CHAPTER 28

5.6K 124 5
                                    

CHAPTER 28

NANLAKI ANG mata niya ng makita ito. Sa huli nilang pagkikita ay medyo ok pa ang tindig nito, ngayon ay parang mahina na talaga.

Agad na parang namuo ang luha niya. Ngunit pinigilan niya yun.
Nang huli silang mag kita ay gusto sila nitong kunin ng mga kapatid niya pero hindi siya pumayag. Hinding hindi siya papayag.

May tatlo itong malalaking lalake na kasama. Siguradong bodyguards nito.
Nakaparada din ang mamahalin nitong kotse sa labas ng Café niya.

Ang mga staff ay naka nganga habang nakatingin dito.
Si Nery naman ay panay sulyap sa kaniya.

"Rabeanca... hija..."
Kahit na boses nito ay matanda na.

"Pwede ba tayong mag usap?"
Tanong nito at napatingin siya kay Nerie.

She mouthed to her 'kaya mo yan'.

Tumango siya dito, at naglakad papasok sa office nila ni Nery.

Ilang beses narin niya itong iniwasan pero tingin niya ngayon ay hindi na siya makakaiwas pa.

Nang makapasok na sila sa opisina ay hinarap niya ito ng walang emosyon sa muka.

"Ano ba ang kailangan mo?, kung tungkol parin ito sa mga kapatid ko, sinabi ko ho dati. Hindi ko sila ibibigay sayo."

Matigas na sabi niya at umiling ang ama niya.

"Anak, Ilang beses kitang sinubukang kausapin pero palagi mo akong iniiwasan. Anak, matagal ko nang pinagsisihan ang mga kasalanang nagawa ko sa inyo noon. Gusto ko kayong kunin ng mga kapatid mo, dahil gusto kong bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko gusto kong magpaka ama-"

"Mawalang galang na ho, pero bakit noon ay hindi mo naisip magpakaama sa amin? Bakit ngayon mo kami ginugulo na mabuti na ang kalagayan namin? kaya kong buhayin ang mga kapatid ko na wala ang tulong mo."

"Anak, I was that stupid before, masyado kong inisip ang pera noon, ayoko na ng responsibilidad, ayoko ng problema pero anak maniwala ka, lahat ng iyon ay pinagsisihan ko na, araw araw akong pumupunta sa libingan ng ina mo para humingi ng tawad. Anak mahina na ako... maiintindihan ko kung hindi mo tatanggapin ang alok ko sayo pero ang hinihiling ko lang ay sana mapatawad mo ako"

Anito at lumapit sa kaniya pero hindi niya ito hinayaan.
Kaya't nagpaalam nalang ito sa kanya at bagsak ang balikat na umalis sa opisina niya.

Naupo siya sa sahig ng masarado ang pinto at dun binuhos ang sakit na nararamdaman.

Gusto man niya itong patawarin ngunit hindi pa kaya ng puso niya.
Alam niya na palagi nitong kinakausap si Reeve at Rabi kapag naroroon sa school ang mga kapatid niya. Wala pang ka muwang muwang noon ang mga kapatid niya kaya wala itong mga alam sa nararamdaman niya.

Ayaw niyang maging selfish at ipagdamot sa mga kapatid niya ang ama nila ngunit ayaw lang niyang masaktan muli sila. Hindi niya kailangan ang kayaman ng ama niya, at kahit kailan hindi niya iyon hinangad at siguro ay matigas na ang puso niya para dito na kahit kailan ay hindi niya ito mapapatawad.

"I HEARD, bumisita daw sayo ang ama mo at nag usap kayo."
Tumango siya kag Therhence bilang sagot dito.

"Ok na ba kayo?" He asked at inakbayan siya.

"Ewan... hindi pa eh...hindi ko pa kaya..." Aniya at tumango nama ang binata at hindi na nag tanong ba. He understands her.

Mamamasyal sila ngayon sa mall at kumakain siya ng ice cream, pang ilan niya na ito pero parang gusto parin niya.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon