Part 10 (The Moves)

179 7 0
                                    

(Vhon POV)

Naiwan kaming dalawa dito ni Fred sa terrace. Si Young lady naman ayun nagtitimpla ng juice.

"Fred. I will check on Nathan muna ha"
"Yes Sir"

Naglakad nako papuntang kwarto ni Nathan at pagbukas ko nun masaya syang nanunuod ng favorite cartoon nya.

"Hi Nathan"

Ngumiti sya sakin kaya tinabihan ko sya.

"maghapon ka na namang hindi lumabas. Takot ka parin ba? "

Hindi sya umimik pero halatang sumimangot.

"wag ka mag alala,  hindi namin hahayaang maulit pa yun okay? Kaya wag ka ng matakot"

Tumango sya at sumagot ng opo.

"very good.  Gusto mo bang tumabi ako sayo mamaya pagtulog? I have a new story na gusto kong ikwento sayo. "
"talaga po? Tungkol po saan?"

Excited syang nagtanong.

"tungkol sa mga robots from outer space na bumaba dito sa earth natin"

Well I hope,  hindi nya mahalata na transformers yung tinutukoy ko.

"sige po.  Tabi tayo tito"
"o sige. Pero alam mo ba.. "

Hindi na sya nanuod at humarap lang sakin.

"Si tito Nero mo,  mas maraming alam na kwento yun kesa sakin"

Nag iba ang ekspresyon nya.

"Kaya kapag bumalik na si tito Vhon mo sa Japan,  wag kang mahihiyang magtanong kay tito Nero mo. Dati naman lagi kang Nagpapa karga sa kanya eh"
"ayoko po"
"bakut naman? "
"natatakot po ako sa kanila atsaka sa Mommy nya. Lagi po silang sumisigaw"

Medyo sumighay ako sa sinabi nya.

"atsaka po laging sinisigawan ng Mommy nya ang mommy ko. "

Naawa ako sa itsura nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit.  Its been a lot of years pero malinaw na malinaw parin sa kaisipan nya ang mga pangyayareng ganun.

"Don't worry,  darating ang araw. Maiintindihan mo din"

After ilang minuto lumabas nako sa kwarto nya para magpalit na dahil dito ako sa kwarto ni Nathan matutulog. Pupunta pa lang sana ako sa kwarto ko ng mapansin ko si Fred sa salas na parang seryosong seryoso sa tinitingnan nya sa cellphone nya at parang ang lalim lalim ng iniisip nya. Maya maya pa ay sinuot nya uli ang coat nya at lalabas sana pero tinawag ko sya.

"Fred? "

Halatang nagulat sya at tumingin sakin.

"Sir!!"
"ayan ka na naman sa kaka sir mo eh"

Humarap sya sakin pero halatang medyo hindi sya mapakali.

"Ayos ka lang? "
"ahh,  oo naman po"
"Bat parang balisa ka ata? "

Napaiwas sya ng tingin at kinagat ang lower lip

"Kilala kita brother.  May problema ka ba? "

Nagbuga sya ng malalim na paghinga.

"Tsaka san ka pupunta?  May inutos pa ba sayo si kuya? 7 pm na"
"wala po.  Ahhh,  may sasaglitin lang po ako"

Tinitigan ko sya. Alam kong may nangyayare  kaya sya ganyan.

"Alam mong pwede mokong sabihan ng kahit na ano"

Napapikit sya at tumungo.

"okay Sir.  Sa tingin ko naman kayo ang dapat maka alam muna"
"ano ba yun? "
"May puluntahan lang po ako.  Mabilis lang. May tatagpuin lang akong tao. Pagbalik ko,  may ipapakita ako sa inyo"

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon