CHAPTER 8
"THANK YOU dito Aries!"
Nag wave siya kay Aries ng matapos siyang ihatid nito binilhan pa siya ng pasalubong para sa mga kapatid niya. Sobrang saya pa nito at hindi man lang niya naexplain kung bakit siya tumango. Gusto niyang bawiin pero baka sabihin nitong paasa siya.Ang tanga naman niya kasi eh.
Naiiling iling niyang binuksan ang gate nila at dumeretso papasok sa bahay nila. Pero bago pa yun ay napasulyap siya sa bahay ng binata.Nandyan na kaya yun? Baka kasama parin ang girlfriend nito. Nakakainis naman.
Umasa talaga siya na totoo ang sinabi sa kanya ng binata.
She sighed.
"Ate?" Gulat na gulat ang muka ni Reeve.
Siguro dahil sa buhok niya."Pangit ba Reeve?" Tanong niya dito pero aabilis itong umiling.
"Grabe ang ganda mo na ate pag nakita ka ni kuya Shune siguradong mag lalaway yun--"
"Anong pinagsasabi mo?"
Sinamaan niya ng tingin ang kapatid niya."hehe wala ate."
"Ate...wow ang ganda mo po!"
Nakangangang sabi ni Rabi kaya pinisil niya ang pisngi nito."Matagal na akong maganda Rabi..." aniya at binigay dito ang dalawang box ng pizza na binili ni Aries.
"Yeyy.."
Dumeretso naman siya kwarto niya pata mag bihis.
Kanina lang ang plano niya ay bumili ng alak ng bwesit ng kapitbahay tapos nakita niya itong may kahalikang babae tas nag pa salon siya, tapos ay aksidente pa siyang pumayag na ligawan ni Aries. What a big day.Akmang isasara niya ang bintana niya ng makita ang ang kapit-bahay niya sa terasa nito na nakaharap sa laptop at naka specs nanaman, mukang fresh na fresh ito, siguro ay kakaligo lang.
Napairap siya ng nilingon siya nito at napa nganga ito.
Agad niyang sinara ang bintana niya.
Kala mo maloloko mo ko ha muka mo!UMAGANG umaga ay kumukulo ang dugo niya dahil kininditan siya ng kapit bahay niya tas sinabihan ng good morning. Sarap nitong sakalin.
Pinag handa nalang niya ng breakfast ang mga kapatid niya para makapunta na siya ng Cafe.
Nagluto siya ng simpleng agahan at pagkatapos ay naligo.Pag labas niya ng bahay nila ay nagulat pa siya na nandun na si Aries at hinintay siya sa kotse nito.
"Good morning, Rab."
Sabay bigay sa kanya ng bouquet ng bulaklak.
Tinanggap naman niya yun at inamoy."Thank you Aries, nakakahiya naman nag abala kapa."
Agad itong umiling."No, wag mong sabihin yan kung araw araw kong dapat gawin yan para sagutin moko ay gagawin ko."
Napangiti siya sa sinabi nito at wala sa sariling napadako ang mga mata niya sa bahay ni Shune.
Nagulat siya ng makita ang binata na nag didilig ng halaman pero sa kanila nakatingin at madilim ang muka nito habang nakakuyom ang kamao.
Problema niya?
Hindi nalang niya ito pinansin at inaya na si Aries na umalis.
Nang makarating sila sa Cafe ay todo puri agad siya ng mga Staffs dahil sa buhok niya.
Pati si Nery daw ay magpapakulay din ng ganun na ikinatawa niya."Siguro nagpapaganda to para mabihag si Mr. Hot Neighbor."
Initapan niya ito ng maalala ang kapitbahay niya."Wag mo nga siyang banggitin nakakainis siya."
Pabagsak niyang nilapag ang hawak niyang platito.
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...