa tingin ko po. Hindi naman po sinasadya ni Doc Alice na masabi yun kay Sir Michael"
"Kahit na"
"hindi naman po nya alam kung anong nangyayare sa kompanya"
"hindi yan ng pinoproblema ko ngayun. Bilisan mong hanapin yung dalawa. Alam kong hindi pa sya basta basta gagalaw ngayun, pero ang mahalaga masigurado kong okay sila"
"Yes Sir"Maya maya pa ay tumigil na ang kotse at naramdaman kong bumaba si Fred at pinag buksan ako ng pinto.
"Andito na po tayo"
Mabilis akong bumaba.
"Sige na Fred. Hanapin mo kung nasa loob sila."
"Yes Sir. Dito na lang po ba kayo?"
"oo, babagal pa pag sumama ako"
"sige po."Narinig kong nagtatakbo na sya. Humigpit naman ang kapit ko sa tungkod ko habang nakatayo dun. Wala na talagang konsensya ang taong yun. Pati si Martha na kapatid nya ay pinag paplanuhan nyang patayin. Wala na syang kinatatakutan. Mga ilang minuto nakong naghihintay pero di pa bumabalik si Fred. Asn na ba yun? Napahimas ako sa noo. Pano kung di nya makita sila Alex at Nathan?! Pano kung wala sila sa loob? Hindi hindi. Pwedeng naka uwe na sila pagkatapos mag enroll. Pero hindi naman ganun kabilis yun!! Pano kung---
"Sir Nero?"
Nagulat ako at napatigil.
"Ano pong ginagawa nyo dito?"
Napaharap ako sa direksyon nya.
"Alexandra?!!"
"Opo."Natahimik ako ng saglit tapos naglakad papunta sa direksyon nya.
"May nangyare po----"
Niyakap ko sya agad ng mahigpit. Halata naman na nagitla din sya.
"Kala ko kung napano ka na!"
"ako po?"Bumitaw ako sa yakap at hinawakan sya sa magkabilang balikat.
"Si Nathan. Kasama mo ba?"
"ahh nasa Teachers office po."
"ha? Bat nandito ka?"
"ahh. Humiling po kasi sya ng Ice Cream eh kaya lumabas ako para bilhan sya saglit"Nakahinga ako ng maluwag at tumungo.
"Ano pong nangyare? Bakit sumunod po kayo dito"
Bigla namang dumating si Fred.
"Sir Nan-- Alex?"
"May nangyare ba?"
"Fred? Si Nathan?"
"Eto po. Kasama ko"Tumango tango ako.
"buti naman."
Sumighay ako at tumayo ng tuwid.
"Kamusta ang pag eenroll nya?"
"okay na po."Napa isip ako bigla. Tama bang ienroll na sa ngayun si Nathan? Pano kung habang pumapasok sya ay may mangyare sa kanya? Pero alam kong ito rin ang gusto nya.
"Wala po bang kayong trabaho ngayun sa Kompanya? Akala ko po ba ngayun ang dating nung Designer"
"Basta. Sumakay na kayo sa kotse. Ihahatid na muna kayo sa bahay"
"ahhh. Sige po"Naramdaman kong naglakad na nga sila at sumakay ng kotse. Inalalayan naman ko ni Fred pabalik sa sasakyan. Ng makasakay na kami ay pina andar na ni Fred ang kotse
"Alexandra"
"Sir?"
"Sa susunod wag kang aalis ng ikaw lang o kayo lang ni Nathan"Tahimik lang sya.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...