CHAPTER 12

6.3K 133 4
                                    

CHAPTER 12

NAPAAWANG lang ang labi niya sa sinabi ng binata.
Hindi siya galit? Muntik na siyang mabaliw?

Kahit na ang OA ng dating ay hindi niya mapigilang kiligin.
At parang nabunutan narin siya ng tinik at the same time.

"Ikaw, are you still mad at me?"
Tanong nito sa kanya. His expression is softer now.
At dahan dahan siyang ngumiti dito.

"Hindi ko magawang magalit ng matagal...." Sayo...

"Tsaka nakonsensya kaya ako! Akala ko talaga nagalit ka!"
Hinampas niya ito sa braso ng maalala na hindi siya maka concentrate sa lahat ng ginagawa niya dahil dito.

"Ang brutal mo talaga!"
Anito at hinimas ang braso na parang sobrang nasaktan. Kahit naman na suntukin niya siguro ang binata ay di ito masasaktan physical, sa tigas ba naman ng braso eh.

"Sorry for everything."
Biglang sabi nito na ikinalambot ng puso niya.

"Ang totoo ay, nasaktan ako sa mga sinabi mo that night but I'm not mad"
Tumikhim ito at tumitig sa kaniya.
"...My mother called, she's here na thats why I'm with her these past few days, at hinihintay narin na mawala ang galit mo, one week pa sana bago ako babalik pero di ko ata kaya na di kita nakikita. I'm expecting na hindi moko papansinin kaya, natulala ako ng makita kita pag bukas ng pinto ko. I'm just calming myself kaya pilit kong tinatago ang emosyon ko kanina.
Sorry for making you feel guilty."

At sa di malamang dahilan ay niyakap niya ang binata. She just feel like hugging him. She missed him.

Kaya natulos sa kinatatayuan si Shune sa ginawa niya.
"Rabea...kanina pa ako nagpipigil...baka mahalikan kita." Anito na ikina init ng pisngi niya at biglang binitawan ang binata.

"Wait...ano yang nasa box?"

Inangat niya ang box at pinabuksan dito.
Tinitigan lang niya ang binata habang binubuksan ang takip.

At dahandahan nag ningning ang mga mata nito ng makita ang laman.

"I made that for you..." she said at napasinghap siya ng bigla siyang niyakap ng binata.

"Thank you."

Saglit pa silang nagka tinginan bago sila pumasok na binata sa loob ng bahay nito.

Nakapasok narin siya dito noon ng si Mrs. Hermosa pa ang may ari ng bahay na ito.

Pero masasabi niyang nag bago ang interior design nito. Pinabago siguro ng binata.

Mula sa sofa. Noon ay kulay krema ang sofa nito ngayon ay black na at may maliit na ring chandelier sa ceiling.

Mas lalong gumanda ang bahay sa loob.
Nawala narin ang mga lumang painting at nag iba ang wallpaper.
Meron ding babasaging lamesa sa sala nito at may nakapatong na mamahaling vase.

"Maganda ba?" asked Shune na nakatayo lang sa gilid niya habang pinagmamasdan ang reaction niya.

"Oo, nahiya nga yung bahay namin eh."
Shune chuckled on what she said at di niya maiwasang humanga sa kagwapuhan nito kapag tumawa.
Pero agad din siyang umiwas ng tingin bago pa nito mapansin ang tingin niya.

"Maganda naman yung nakatira." Anito na ikinainit ng husto ng pisngi niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang ngiti.

AND THAT night is one of her happiest night, dahil nagkabati na sila ng kapitbahay niya. And it feels different, parang naging close sila bigla. They ate the cupcakes together and watch TV. Palagi niyang nahuhuli ang titig ng binata sa kanya. And his smile never leave his lips the whole night. They talk about their lives. They are like a couple na nasa getting to know each other stage. But she noticed na kapag pinag uusapan nila ang tungkol sa binata ay nag iiwas ito ng tingin.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon