CHAPTER 31

4.1K 90 0
                                    

CHAPTER 31

UMIIYAK at parang wala sa sariling pumasok si Rabea sa loob ng Café. Agad naman siyang nakita ni Nery kaya dali dali siya nitong nilapitan.

"Girl! naku... kamusta ang lakad?—teka Rab! Bakit ka umiiyak?"

Pati sina Lilet ay napatingin sa kaniya.
Mabuti nalang wala na masyadong tao. Pinunasan niya ang luha at dali-daling pumasok sa opisina niya.

"Rabea..." Nang masarado ang pinto ay dun na siya humagulgol. Kanina pa niya ito pinipigilan sa loob ng taxi. Umupo siya sa couch at itinakip ang palad sa muka.

Nag-aalala namang tumingin sa kaniya ang kaibigan niya at niyakap niya mula sa gilid.

"Sabihin mo sakin, Rab anong nangyari?"
Umayos siya ng upo at pinunasan ang luha na walang tigil sa pag agos.

"N-Nakita ko si Therhence. Naghahalikan sila ni Cailey."
Napa awang labi ng kaharap sa sinabi niya.

"Sigurado ka ba, Rab? nagkausap ba kayo?"
Tanong nito kaya agad siyang umiling.

"Umalis lang ako ka agad dahil hindi ko talaga kinaya."

At hindi niya ata kakayanin lalo na't buntis siya.
Paano na ang bata? Sigurado siyang hindi niya ito ipapalaglag. May takot siya sa Diyos at mahal niya ang magiging anak niya.

Ang anak ko...

Kailangan niyang maging matatag para sa anak niya. Dapat niyang iwasan na ma stress dahil makakasama yun sa baby niya.

"Nery... pwede bang humingi ng favor sayo? Pwede ba na doon muna ako sa bahay mo? Para kahit saglit lang hindi ko makita ang pagmumuka ni Therhence, ayoko ko pa siyang makausap."
Agad naman itong tumango ng walang pag aalinlangan.

"Sige, pero sigurado ka ba? Mas mabuti sana na mag usap kayo para luminaw ang lahat."
Suhestiyon nito pero maisip palang niya na makita ng muka ng binata ay nagagalit na siya. Siguro ay dahil to sa pagbubuntis niya. Hindi muna siya uuwi sa bahay nila dahil paniguradong nandon ang lalake pag uwi nito galing trabaho.

"Hayaan mo siya, siguro naman ay hindi niya ako hahanapin."

Magsama sila ng Cailey na yun.

Hinding hindi niya ito kakausapin.
Ayaw na niya ding umiyak dahil makakasama iyon sa baby niya.

Galit at sakit ang nararamdaman niya dahil hindi niya akalaing magagawa yun ni Therhence. Palagi bang pumupunta don ang Cailey na yun?

"Ugh!, Nakakainis!"
Sigaw niya kaya napa igtad si Nery.

"ATE bakit biglaan naman 'tong alis mo?" Nagtatakang tanong ni Reeve sa kanya habang hawak ang bola.

Inilagay naman niya ang ibang damit sa bag niya kunti lang ang dinala niya dahil ilang araw lang naman siya dun.

"Kailangan Reeve eh. Tsaka, mga dalawa o tatlong araw lang ako dun, wag kang mag alala malapit lang naman ang bahay ni Nery eh. Teka kung sumama nalang kaya kayo? Ayoko kayong iwan dito eh."
Aniya at umupo sa kama paharap sa mga kapatid niya.

"Naku wag na ate, nakakahiya kay ate Nery, tsaka malaki na po ako at kaya ko ng alagaan si Rabi mag isa. Kahit nga isang buwan ka pa dun eh."
Mayabang na sabi nito kaya natawa siya.

"Sige, basta wag mo yan iiwan dito sa bahay mag isa ha. Wag rin kayo gagala pag gabi na, i lo-lock mo lagi ang pinto bago matulog."

"Yes po, Madam!"

Napanguso naman siya. Binata na pala itong kapatid niya. Hayst.
Kung alam niyo lang na may pamangkin na kayo soon.

"Kasama mo ba si Kuya Therhence, Ate?"
Agad na kumulo ang dugo niya ng marinig ang pangalan ng lalake.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon