CHAPTER 18

4.7K 107 0
                                    

CHAPTER 18

NAPATANGA si Rabea sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng binata.
Nakita niya kung paano nag karoon ng malungkot na emosyon sa muka nito.

"Mali ang pagkaka-intindi mo and you don't even know how it hurts, how it affects me, pinalagpas ko yung mga nauna mong mga masasakit na salita but now hindi na. Iniisip mo na pinaglalaruan lang kita? That I just want your body? Damn it, Rabea! I'm not! and I will never do that! dahil kung ang habol ko lang ay ang katawan mo, there are many girls out there that is willing to fvck!"
Medyo tumaas ang boses nito na ikinatulo ng luha niya.
Namumula narin ang leeg at dibdib ng binata pati na ang muka nito.

Pero saglit lang ay lumambot ang expression nito.

"Remember the night when I first saw and kissed you?, hindi ko pinansin yung naramdaman ko nung hinalikan kita dahil alam ko na hindi ako maiinlove and I don't believe in love at first sight! Pero putangina! kakabalik ko palang sa loob ng club ay gusto na kita muling labasin at halikan ulit.
Inisip ko na siguro i just need someone to fvck. And that night i tried to bed a girl pero ni hindi ko man lang siya nagawang halikan dahil pag nilapit niya ang muka niya sa muka ko, muka mo yung nakikita ko.
And I also think na siguro ginayuma mo ko dahil sinong baliw ang maghahanap sa babaeng hindi man lang nga alam ang pangalan. But because of my connections madali kitang nahanap. I found out that you have two brothers and you and your bestfriend owns a café. At ang pinakamalala ay bumili ako ang bahay sa tabi ng bahay ninyo para lang araw araw kitang makita. Ang baliw right?...."

Napa awang ang labi niya sa sinabi nito at parang may kung anong naghahabulan sa loob ng dibdib niya.

"...Mas lalo akong humanga sayo ng nalaman kong ikaw lang mag isa ang bumubuhay sa mga kapatid mo. At nung gabi na lumipat na ako sa bahay, nakita kita kasama yung unggoy na lalakeng yun. Hindi ko alam pero nagalit ako bigla at naghanap ng paraan para mapaalis siya sa bahay mo ASAP. Kinailangan ko pang tawagan ang kaibigan ko at nanghingi ng tulong.
And then... nag hingi din ako ng advise kung pano.... maging gentleman... pano manligaw...pano mag pa fall sa isang babae... i know it's kinda embarrassing pero if it's the only way para paniwalaan mo ako, gagawin ko."

Umiwas ito ng tingin na parang nahihiya sa kanya. Kahit na galit at nalulungkot siya ay niya maiwasan na matunaw ang puso sa sinabi nito.

"So...nung nag grocery ka i followed you and helped you. But nung nag pakilala sayo ang mga kaibigan ko, bigla akong nairita. Hindi ko maintindihan. Naisip ko rin na- this is not me- hindi ako ganun. Ako yung tipo na lalake na papansinin lang kita pag gusto kitang ikama, i'm not a jealous type, i don't do relationships. Kaya pilit kong siniksik sa utak ko na baka...baka gusto lang talaga kitang ikama. Pero sa araw araw kahit na wala ka namang ginagawa kundi supladahan ako, natutuwa parin ako sayo. At nagising nalang ako... na...uh... hulog na hulog na talaga ako sa'yo."

He pause and looked away again.
Parang may kung anong humaplos sa puso ni Rabea dahil sa mga sinasabi nito. This man is really full of surprises.

"And one of the happiest night of my life was, nung binigyan moko ng cupcakes. Hindi mo alam kung gaano ako ka saya ng gabing yun. After that we became closer...
Akala ko hindi na matatapos yung saya ko.
But Cailey came... hindi ko alam kung pano niya nalaman ang address ko...
nagulat nalang ako ng makita siya."

Sumama ang muka ni Rabea ng marinig ang pangalan ng babae.
Bigla siyang nainis.

"Cailey was my fiancé. Inarrage lang ang magiging kasal sana namin...pero hindi ako pumayag... walang nagawa ang parents ko kundi hayaan ako.
Pero patuloy parin ang pag hahabol sakin ni Cailey kahit na obvious naman na tinutulak ko siya palayo. You misunderstood everything Rabea, naniwala ka sa kasinungalingan niya. And it hurts na hindi mo ko pinakinggan dahil sa kanya na kung tutuusin mas nauna mo kong nakilala.
Pero mas pinaniwalaan mo siya. Hinusgahan mo ako, at hindi man lang pina kinggan ang explainations ko..."

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon