CHAPTER 14
NAKA KUNOT NOO si Rabea habang nakatingin kay Shune.
Ano ba ang pinag sasabi ng babaeng ito? Anong Therhence Vasquez?Tumingin naman siya sa babae at panay ayos nito ng tube dress nito para lumitaw ang cleavage nito.
Napa irap nalang siya sa utak niya."Mr. Vasquez?"
Tawag ulit nito sa pansin ni Shune na nakatingin sa kanya.Agad namang ngumiti si Shune dito at ang bruha naman ay parang uod na binuhusan ng asin.
"Excuse me, hindi ako yun."
Nakangiting sagot ni Shune.
At hindi makapaniwalang nakatingin dito ang babae."What? are you kidding me?. It's you hindi ako pwedeng magkamali...your family owned the Vasquez Chains of Hotels right? And I saw you in some magazines—you're the CEO of HighLands Corporation right?"
Naguguluhang sabi ng babae ngunit umiling lang si Shune na may ngiti sa labi. Pero may ibang emosyon ito sa mga mata na pilit tinatago.
Tumingin muli ito sa kanya at nahuli nito na nakakunot nuo siya."I'm sorry miss... I don't really know what you're talking about. I'm not Mr. Vasquez maybe we're just look a like...or something—but I can show you my I.D if you want. I'm Shune Francisco by the way."
Deretsong sabi ng binata ay dissapointed namang umalis ang babae sa table nila ni Rabea at hindi man lang nagpa alam.
Alanganing ngumiti sa kanya ang binata pero sinuklian niya ito ng kalmadong ngiti at sa di malamang dahilan ay bumugtong hininga ito.
"Ok ka lang namumutla ka... wow ha napagkamalan ka pang sikat na negosyante ha!"
She laugh shortly.Pero seyoso lang na nakatingin ang binata sa kanya.
"What if....ako nga yun?"
Biglang tanong ng binata na ikinalaki ng mata niya."Anong gagawin mo? Pag isa pala akong bilyonaryo?"
Gusto sana niyang matawa sa sinabi ng binata pero gusto niyang sakyan ang biro nito kaya seryoso din niya itong tinignan."Syempre...matatakot ako sayo at may tendency na iiwasan kita kasi you know, ayoko sa kanila ay ayoko mag ka koneksyon sa mga mayayaman. You can't blame me. May nakaraan akong karumal dumal. Kaya...siguro...lalayuan kita. Yun ang best option."
Seryosong sabi niya at nakita niya kung gaano nanlaki ang mata ng binata.
Syempre joke lang niya yun alam naman kasi niya ni jino-joke lang din siya ng binata kaya pinatulan na niya kaso lang di siya tumawa para may effect ba.Pero...kung totoo mang ganun si Shune...hindi naman niya magagawang iwasan ito. Sa ilang buwang mag kakilala sila ay masasabi niyang mabait itong tao at hindi nito kayang manakit ng iba.
At tyaka masyado nang nahulog ang loob niya dito para layuan ito.
Oo, ayaw niya sa mga mayayaman pero kung si Shune din lang naman exempted ito.
Basta wag lang siya nitong gawing tanga.PAG KATAPOS nilang kumain ay nagbayad na si Shune.
Mukang hindi naman ito nanghinayang na mag bayad ng libo libo.Naka ngiti siya nitong nilingon kahit na kanina ng kumakain sila ay mukang hindi talaga ito maka move on sa sinabi niya. As if naman na totoo yun.
Ilang oras silang namasyal sa park.
Pinag kakatinginan pa sila ng mga tao kasi naman mukang artista tong si Shune.Plus pa na nag suot ito ng sunglasses marami tuloy ang mga babaeng panay sulyap.
Kaya panay irap niya rito.
Meron pa ngang isa na hindi na tiis at lumapit pa talaga para mang hingi ng phone number ni Shune.Sa sobrang inis niya ay inirapan niya ito.
Hindi ba niya naisip na baka girlfriend ako? Kahit di nama pero nag iisip ba ang babaitang yun?.
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...