CHAPTER 32

5.6K 122 7
                                    

CHAPTER 32

NAPAKAGAT siya sa labi niya nang tumitig siya sa kaharap niya.
Naka gray T-shirt lang ito at lumalabas ang sexy nitong collarbone.
Naka pants lang din ito. Pero lakas parin ng sex apeal.

So handsome.

Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil pinuri pa niya ito at nakalimutan na galit siya dito.

Rabea let out a deep sigh and stared at him with no expression on her face.

"Ba't ka nandito?"
Tanong niya at tangkang lalapit ito sa kaniya pero umatras siya. Nakita naman niya kung paano dumaan ang sakit sa muka ni Therhence.

"Baby... ako dapat ang magatatanong sayo niyan, why are you here?"
He asked. She smiled at him. Yung ngiting ubod ng pait.

"Para sana hindi makita yang pagmumuka mo. Kaya bakit ka nandito? Sino ang may nagsabi sayo na nandito ako?"

Kahit na galit siya dito ay nagwawala parin ang puso niya habang nakatitig dito.

"Nery told me."

Humanda ka talagang babae ka sasabunutan kita.

"Bakit ka nandito? Dun ka sa Cailey mo, bwesit!"
Masungit na sabi niya dito at ngumuso naman ito.

"You saw her kissed me? Baby, believe me she was the one who initiated the kiss. Hindi ko siya hinalikan pabalik, I pushed her away. She was nothing compared to you, I'm sorry for making you cry..."

Napanguso siya pero agad niya itong inirapan.

"Nalaman ko lang na pumunta ka doon nang sinabi ng secretary ko, and she saw you crying kaya nataranta ako. Pinuntahan kita sa bahay niyo pero sabi ni Reeve wala ka pa dun. Pumunta naman ako sa Café, sabi ni Nery kakaalis mo lang kaya bumalik ulit ako sa bahay niyo pero sabi ni Reeve umalis ka at may dala kang damit sinabi niya na pupunta ka sa bahay ni Nery at dahil sa pagmamadali ko i forgot to ask him the address kaya bumalik nanaman ako sa Café. Ayaw pa sabihin ni Nery nung una pero sa huli ay sinabi din niya.
I tried to call you many times pero nag ri-ring lang ang phone mo. Ilang beses din akong nag text sayo, but I'm sure hindi mo yun binasa."
Napakagat siya sa dila niya para wala siyang sasabihin ,dahil inaamin niya kinilig siya sa ginawa nito.

Pero ganon ganon nalang ba yun? Matapos siyang umiyak at magalit?

"Baby, I'm sorry."

"Pag iisipan ko muna yang sorry mo, you can go now."

Napaawang ang labi nito. Magsasalita pa sana si Therhence pero bigla niyang sinarado ang pintuan.

Bastos ba? Ewan.

Umakyat nalang ulit siya sa kwarto ng Nery at humiga sa kama.
Umalis na siguro ang binata dahil kung nandoon pa yun siguradong mag do-doorbell yun.

Kinapa niya ang cellphobe niya sa bulsa at inilabas yun.
Binasa niya ang mga message sa kanya ni Therhence.

From : Therhence

'Bby, Where r u?'

'Send me your address'

'Don't make me worry, pls.'

'I'll explain to you what really happened'

'Don't be mad at me, pls.'

'I'll explain. Please, answer my calls.'

'I'm coming'

Marami ang message nito para sa kanya. Hindi niya itatanggi na sobra siyang na touch.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon