(Alexandra POV)
Nandito ako ngayun, nakatulala sa salas nila na pagka laki laki, kasi naman ang daming paintings na aakalain mong ginto ang frame dahil sa mga kintab at solidong itsura nito. Pati mga upuan at decorations nila sobrang sophisticated. Ang ibig sabihin ba nito dito ako titira?
"Hatid na kita sa magiging kwarto mo"
Napa iktad naman ako ng bigla na lang sumulpot sa gilid ko si Fred.
"Wag ka humanga dyan, wala namang kwenta lahat yan"
"ha? Anong walang kwenta? Tingnan mo naman oh, parang mga ginto at diamonds na kumikislap. Sobrang sisipagin siguro akong maglinis nito nho, kaso mukang kaylangan ko ingatan"
"maglinis? "
"oo, ano pa bang ginagawa ng Yaya? atsaka alam mo, buti na lang natuto ako mag luto at maglaba kaya wag ka mag alala, hindi kita ipapahiya"Natawa sya ng bahagya.
"Halika na, ihahatid na kita sa magiging kwarto mo"
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya, pero hindi ko parin maalis ang tingin ko sa mga kagamitan nila, mapapanganga ka na lang talaga. Maya maya pa ay may binuksan na syang pinto, pumasok kami pareho at muli napanganga na naman ako, may kalakihan ang kwarto at doble ang laki ng kama nato sa kama ko sa bahay.
"Dito mo na lang ilagay ang mga damit mo, may mga extra damit din dyan na magagamit mo"
Sabay turo nya sa glass na aparador.
"teka, seryoso ka ba? Ang laki laki nito oh, atsaka ang gaganda ng gamit, sigurado ka bang dito ako?"
" Hahaha, oo nga"Pinagmasdan ko ang kwarto at wala na lang ako masabi.
"Sya nga pala Alex"
"hm? "
"Salamat"Ngumiti sya sakin.
"ahhh, Salamat din, kasi atleast ngayun may mapag kaka abalahan nako"
"akala ko hindi mo tatanggapin ang trabaho eh, Atsaka alam na ba to ng kapatid mo? "
"Sa totoo lang, hindi ko parin nasasabi, ang alam nila nakahanap ako ng trabaho na stay in dahil sa trainings, alam ko namamg hindi rin sila papayag, kaya naisip ko, kaylangan naman talaga namin to eh"
"natutuwa ako sa decisions mo"Nginitian ko na lang din sya
" oo nga pala Fred, hihingi sana ako ng favor eh"
"ano yun? "
"pwede mo ba akong i tour dito sa bahay nato para malaman ko na rin kung san kusina, banyo at iba pa, para alam ko kung anong mga gagawin ko at kung san ako pupunta. Atsaka yung Boss nyo, sa tingin mo, kakayanin ko kaya, medyo parang uneasy pako hehe, atsaka anong schedule ko, like yung si Nathan, yung bata kanina, pumapasok ba sya, anong mga paborito nyang baon? "Napatawa na naman sya sakin
"Alex, you dont need to be nervous"
"oo nga pero syempre, hindi ko din naman forte to eh, pano kung pumalpak palpak ako? "
"wag ka mag alala, i totour kita sa bahay pero hindi mo kaylangang magluto at maglinis ng bahay, dependa na lang kung para sa sarili mo"
"ha? Eh ano pang gagawin ko dito? Hindi ba yun ang trabaho ng yaya. "
"naaalala mo yung ginawa mo kanina? "
"alin? "
"yung napalabas mo si Nathan sa kwarto nya"
"o tapos? "
"Kaylangan mo lang laging nandyan pag kaylangan nya ng company"
"eh teka, hindi ba nandyan naman yung boss nyo"
"Hindi sila Close"Kumunot ang noo ko sa sinabi nya
"seryoso ka ba? "
"yes, or mas maganda ata sigurong sabihing hindi close si Nathan sa kanya"
"bat naman nagka ganun? "
"Hindi ko pwedeng ilahad ang mga personal na bagay sayo eh, well kung dito ka naman mag sstay, malalaman mo rin yan unti unti"Napakamot na lang ako sa ulo
"So ano ba talagang magiging trabaho ko dito? "
"Una"Lumabas sya ng kwarto kaya sumunod agad ako
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...