CHAPTER 13
PAGKATAPOS ng mga pangyayaring yun ay mas naging close sila ng binata kahit na palagi itong nakakainis.
Palagi na ito sa bahay niya at halos dun na nga tumira. Kulang nalang dun matulog ang lalake.Sa nakalipas na dalawang buwan ay minsan narin nalang siyang i hatid-sundo ni Aries. Minsan narin itong nag te-text-na pinagpapasalamat niya dahil sa una palang ay wala naman talaga siyang balak na sagutin ito. Siguro ay napatatanto din ni Aries na wala siyang pag-asa sa kanya.
Pero ewan, parang may mali talaga sa kinikilos ng binata sa tuwing ihahatid siya nito at makita nito si Shune parang bigla nalang itong nagugulat-or natatakot-she cannot understand him.
Pero parang bumalik ito sa dati. Dati na parang magkaibigan lang talaga sila at hindi niya alam kung bakit.
Si Shune na rin lagi ang nag hahatid sa kanya sa Café kaya kapag umalis na todo tili sa kilig ang mga staffs nila.
Noon si Aries ang gusto nila, pero bigla nalang nag bago ng makita ng mga ito ang kapit bahay niya.Napasulyap siya kay Shune na humihiwa ng karne, dahil makulit ito-no... sa sobrang kulit nito, pinayagan nalang niyang tumulong ito sa pagluluto ng dinner nila. Kahit halata naman na hindi ito marunong.
Palagi itong ginagawa ng binata. Ito ang nag didilig na mga halaman niya sa bakuran at nag bubuhat ng mga mabibigat na bagay. Minsan nga ay naiisip niya kung bakit ito ginagawa ng lalake. Siguro ay gusto lang nito na magkamabutihan sila, pero iba kasi ang epekto sa kanya. Lalo na kapag nagsalubong ang mga tingin nila para siyang kinakapos sa pag hinga.
Lumalakas din ang pag kabog ng dibdin niya kapag walang sabi sabi siya nitong yayakapin.Minsan nga ay ninanakawan siya nito ng halik at agad na tatakbo, hindi man lang iniisip ng lalake kung ano ang mararamdaman niya. Para lang naman siyang maha-heart attack.
At kapag pumunta ito sa bahay niya at hindi niya ito papansinin, agad naman siya nitong susuyuin at lalambingin. At agad din siyang lalambot, ewan sobrang rupok niya pagdating dito.Para lang silang magkasintahan kahit na hindi naman.
Unti-unti din niyang nakikilala si Shune.
Kahit na hindi ito nag ku-kwento tungkol sa buhay nito. Mabait ang binata kahit palaging bastos ang bunganga. Masipag din ito kahit halatang hindi sanay mag trabaho sa gawaing bahay. Matalino si Shune at nakita niya yun ng minsan nitong turuan si Reeve tungkol sa assignment nito. Minsan nakakapag taka. Sa ganitong katangian ng binata bakit isa lang itong impleyado kung pwede namang may mas itataas pa ito dun.Pero agad niya iyong binura sa isip niya. Siguro ay gusto nito ng tahimik na buhay at hindi kayamanan, tulad niya na kahit minsan ay hindi hinangad na yumaman dahil para sa kanya ay isa yung kabaliwan at hindi pag kukuntento sa meron sayo, besides kahit hindi sila mayaman ay hindi naman siya ginigipit, kaya niyang pag aralin ang mga kapatid niya na walang tulong na makukuha sa iba, lalo na sa ama niya.
"Ahh..." Napa sigaw siya ng mahiwa niya ang daliri niya. Nakalimutan niyang nag hihiwa pala siya ng sibuyas.
"Rabea! What the..."
Agad na kinuha ng binata ang kamay niya at dinala sa lababo.
Wala sa sarili din siyang sumunod dito at naramdaman nalang ang umaagos na tubig.Hayst... bat pa kasi simagi sa isip niya ang Tatay niya. Nahiwa tuloy niya ang daliri niya.
"Next time, please be careful..." Naka kunot noo na sabi ng binata habang ginagamot ang sugat niya.
"Di naman masyadong masakit."
Aniya at inirapan ang binata. Ang OA nito kala mo napano talaga siya."Tss... mabuti pa ako na ang mag hihiwa-no ako na ang mag luluto."
Padabog itong tumayo at kinuha ang kutsilyo saka pinag patuloy ang pag hiwa ng sibuyas.
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...