CHAPTER 19

6.4K 136 3
                                    

CHAPTER 19

NAHIHIYANG tumingin si Rabea sa binata, kanina pa niya ito iniirapan sa tuwing nag tatagpo ang paningin nila.

Sino ba ang hindi mahihiya pag sinabihan ka ng amoy sex ka tas ang malala ay nababanguhan ito.

Manyak talaga ang lalakeng to.

Inilagay niya ang buong ham sa bibig niya at nginuya yun. Nakarinig naman siya ang malalim na tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin.

Si Therhence ang nagluto ng agahan nila dahil medyo nahihirapan siyang maglakad dahil sa sakit ng pagkababae niya.
Binuhat pa nga siya nito papunta sa banyo nung naligo siya.

Dahil wala siyang dalang damit ay longsleeves ng binata ang sinuot niya at nilabhan muna ang dress at underware niya, abot naman sa hita niya ang longsleeve pero hindi parin siya konportable dahil wala siyang suot na bra at panty.

"Ano nanaman?"

Tanong niya dito na magkasalubong ang kilay.

"You look so cute when you're grumpy..."
He winked at her kaya inirapan niya ito.

Pagkatapos nilang kumain ay ito ang nag hugas ng plato habang siya ay parang prinsesa na nakaupo sa malambot na couch-prinsesa na walang panty-habang nanonood ng Tv.

Inilibot niya ang paningin sa buong bahay.
Di tulad sa kwarto sa taas ay white and light brown naman ang motif dito sa sala, three-story ang bahay at sobrang laki. Hindi niya alam kung ilan ang kwarto pero siguradong marami. Halatang magara talaga mula sa marmol na sahig pati na sa mga paintings at vases may mga chandelier din. Taray.

Ang yaman naman talaga ni Shune-este ni Therhence, bahay palang sumisigaw na nang karangyaan pero bat walang ibang tao dito? Wala itong pamilya? Nasaan ang mga magulang nito?

Nang maisip niya yun ay naalala niya ang mga kapatid niya.
Si Reeve at Rabi.
Nalala rin niya kagabi na pinakiusapan niya si Therhence na wag siyang dalhin sa bahay niya dahil baka makita siya ng mga kapatid niya, ayaw niyang maging bad influence sa kanila no.
Pero siguradong hinahanap na siya ng mga yun.
Kawawa naman ang mga kapatid niya.

Tatawagin na sana niya ang lalake pero nakita niya na papalapit na pala ito sa kanya at naka hubad baro ito.
Shet naman.
Pinasadahan niya ng tingin ang pang itaas na katawan nito. At parang nanuyo ang lalamunan niya.

Ano kaba Rabea, sayong sayo yan kagabi...
Nag init ang pisngi niya ng maalala ulit ang mga nangyari kagabi. Kung paano siya nito haplusin kung paano siya nito halikan, kung paano siya nito sinamba, kung paano gumalaw ang labi at dila nito sa pagkababae niya, kung paano siya nito dalhin sa langit-
Nahihiya siya sa naisip, seryoso, ngayon lang siya dinapuan ng hiya sa nagyari sa kanila kagabi.

Napatingin uli siya sa muka nito na parang ino-obserbahan siya kung ano ang iniisip niya.

Ang gwapo talaga.
At ang gwapong lalakeng ito ang kumuha ng pagkababae niya na ilang taon niyang iningatan.

Pero hindi siya nagsisisi na binigay niya kay Therhence Vasquez ang sarili.

Nag iwas siya ng tingin dito at naramdaman niya ang pag upo nito sa tabi niya at malambing na niyakap siya.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon