CHAPTER 20

6.1K 130 1
                                    

CHAPTER 20

HABANG umiiyak ay inaalo siya ni Therhence at pinapatigil na sa pag kwento dahil marami na siyang nailabas na luha.

"No... I'll continue..."
He kissed her forehead.

"Ok I'll listen."

"Ummm... Nag kasakit na noon si Mommy... wala akong ibang maisip kundi lunukin ang natitira kung pride sa katawan. Lumapit ako sa Lolo at Lola ko yung mga magulang ng Daddy ko. Pero hindi man lang ako pinapasok sa loob. Hanggang sa gate lang ako at pinuntahan ako dun ng lolo at lola ko..."

"...Diring diri sila habang nakatingin sakin. Lumuhod ako sa harap nila at sinabi ang kalagayan ni Mommy. Pero wala silang naging reaksyon. Pinagtabuyan lang nila ako. Narinig ko pa ang tanong ng mga kasama nilang mayayaman na nag uusap kung sino daw ako. Pero ang pinakamasakit at tinawag nila akong hampas lupa at patay gutom.
Dun ay tumarak sa utak ko na lahat sila ay pare pareho lang. Mga mata pobre at mga walang puso.
Wala akong nagawa noon kundi umuwi sa sira naming bahay. Naabutan ko ang mga kapatid ko na kumakalam ang tiyan sa gutom.
Kahit na gabi na ay lumabas parin ako para makahanap ng pagkain.
Nag makaawa ako sa isang Ale na nag mamay ari ng karenderya. Sobra ang pasalamat ko sa kanya ng pinag trabaho niya ako bilang taga hugas ng plato. Kahit na ganun ay napakain ko ang mga kapatid ko at si Mommy.
Hindi sapat ang paghuhugas ng plato para matustusan ang pangangailangan namin araw araw. Kaya tumigil muna ako sa pag aaral at nag hanap ng trabaho. Pero isang gabi ng umuwi ako narinig ko nalang ang iyak ni Reeve. Dahil... wala na si Mommy... hindi niya kinaya... hindi maganda ang libing ni Mommy dahil hindi maayos ang kabaong niya... pinuntahan ko nun si Daddy pero pina alis ako ng bago niyang asawa at nilait wala man lang siyang ginawa habang nag susumamo ako.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Nag trabaho ako sa poultry at may nakilala akong babae dun. Bugaw. Sinabihan niya ako na pwede akong mag benta ng katawan dahil may itsura naman ako at halatang may kalahati ang lahi ko at maraming mayaman ang kukuha sakin dahil bata pa ako, oo desperada na ako nun pero may pinag aralan din naman akong tao, bahala na mamatay sa gutom wag lang maging madumi."

Mahina siyang natawa at mas lalong sumiksik sa binata na hinahalikan at pinaglalaruan ang kaniyang buhok.

"Kaya umalis ako dun at nag trabaho sa sa Bakery. Dun ko nakilala si Nery anak siya ng may ari nun pero nag pa-part time job parin siya.
Mag kasama kami sa mga trabaho namin at nang makaipon ay nag enroll at hanggang maka graduate. Dahil magaling mag bake si Nery tinuruan niya din ako at ayun natuto ako.
Nag ipon kaming dalawa ng isang taon, at sa tulong ng Mommy ni Nerie ay naka pa tayo kami ng Café. Dugo at pawis ang sinakripisyo namin diyan. Kaya nang lumago ay sobrang saya namin, sobra din ang pag papasalamat ko sa kanya. Nang nakaraang taon lang naman lumago yung Café sa tulong ng ina niya. Pero sobrang saya ko na at hindi na ako humahangad ng sobra."

Aniya at ngumiti kahit na tumutulo ang luha. May kung ano sa dibdib niya na parang lumuwag. Gumaan lalo ang pakiramdam niya.

"I'm so proud of you hindi mo alam kung gaano mo ako pinahanga."
Anito at ngumiti sa kanya.

"Now, I hope you understand kung bakit ako galit na galit sa mga mayayaman. Kahit na alam kong hindi naman lahat, ewam nakatatak na talaga sa isip ko yun eh."
Bahagya siyang natawa pero nakatitig lang sa kanya ang binata.

"B-bakit?"

Medyo lumayo siya dito at tinitigan ang muka niya.
Pero seryoso lang itong nakatingin sa kanya at dahan dahang lumalapit ang muka nito sa muka niya.

Inangat ng binata ang kamay nito sa pisngi niya at hinaplos yun.

Napapikit nalang siya ng mag tagpo ang mga labi nila.
He kissed her with so much passion.
Ginalaw din siya ang kanyang labi at sinabayan ang binata.
Nalalasing siya sa bawat galaw ng labi nito.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon