*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 14 (Confession)
(Alexandra POV)
Kababa lang namin ng kotse pagdating sa bahay nila. Nana ng pumasok sila Sir Vhon at Sir Nero. Naiwan muna kami ni Fred.
"Alex? Sorry ha"
Tumingin ako sa kanya.
"Okay lang. Nandun na eh"
"Ganun ba kayo ka close? "
"hm? Sino? Si Lance? "Tumango sya. Lumapit sakin at sumandal sa gilid ng kotse apos nag cross arms. Kaya ganun narin ang ginawa ko sa gilid nya.
"ginagaya mo ba ba ako? "
"hindi ha haha"
"eh ano nga? Vlose ba kayo ng sobra? "
"oo, actually tatlo kami. Kasama si Beth. Alam mo naman yun diba"
"haha pano mo nasabi? "
"hello, tandang tanda ko pa kaya nung sinabi mo sakin na inalam mo ang pagkatao ko"
"hahaha oo nga naman. Pero hindi ko naman alam na ganun kayo kalapit"
"pero bakit mo ko pinrotektahan? "
"ha? "
"eh diba ayaw mong malaman ko"
"ahh e kasi kaibigan mo sya. Tsaka alam kong mahirap manimbang pag tungkol sa mga usaping ganan. "
"hmmm, parang may pinanghuhugutan ka ah. "Tumawa sya.
"walaaa"
"sus, magkwento na"
"wala nga. Alam mo umakyat na tayo, baka masigawan na naman tayo"Tumayo na sya ng ayos at maglalakad na sana.
"Fred? "
"Hm? "
"Sinabi na sakin lahat ni Sir Nero"Nagulat sya.
"ha? Lahat? "
Tumango ako.
"actually, hindi ko alam kung yun na nga lahat. Pero para sakin sapat na yun para maintindihan ko yung sitwasyon. "
"Well siguro, mas makakabuti narin yun"
"pero may isa pakong gustong malaman"
"teka teka teka ha! "
"bakit? "
"Wag mong sabihing ako ang gusto mong sumagot nyan"
"hahaha ang damot mo naman Fred eh"
"o sige sige, ano yun? "
"wag na lang haha"Tapos nginitian ko na sya at nauna nakong naglakad sa kanya.
"Aba, at ang lagay, ako pa ngayun ang gustong gustong malaman ang tanong mo? "
Tinawanan ko na lang sya tas sumunod na lang sya papasok. Pagpasok namin nakasalubong namin si Sir Nero na papuntang Salas din.
"Fred? "
"Yes Sir? "Lumapit si Fred sa kanya. At may iniabot na susi.
"Kunin mo lahat ng mga magagamit ko sa stockroom"
"po? Pero diba Sir, ayaw nyong nagpapasok ng ibang tao sa Room na yun? "
"Hindi na ngayun. Kunin mo lahat ng documents ko tapos dalhin mo sa opisina bukas ng maaga"
"Yes Sir. "Agad na kumilos si Fred at pumunta sa Stockroom, babalik na sana si Sir Nero sa kwarto nya pero sumunod ako pero halos matumba ako sa gulat ng bigla syang humarap sakin at tumigil
"Ano?"
"S-sorry po. "
"May sasabihin ka? "
"uhm, yung sa nangyare po kanina, kakamustahin ko lang po kayo"
"nag aalala ka sakin? "
"Syempre naman Sir"
"Pero pinagtanggol mo yung kaibigan mo"Napakamot ako sa ulo.
"eh, kasi poooo"
Bumuntong hininga sya.
"gusto mong bunawe? "
"po? Ahh oo naman Sir"
"Timpla moko ng Juice"Tapos tumalikod na sya at naglakad papuntang kwarto nya. Napangiti ako. Walang pinag bago. Kaya sinilip ko na lang si Nathan sa kwarto nya bago pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...