CHAPTER 23
MATAPOS niyang ayusin ang gamit niya sa Suite ay bumaba sila para kumain.
Habang kumakain ay maingay sa mesa dahil sa mga kaibigan nito.
Ngunit silang dalawa ng binata ay walang kibo.
Magkatabi lang sila pero hindi sila nag papansinan, panay sulyap din ng mga kalalakihan na kanilang dalawa na siguro nahahalata na ng mga ito na may tampuhan sila.
"Kailan ba ang kasal niyo ni Rabea?"
Diretsong tanong ni Schniden kaya nabilaukan siya.
"Aray nagtatanong lang naman ako eh!" Angal nito nang siniko ito ng bahagya ni Stan sa tagiliran.
Magsasalin na sana siya ng tubig nang makitang kumuha si Therhence ng tubig at inabot sa kanya ngunit hindi man lang siya nito nilingon.
Agad niya iyong kinuha at ininom.
"Salamat." Aniya pero tumango lang ang lalake.
Binalatan nalang niya si Rabi ng saging at sumubo ng pagkain.
Naiinis na talaga siya kay Therhence pero hindi dapat masira ang mood niya.
"Ano? Scuba diving tayo later?"
Tanong ni Echoe at tumango naman ang mga kaibigan nito.
Ngumiti siya sa sinabi nito gusto niya sana pero bago paman siya maka oo ay napatingin siya kay Therhence, nakatitig lang ito sa kanya.
"Ikaw Rabea?"
Wow totoo ba to?
For the first time. Tinanong siya ni Kennan—the poker face— Monteverde.
"Ah... kayo nalang. Enjoy—"
"Magkasama kaming dalawa"
Biglang singit ni Therhence kaya napatawa ang mga kaibigan nito.
"Tss... Hindi ko ma-imagine ang sarili na ganyan ka seloso in the future."
Tawa ni Echoe at umiling iling.
"Tangina yan, nakakasuka."
Sabay tawa nina Schniden at Stan samantalan si Kennan ay parang wala namang pakialam.
Nang matapos silang kumain ay agad siyang umiwas kay Therhence. Hanggang ngayon ay hindi parin sila nagpapansinan ng binata.
Ewan ko sa kaniya.
Tumulong nalang siya sa pag aasikaso ng mga gamit kasama si Nanay Ceña para malimutan saglit ang lalake.
Pagkatapos nilang mag ligpit ay nagpahinga siya sa Suite nila ni Therhence at hapon na ng magising siya. Ni hindi niya alam kung pumasok ba dito ang lalake o nasaan na ito ngayon.
Ngunit nag taka siya nang makitang naka kumot siya dahil hindi naman siya sanay mag kumot kapag natutulog.
Baka si Nanay Ceña.
Pero ano naman ang gagawin dito ni Nanay Ceña sa Suite nila? Ayaw din niyang isipin na si Therhence ang may gawa non.
Baka trip lang ng katawan kong mag kumot kanina habang tulog.
Tumango siya sa naisip at natawa bago bumaba sa kama at dumeretso sa banyo upang maligo.
Pagkatapos niyang magbihis ay nag lakad siya sa dalampasigan, malapit nang lumubog araw at sobrang ganda nitong pagmasdan. She's not a sunset lover kind of girl dahil ni minsan ay hindi naman niya na experience to dahil sa mga kapatid palang niya ay kulang na lagi ang oras niya sa sarili.
She's wearing a two-piece bikini pero pinatungan niya iyon ng yellow ripped shorts at white crop top.
Nang mapatingin siya sa tubig ay sobrang nahalina siya sa kagandahan nito at natuksong maligo kaya hinubad niya ang crop top na suot niya at inilagay yun sa tabi ng tsinelas niya.
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romansa𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very successful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir to his family's wealth. He's a playboy and never does 'relationshits' but everything c...
![OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/304365774-64-k335908.jpg)