CHAPTER 4

13.2K 191 0
                                        

CHAPTER 4

"MGA kaibigan mo sila?"

Napanganga si Rabea nang sabihin ni Shune na mga kaibigan nito ang mga lalaki sa harapan nila.

Kahit na medyo magulo at palamura ang mga ito ay mukang medyo pormal naman.

Napangiwi siya at napasulyap sa kapitbahay niya. Mas gwapo si Shune.

Tumikhim naman ang lalake kaya't napabaling ang atensyon ng lahat sa kanila.

"Therhe— hey, bud!" Tila nabiglang wika ng isang lalake at napadako ang tingin ng lalake sa kanya.

"So you're the girl, Rabea, right?" Tanong nito kaya't ngumiti siya rito at tumango. Pero sa loob ng utak niya ay nagtataka siya kung paano siya nito nakilala.

"What are you guys doing here?" Shune asked at nagtinginan naman ang mga kaibigan niya. Parang nag uusap gamit ang mga mata nila.

"Nag tanong kami dito kay Reeve dahil bibisita sana kami sa'yo kaso sarado ang bahay mo." This is the guy they called Stan ealier.

"San kayo galing?" Tanong ng makulit na lalake na blond ang buhok.

"Nag grocery, obvious ba?"
Napatingin siya kay Shune dahil sa tono ng pagsasalita nito.

Ba't bigla nalang ito naging suplado?

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa neighbor mo, Shune?" Wika ng isa nitong kaibigan at binigyang diin ang pangalan ni Shune.

Hindi sumagot si Shune kaya nag si lapit ang mga kaibigan nito sa kanya.

"Hi, I'm Echoe. I'm one of his friends." Nakipag handshake ito sa kanya at may misteryosong ngiti sa labi.

"I'm Kennan." Nag handshake din ito sa kanya pero parang robot lang. Walang emosyon sa muka kahit na hindi naman ito mukang seryoso.

He is unreadable.

"I'm Constantein but you can call me Stan." He smiled at tinanggap din ni Rabea ang kamay nito. Among all of them ito ang mukhang mas pormal kahit na parang ang weird din.

"And I'm Schniden, the most handsome and the hottest guy in this city— the universe rather."
Natawa si Rabea sa pagpapakilala nito sa kanya at tinanggap narin ang kamay nito.

"Nice to meet you all, ako si Rabea." Rabea smiled at them at ngumiti din ang mga ito sa kaniya.

Mukha naman silang mabait.

Napatingin naman siya kay Reeve at kumaway ito sa kanya.
"Hi ate! Bago ko silang kaibigan!" sigaw nito.

Ngumiti lang siya sa kapatid niya.

"By the way, gusto niyo bang uminom ng Juice? Ipagtitimpla ko kayo."

Sasagot na sana ang mga ito pero biglang nag salita si Shune sa likod niya.

"No need, aalis na din naman sila." Anito kaya napalingon siya rito.

Muntik na siyang mapa singhap dahil sa dilim ng muka nito.

Anong nangyayari? Galit ba'to?

"Ah, oo nga Rabea. Doon nalang kami sa bahay ni Shune. I'm sure marami ka pang gagawin."

Napatango naman siya bilang sagot kay Stan.

"Ito ang susi ng bahay ko, mauna na kayo doon."
Madilim parin ang muka ni Shune.

Pagkatanggap ng susi ay isa isa ng nagpaalam ang mga kaibigan nito sa kanya bago lumabas ng bahay nila. Napatingin ulit siya kay Shune at ganoon parin ang expression sa muka nito.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon