CHAPTER 5

12K 202 4
                                        

CHAPTER 5

RABEA is still sleepy but she needs to get up. Hindi siya nakapunta ng Café kahapon kaya kailangan niyang pumunta doon ngayon.

Siguro naman ngayong araw ay wala na doon ang taong pinaka iniiwasan niya dahil kung nandoon parin iyon ay mag sasampa na siya ng restraining order against that man. Her father.

Hanggang kailan ba sila nito guguluhin? Tama ng namatay ang ina niya dahil dito at hinding hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari. She can't lose her brothers, lalo na si Rabi dahil napakabata pa nito.

Kumuyom ang kamao niya nang maalala ang mga pangyayari noon.

Umiiyak siya sa gilid ng kama ng mommy niya habang nanunood kung paano ito paglupitan ng ama niya.

"Raul! Wag mo naman akong saktan sa harap ng anak natin! Maawa ka!" Sigaw ng mommy niya pero nanlilisik lang ang mata ng ama niya sa galit dito.

"Mom!" Napahiyaw siya ng bigla nitong sipain ang mommy niya sa binti at hindi na ito makatayo.

"Close your eyes Rabeanca!" Sigaw ng mommy niya habang pinagsasampal ito ng daddy niya.

Tumutulo lang ang luha niya habang nakapikit ang mga mata at pinakikinggan ang mga tunog ng sampal ng ama niya.

She will never forget that, Galit siya sa ama niya and she will never forgive him.

Agad niyang binuksan ang bintana ng kwarto niya upang makapasok sa loob ang sikat ng araw at magkabuhay naman ang silid niya ngunit muntik ng mapatalon ang puso niya nang makita ang kapitbahay niya na para bang nakaabang sa kaniya.

"Good morning."
Wika nito at uminom sa mug nitong hawak.

Nanlaki ang mata niya at pasimpleng kinapa ang muka niya baka may laway pa siya sa pisngi o may muta nakakahiya naman sa bagong ligo niyang kapitbahay at mas fresh pa tignan sa bagong huling isda.

Napadako naman ang tingin niya sa matipuno nitong braso at malapad na balikat.

Ba't ba pag nakikita ko siya palagi siyang topless dati ba siyang may tribo o ka uri ni Jacob Black sa Twilight?

Ngayon lang din niya nalaman na nakakabusog din pala ang abs kahit titigan mo lang.

"Tsk, tulala ka nanaman sa kagwapuhan ko. Malala na yan."

Inirapan niya ito pero tumawa lang ang baliw.

"Kadiri ka ang hangin mo!"

Tumawa lang ito at napatitig sa kaniya bago kinagat ang pang ibabang labi na para bang natatakam.

Bakit ba kahit ang simple lang ng ginawaga nito ay nakakaapekto parin sa kanya?

"Oh, bakit?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Your breast looks delectable."
Nanlaki ang mata niya at mabilis na tumingin sa dibdib niya.

Namula ang muka niya ng makitang nakabakat ang nipples niya dahil wala siyang suot na bra.

Napatingin din siya sa lalake at nakangiti parin ito.

"Bastos ka talaga!" Sigaw niya at siguradong kasing pula na ng kamatis ang pisngi niya.

"You're so cute when you blush, Rabea." Sigaw nito kaya't pinag sarahan niya ito ng bintana.

Nakakahiya! Palagi nalang akong napapahiya sa lalakeng yun.

"Ate!" Nagulat siya bigla ng marinig niya ang boses ng bunso niyang kapatid kaya pinagbuksan ito ng pinto.

"Bakit, bunso?"
Pinalambing niya ang boses niya at ginulo ang buhok nito.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon