CHAPTER 7

6.6K 135 2
                                    

CHAPTER 7

HANGGANG ngayon ay pulang pula parin ang mukha niya beause of Shune's sudden confesion. He likes her.

Kahapon ng sinabi yun ng binata ay sobrang nahiya siya dito na hindi man lang niya binuksan ang bintana niya at buong araw siyang nanatili sa Café.

At ngayong araw ay naisipan niyang wag munang pumunta duon dahil nandun naman si Nery at nakapag paalam narin siya dito.

Maglilinis siya ngayon dahil wala naman na dito ang mga kapatid niya dahil may pasok.

Guminhawa siya ng malalim at nag simulang mag linis.

Napansin din niya na hindi pa niya pala na natapon ang mga basura nila nang mag sleep over sila kaya nilagay niya yun sa garbage bag.

At nang matapos niya na ay napadako ang tingin niya sa mga bote ng alak na wala nang laman.

Napamura siya ng maalalang yun ang alak na binili ni Shune na hindi pa nito nakukuha sa kanya.
Patay. Bakit ba kasi si Nery ang pinakuha niya ng alak, akala niya ay yung dala ni Paula ang kinuha nito.

Ano na ngayon ang ibibigay niya pag kinuha na yun ni Shune? Baka sabihin nito na napaka kapal ng muka niya dahil ito nanga yung nag bayad ngpinamili niya ininom pa niya ang alak nito.

Nataranta siyang umakyat sa kwarto niya at nang bihis ng maayos na damit, kailangan niyang mapalitan agad yung alak baka kunin na Shune ano mang oras, nakakahiya.

NANG makarating siya sa grocery store ay agad niyang hinanap ang kaparehang alak na binili ni Shune. Parang baliw na siya sa kakahanap pero wala. Nagtanong din siya kaya muntik nang mahulog sa sahig ang panga niya ng sabihin nitong out of stock na daw.

"Shit!"

Agad na lumabas siya ng grocery store at nag hanap sa ibang store.
Panay panalangin niya na sana meron dahil nakasalalay dito ang kahihiyan niya.

'Out of stock'

Nalulumo siyang lumabas sa pang—hindi na niya maalala kung pang ilang store na itong pinasukan niya.

"Kung minamalas ka nga naman. Hayst"

Naglakad lakad nalang siya.
Ano na ang gagawin niya ngayon?
Anong sasabihin niya sa kapitbahay niya?
Na ininom niya dahil nagkamali siya?
Parang hindi naman ka panipaniwala yun.
Bat ba hindi niya napansin yun ng gabing yun?
Gusto niyang sabunutan ang sarili sa sobrang hiya. Pinaka ayaw niya sa lahat yung napapahiya siya kahit sa sarili niya pa.

Napasulyap siya sa familiar na kotse sa di kalayuan mga ilang metro lang mula sa kanya.

Maya maya pa ay may lumabas dun na magandang babae, sa sobrang puti ay parang binuhusan ng kojik, napaka pula pa ng labi, sobrang sexy nito tingnan sa minidress nitong halos lumabas na ang pwet—dress paba yan? Muka ng swimwear.

Inaayos pa nito ang mahabang buhok nito na nililipad ng hangin.

Maya maya pa ay may lumabas din sa pinto ng driver seat. Nanlaki ang mata niya ng makitang ang kapitbahay niya yun naka formal attire ito. Anong ginagawa nito dito sa harap ng hotel?

Napako siya sa kinataayuan niya ng biglang maghalikan ang dalawa.

Agad siyang tumalikod.
Parang nahihiya siyang nakita niya yun.
Pinilit niya ang sarili niyang wag lumingon pero hindi niya naiwasan.

Nakita niyang papasok na ang dalawa sa Hotel at inalalayan pa ito ng binata sa siko.

Parang kinurot ang puso niya sa nakita niya. Bat ganun? Bat parang ang sakit?

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon