CHAPTER 11
PAPASOK NA sana siya sa bahay nila ng mapasulyap siya sa kabilang bahay.
Napakunot ang nuo niya ng walang ilaw dun.Wala parin siya?
Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit wala dun ang binata.
Nagtampo ba talaga ito?
Hindi niya alam na ganun ka sensitive si Shune.
O baka naman hindi lang talaga ito nakauwi.
Napa nguso siya. Sana ay hindi niya ito sininghalan. Kasalanan naman kasi niya eh. Bat ba nagpadala siya sa galit na naramdaman niya? Di niya tuloy naisip kung gano yun kasakit sa iba. Kay Shune.Pero hindi niya rin naiintindihan ang sarili niya kung bakit apektado siya na wala ang binata.
Siguro dahil nasanay na siya na may kukulit sa kanya tuwing umaga at bago siya matulog.
She sighed. At tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
ANOTHER MORNING came, ngunit gumising nanaman siya na walang good morning greeting mula sa kapit bahay niya.
It's been three days since hindi na umuwi ang binata sa bahay nito.
Nag aalala na siya—wait...No.
na curious lang lang siya.Si Aries ang nag hahatid sundo sa kanya pero wala naman itong sinabi tungkol sa 'may babae' kuno ito sabi ni Shune. Normal lang dun naman ito umakto kaya hindi niya alam kung sino ba ang nagsisinunghaling sa dalawa.
Ayaw niya ring komprontahin si Aries dahil baka ano ang isipin nito.Pero hindi masasaktan si Shune kung hindi totoo ang sinasabi niya.
Saglit pa siyang tumitig sa terasa nito bago pumasok sa banyo niya at nag sipilyo.
Ilang araw narin siyang wala sa sarili. Palagi siyang natutulala at nagugulat nalang siya na pinipitik na ni Nery ang nuo niya.
Nag tanong narin siya sa kapatid niya kung alam ba nito kung saan nag tatrabaho si Shune.
Sabi ni Reeve ay isa daw itong empleyado sa isang malaking kompanya.
Pumasok din sa isip niya puntahan ang binata para mag sorry. Pero naisip din niya na pano pala pag iba ang dahilan ng lalakeng yun edi magmumuka siyang tanga.
Nababaliw na siya kakaisip at the same time nakokonsensya.
Feelingera na kung feelingera pero pakiramdam niya talaga siya ang dahilan kung bat hindi ito umuwi.Pag katapos niyang mag ayos ay timing naman na dumating si Aries para sunduin siya.
Pero buong byahe nila ay lutang siya at si Shune parin ang laman ng isip niya. Hindi nga niya namalayan na nakarating na sila sa Café kung di pa siya niyugyug ni Aries habang tumatawa.
Sumusobra na ang Shune na yun. Okupado na ito ang buong utak niya. Nakakainis."Girl!, huy..."
Hindi man lang narinig na kinakausap siya ng kaibigan niya.
"huy... Rabea..."
Bigla nalang siyang napaigtad niya kurutin siya nito sa tagiliran.
"Aray ha...teka, huh?"
Inirapan siya ng kaibigan dahil sa reaction niyang para bang hindi nito alam na kanina pa ito sa tabi niya.
"Busit ka... kanina pa ako nag ku- kwento dito tapos hindi ka pala nakikinig!"
Inirapan siya uli nito. At humalukipkip.
Napatingin siya sa paligid at napagtantong nasa loob na pala sila ng Café.Sa naalala kasi niya nag lalakad palang siya eh.
"Ay...nag sha-shabu kaba o nasobrahan lang sa trabaho? Pwede kang mag leave girl kesa namang gaganyan ganyan ka parang wala kana rin dito."
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...