CHAPTER 10

6.3K 129 3
                                    

CHAPTER 10

MALAPIT nang mag hating gabi ngunit hindi parin makatulog si Rabea.
Nakokonsensya siya sa mga sinabi niya kay Shune.

Sobrang naging harsh ba siya?
Siguro.
Pero mali naman talaga ang manira sa iba. Lalo na at si Aries ay kilala na niya mula noon.

Napabugtong hininga siya at bumangon para uminom ng tubig sa kusina.

Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel sa loob at sinalinan ang baso.

"Ate, bakit gising kapa?"
Muntik na siyang mapatalon ng marinig niya ang boses ni Reeve.
Kaya binalingan niya ito.
Nakasandal ito sa pinto.

"Uminom lang ako ng tubig... ikaw bat gising kapa? "

Lumapit ito sa kanya at may kinuha sa loob ng ref.
Isang tupperware.

"Buksan mo ate." anito at kunot noo naman niyang tinignan ito.

"Bakit?"

"Basta buksan mo lang..."
Nagtataka man ay binuksan niya ang takip.

Agad na nalanghap niya ang mabangong aroma ng ulam.

Caldereta.

Agad na nanubig ang bagang niya.
Sa lahat ng pagkain ito ang pinaka paborito niya dahil ito din ang paboritong pagkain ng ina niya.

"Si kuya Shune ang nag luto niyan."

Agad na lumakas ang tibok ng puso niya ng marinig ang pangalan nito.

"Nag tanong kasi siya sakin kung ano ang paborito mong pagkain, sabi ko caldereta tas bigla nalang niyang sinabi na ipagluluto ka daw niya. Sinamahan ko pa nga siyang bumili ng ingredients eh.
Naawa nga ako sa kanya nang sigawan mo siya. Grabe kasi yung effort na diyan. Hindi kasi siya marunong mag luto. Sabi ko nga oorder nalang kami kaso sabi niya mas special daw pag pinaghirapan. May mga paso pa niya yun at hiwa sa daliri, kita naman kasing di siya marunong sa kusina, pero nag try parin siya para sayo ate."

Parang bigla siyang natunaw sa sinabi ng kapatid niya tungkol sa kapitbahay niya.

Sobrang nakokonsensya na siya ngayon.

Hindi niya akalain na mag eeffort ng ganun si Shune para sa kanya.

HINDI MAN LANG siya makangiti ngayon umaga.
Dahil pag bukas niya ng bintana ay wala Shune na bumungad sa kanya ng 'Good morning'
Sobrang nasaktan ba niya ito?

Natagalan pa siya kakatitig sa terrace ng binata ngunit wala paring Shune doon na may nakakairitang ngiti.

Napabugtong hininga siya kahit na busog siya kagabi ay kinain niya yung caldereta na gawa nito. Sayang naman ang effort ng lalakeng yun kung hahayaan lang niyang mapanis yun.

At saka nawala narin ang galit niya dito. Ganon lang kadali.

Pero bakit ngaba wala ang lalakeng yun?
Siguro tulog pa.

Bumaba nalang siya sa hagdan at inasikaso ang mga kapatid niya.

Nag luto siya ng agahan at inihanda ang damit na susuotin ni Rabi papuntang  school.

"Ate...alis na kami ni Rabi..." paalam sa kanya ni Reeve.

"Ah...Reeve...halika nga muna."
Agad naman itong lumapit sa kanya.

"Bakit ate?"

Nag aalinlangan pa siya kung itatanong ba niya sa kapatid niya.

"Hindi kayo nag laro ng b-basketball ni Shune kaninang umaga? Diba palagi nyung ginagawa yun bago ka pumasok sa school?"

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon