Part 18 (Unexpected Battle)

158 7 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 18 (Unexpected Battle)

(Alexandra POV)

Mag aalas 7 na ng gabi ng magpaalam ako kay ate na lalabas ako at bibili ng makakain saglit.  Si Fred hindi ko na nakita simula nung nawala sya kanina. hindi naman ako masyado makakain  ng dala ni Lance na kanin at ulam kanina.  Kaya balak ko na lang bumili ng maiinom na makakabusog. Lumabas ako saglit ng ospital dahil medyo may kamahalan din ang mga tinda sa loob.  Nagulat pako ng may dumating na ambulansya at may ibinaba na pasyente na wari ko ay naghihingalo.  Napatingin ako sa babae na halos akayin na dahil sa kaiiyak. At hindi nawala ang tingin ko hanggang sa makapasok sila sa Emergency room. Somewhere in my mind. Pano nila napapakita yung sakit. Nakaka hili rin minsan kasi nagagawa nilang i express yung nararamdaman nila. Bumuntong hininga na lang akoat iniwas na ang tingin ko. Naglakad nako ng diretso at luming linga pa para maghanap ng malapit na dept store. Kakalinga ko,  may nahagip ang mata ko. Kaya napatigil ako.

"Sir Nero? "

Kung tama ako,  anong ginagawa nya dito? Tahimik syang nakatayo at nakasandal sa kotse nyang puti. Nakatungo at naka crossarms at legs. Unti unti akong lumapit. At naramdaman nya siguro ako kasi medyo lumingon sya.

"Fred? "
"Sir? "

Napatuwid sya ng tayo at kinuha ang tungkod nya na isinandal sa kotse.

"Alexandra? "
"ako nga po. Anong ginagawa nyo dito Sir? "
"uhmm. "

Tiningnan ko sya sa mata at kumukurap kurap na naman sya.

"I heard what happened,  I just wanna make sure na pag may kaylangan ka.  Matutulungan kita"

Ewan ko ba pero parang may lumuwag sa dibdib ko habang tinititigan ko sya.

"Pasensya na po dahil---"
"wag mong isipin yon. Kaylangan ka ng nanay mo"
"salamat po.  Pero hindi nyo naman po kaylangang magsayang ng oras dito. Baka magkasakit pa kayo kasi malamig na. "
"its okay,  pwede akong pumasok sa kotse anytime. Ikaw,  bat ka nandito sa labas? "
"uhm,  wala lang po.  Bibili sana ng maiinom na makakabusog."
"kaylangan mong kumain"
"okay lang po. Wala pakong gana. Si Fred po?  Pano kayo uuwe? "
"may pina asikaso lang ako. Babalik din sya"
"ahhh"
"samahan mokong maghanap ng department store"
"Ah Sir,  okay lang po ako. Mapapagod pa kayo. "
"Nagugutom rin ako"

Napasighay ako. Oo nga naman.

"ahhh sige po Sir"

Binuksan nya ang pinto ng kotse tapos inilagay nya sa loob yung tungkod nya tas isinara uli.

"Sir? Iiwan yo ang tungkod nyo? "
"yeah"
"bakit po? "

Nagulat ako ng humawak sya sa kamay ng jacket kong suot.

"I have you. So its okay"

Saglit pakong napatigil dahil sa sinabi nya. Hinila hila nya na ang tela ng jacket ko.

"tara na"
"ah,  opo"

Dahan dahan nakong naglakad. Sa totoo lang medyo naninibago ako sa ganto. Mayat maya ako lumilingon sa kanya kasi nag aalala ako baka hindi sya kumportable. Naglalakad lng kami ng marahan sa field ng hospital papuntang labasan.

"Alexandra? "
"yes po. "
"wala ka narin bang tatay? "

Nagulat ako sa tanong nya,  pero dire diretso parin kami sa paglalakad.

"Wala na po. 12 years old ako nung mag abroad sya,  pero hindi na nakauwe. "
"bakit? "
"ang sabi ng mga ka trabaho nya. Nakahanap na po ng iba"

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagkekwento.

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon