CHAPTER 3

14K 223 6
                                        

CHAPTER 3

AYAW niya nang tumingin sa binata dahil nahihiya talaga siya. Sino ba naman ang hindi? Sa lahat ng tao na makikita niya ngayon ay ito pa talaga na sobrang kinaiinisan niya.

"Ano pa ba ang bibilhin mo?" Natauhan siya nang mag salita ang hinayupak kaya't napatingin siya rito.

"Wala kang paki—"
Napasinghap siya nang bigla nitong nilapit ang mukha nito sa kaniya kaya't wala sa sarili niya itong tinulak bahagya at nag lakad palayo.

"Hey!"
Tawag nito sa kaniya ngunit nag bingi-bingian nalang siya.

"Miss!"
Sigaw nito kaya't napangiwi siya.

Problema niya?

Napatingin naman sa kanila ang ibang bumibili dahil masyadong agaw pansin itong anak ng tokwa na kapitbahay niya. Kasi naman kahit naka cap at simpleng T-Shirt lang ito at cargo shorts ay ang lakas parin ng dating nito.

"Are you done eye-raping me?" Tanong nito kaya't napa singhap siya. Ngayon niya lang din na realize na nakatitig pala siya rito kaya't agad siyang umiwas at nagkunwaring may pinulot na cotton pads at hinagis iyon sa cart niya.

"Ang kapal mo!" Galit na singhal niya rito at umirap.

Agad niyang tinalikuran ang lalake para tumigil na sa pag tibok ng malakas ang malandi niyang puso.

"Ganito ba ka sungit lahat ng mga kapitbahay?" Pagpaparinig nito sa kaniya sabay tawa.

Hindi nalang niya ito pinansin at tinulak palayo ang push cart niya.

"Wait, mabuti pa ipasama ko nalang sayo ang bibilhin ko!"
Hinabol siya nito at inagaw ang cart niya upang ito na ang tumulak. Aagawin pa sana niya pabalik pero nilayo nito sa kanya.

"Sige na, just some alcohol." Wala na siyang nagawa at tumango nalang. Nginitian naman siya ang baliw niyang kapitbahay.

"Lahat ba ng kapitbahay lasenggo?"
Paggaya niya sa tono nito kanina ngunit tinawanan lang siya nito bago kumuha ng ilang bote ng alak.

Tawa ng tawa, baliw ba 'to?

"Bakit? Ayaw mo ba sa umiinom?"
Kumindat pa ito kaya't inirapan niya.

"Okay lang, pero depende siguro ewan ko." Aniya at tumitingin tingin sa mga naka display.

"What do you mean by depende? Bakit Ano ba ang gusto mo sa lalake?" Bahagyang inilapit nito ang muka sa muka niya nang humarap siya rito.

"Umm... k-kahit ano b-basta...
hindi mayaman." Napakunot ang nuo nito sa sagot niya at parang hindi ito makapaniwala.

"T-teka, ilayo mo nga yang muka mo!" Inis na sabi niya at tinulak ang muka nito.

"Seriously? You know what? Halos lahat ng babae ay nangangarap ng mayamang lalake tas ikaw, kahit ano basta hindi mayaman? Tss... You're fascinating." Natatawa ito pero hindi siya nagbibiro.

Totoo ang sinabi niya. May rason kung bakit ayaw niya sa mayamang lalake dahil baka magaya lang ang karanasan niya sa ina niya.

"May bibilhin kapa ba? Bayaran na natin to sa counter." Natauhan siya sa tanong nito at sumunod rito.

"You okay? You look pale."
Tanong nito at tinitigan siya ngunit dali-dali siyang umiling.

"Wala to."

Pano ba naman hindi ako sanay sayo!

Gusto niya sanang isigaw yun sa pag mumuka nito pero nauna na itong mag lakad patungo sa counter na kung saan maraming nakapila.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon