Part 22 (Who)

127 6 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 22 ( Who )

(Fred POV)

Nakasakay parin ako sa kotse,  at kahit basag ang unahang bubog ay iniuwe ko parin. Pagdating sa bahay ay ipinarada ko na muna,  at kukuha pa muna ako ng pera para mapaayos. Bumaba ako at tiningnan uli yung basag.  Nagulat ako ng biglang sumulpot si Alexandra sa tabi ko.

"Anong nangyare? "
"Sshhhh. Wag kang maingay. Anong ginagawa mo dito?  Bat wala ka sa loob? "
"ahh nagdilig ako ng halaman. Wala kasi si Ricky, may pina asikaso si Sir Nero. naaksidente ka ba? "

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko yung papel na nakabalot sa bulsa ko at iniabot sa kanya. Nagtaka sya at binuklat yun.

"Stay still or you die?? "

Nanlaki ang mata nya.

"Kanino galing to? "
"Im not sure. "
"Teka,  hindi ka ba nasaktan? "

Umiling ako. Tumahimik sya at parang nag isip.

"sa tingin mo?  May kinalaman kaya si--"
"wag muna tayong mag banggit ng pangalan. Aalamin ko muna"
"Fred,  sa nangyare nato,  hindi ba ibig sabihin delikado ka? "
"Hindi parin ako sigurado kung para sakin to"
"Anong ibig mong sabihin? "
"Sasakyan ni Sir Nero ang dala ko remember? Posibleng sya talaga ang puntirya"

Nagulat sya.  At mukang nag alala ang itsura.

"Alex,  wag mo munang sasabihin kay Sir Nero.  Kahit anong mangyare.  Habang inaalam ko pa kung kanino nanggaling to"
"tutulong ako"
"Hindi na kaylangan.  Baka kung mapano ka pa. Pumasok ka na sa loob.  Kukuha lang ako ng extra,  ipapa ayos ko. "
"bakit hindi ka na lang tumawag ng mag aayos?  Baka mamaya balikan ka pa ng mga yun"
"hindi pwede.  Baka malaman ni Sir Nero.  Alam mo naman ang kaya nyang gawin"

Natahimik sya.  Tinapik ko sya sa balikat at nilampasan na sya.  Saglit pa syang tumitig sa kotse. Pumasok naman ako sa loob at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko g bag ko at nagmadaling lumabas uli. Pero napatigil ako ng lumabas ako ng pinto.  Hindi ako pwedeng makampante na lang paglabas. Bumalik ako sa kwarto ko at binuksan ang drawer ko. Napatitig ako sa laman nito.  Nag isip muna ako ng mabuti. Pero para rin sa kaligtasan ko to. Kaya kinuha ko ang baril  don at inilagay sa bag ko. May hinala narin naman ako. Maganda na yung sigurado.

(Alexandra POV)

Mabilis na umalis si Fred.  Medyo nag aalala  ako. At sino naman kaya ang gagawa nun sa kanya?  Pero bakit parang may naiisip akong pwedeng pag hinalaan,  pero hindi ako pwedeng mambintang na lang basta. Nakatulala lang ako sa kusina at nakaupo. 

"Alex! "

Napalinga ako sa direksyon ni Lawrence.

"hm? "
"ayos ka lang? "
"Ahh oo naman. "
"bat parang ang lalim ng iniisip mo? "
"hm?  Hindi ha. Napagod lang ako tsaka mrjo napuyat. "
"Huy,  mag share ka nga.  Anong nangyare kagabi? "
"huh?  Ano namang mangyayare? "
"Well,  magdamag kayong hindi umuwe nho. "
"at ano naman ang iniisip mo?  Kung alam mo lang kung gano kalakas na ulan ng sinagupa namin para lang makahanap ng matutulugan,  eh hindi ka magtatanong ng ganan. "
"ang dami mo na agad sinabi.  May nangyare nho"
"pano mo ba naiisip yan? "
"hay naku. Wag na tayo maglokohan.  Alam ko naman na may something."
"tigilan mo nga ako bakla ha"
"ang init naman ng ulo nito oh. "

Hayyyy...... Humalumbaba ako.

"Sya nga pala.  Kaya mo pa ba? "
"ha? Bakit? "
"eh makikiusap sana ako sayo."
"ano yun? "
"eh kasi kahapon pa ako tumatawag dun sa shop ng dried fruits. Pero walang sumasagit sa linya. Busy siguro sa customers.  Well understood naman.  Kaso need na natin sya dito kasi kauubos lang ng stocks sa refrigerator. "
"Dried fruits?  Ahhh dun sa may milktea shop? "
"dun na nga,  okay lang ba na sadyain mo na,  para masiguradong maisama tayo para sa delivery bukas? "
"ahhh sige. "
"sure ka? "
"yeah. Kaylangan din ni Nathan nun.  Baka maghanap sya eh"
"kaya nga eh. Thank you Alex"
"no worries."

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon