CHAPTER 2

14.6K 239 4
                                        

CHAPTER 2

PAGKATAPOS niyang ligpitin ang kama niya ay binuksan niya ang kaniyang bintana. Inaantok pa siya at walang balak gumising pero kailangan talaga dahil may mga kapatid siya na naghihintay sa kanya.

"Good morning world."
Aniya at nag inat ng katawan sa harap ng kaniyang bintana.

"Good morning."
Anang malalim at baritonong boses.

Agad naman siyang napadilat at napatingin sa pinanggalingan ng boses.

May nakita siyang lalake na nakatayo sa terrace ng bahay nito na nakaharap sa bintana ng kwarto niya. He's holding a mug at naka topless ito showing his mascular body at parang kumakaway ang abs nito sa kanya.

Kumakaway?
What the hell..

"I-ikaw?"

Napasinghap siya nang marealize kung sino ang lalake. Kahit na madilim ang lugar nang mangyari ang bagay na iyon ay malinaw na malinaw ang mukha ng hinayupak na iyon sa kaniya.

Those square jaws, divided chin, thin lips and proud nose. Alam na alam niyang siya iyan.

Hindi siya pwedeng magkamali ito ang lalake na humalik sa kanya.
Bahagya siyang napaatras sa bintana niya.

She can't believe it, nananaginip parin ba siya?

Pasimple niyang kinurot ang balat niya at napasinghap siya ng makaramdam ng sakit dun.

So totoo to?

Sa utak niya ay nagpapanic na siya akung ano ang dapat niyang gawin ngunit ang katawan naman niya ay halos hindi na makagalaw.

Ano ang gagawin niya? Sasarahan ba niya ito ng bintana? Pero napaka bastos naman nun.

Napatingin ulit siya rito.
Ngunit ngumiti lang ito sa kanya.

Tangina naman nito.

Maraming katanungan ang pumasok sa isip niya. Panong nandiyan ang lalakeng iyan? Eh bahay yan ni Mrs. Hermosa at wala namang anak na lalake si Mrs. Hermosa.

Kinabahan siya. Hindi sa nag oover think siya pero baka may masamang balak ang lalake sa kanila, pero nasisiraan naba siya ng ulo? Ano naman ang atraso niya dito? Wala naman kaya pinakalma niya ang sarili niya.

Ang lalaking ito ang may atraso sa kanya dahil hinalikan siya nito nang walang sabi sabi—hinalikan niya ako!

Parang gusto niyang sumabog ng maalala iyon kaya wala sa sarili niyang sinigawan ang lalake.

"Hoy lalake! Ikaw yung humalik sakin nung isang gabi diba? Ang kapal ng muka mo! Kakalbuhin kita!" she shouted but he just chuckled.

Kaya mas lalo lang siyang nairita. Hangkapal.

"Aba, tatawa kapa ang kapal mo! Kapal kapal! Sobrang kapal daig mopa ang ingrown ni Aling Nadya sa sobrang kapal ng muka mo. At bakit ka nandyan? Magnanakaw ka no?"

Nanlaki ang mata ng binata sa sinigaw niya.

"Hey miss, look at me! Do I look like someone who's interested in robbing this old rusty house? Sa gwapo kong to?"
Hinawakan pa nito ang muka at katawan nito.

Bumaba din ang mata niya sa abs nito.

"Wanna take a photo?"
Ngiti ngiting tanong nito sa kanya.
Inirapan niya ito at nag iwas ng tingin.

"Sagutin moko bakit ka nandyan?"

"Kasi bahay ko to?" patanong na sagot nito kaya't pinukol niya ito ng masamang tingin.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon