CHAPTER 27
BUONG araw siyang nasa Café.
Napapansin din niyang dumadami na ang bumisita sa Café nila ng kaibigan kaya sobrang saya niya lalo na si Nery at ang ina nito. Sabi pa nga ng Ginang ay hindi daw siya nagsisi na tinulungan niya sila para mapalago ang Café.Sobrang nakakatuwa.
Si Therhence ang susundo sa kanya kaya hinintay nalang niya ito.
Palagi siya nitong hinahatid-sundo, magkasama silang pumupunta sa trabaho, at mag kasama din silang uuwi kaso siya ay sa Café lang ito ay nasa malaking company.Kapag nga hinahatid siya nito ay napupuno sila ng asar ,at leader dun si Nery. Botong-boto talaga ito kay Therhence.
"Uy, namumutla ka ah, ok ka lang?"
Nag aalalang tanong ni Nery sa kaniya kaya tinanguan niya ito.
Napapansin niyang nitong mga nakaraang araw ay panay ang pagka hilo niya at minsan ay nasusuka siya.
Palagi ring naglalaway ang bagang niya kapag nakakakita ng mga maaasim na pagkain.Isang araw nga habang namamasyal sila sa mall ni Therhence at binilhan siya nito ng mga kung ano ano na parang hindi naman importante, sobrang mahal pa ay bigla nalang siyang nahilo kaya napaaga ang uwi nila. Sobrang nag alala ang binata at pinilit siyang dalhin sa ospital pero masyadong matigas ang ulo niya kaya sa huli ay sumuko narin ito. Hindi rin siya pinapasok sa trabaho kinabukasan. Nagiging ok naman ang pakiramdam niya pero palagi talaga siyang nahihilo at nasusuka.
Hindi naman masasabi na kulang siya sa pahinga kasi wala naman siyang mabigat na trabaho.
"Hayst..."
Napailing nalang siya ng maalala na palagi pala siyang pinupuyat ni Therhence dahil sa kalandian nito.
"Rabea! Una na ako! Susunduin ka naman ni Daddy Therhence diba? teka...bat namumutla ka nanaman?"
Hindi ito nakapag tiis at nilapitan siya nito."Ok ka lang ba?"
Tumango siya kaya ngumiti ito."Sabihin mo sakin pag masama pakiramdam mo ha, o baka naman pinapagod ka ni Daddy Therhence?"
Sinamaan niya ito ng tingin kaya nag peace sign naman ito sa kaniya.
"Hehehe ... 'to naman di mabiro..."
"Di kaya nakakatawa."
"Pero sabihin mo lang sakin kung pinapagod ka niya sasapakin ko talaga yun kahit na ayokong basagin ang gwapong pagmumuka nun kasi kunti nalang silang gwapo ang natitira sa mundo, pero pag kailangan talaga sabihin mo lang uupakan ko yun kahit gwapo siya ha, akala niya—"
Tinakpan na niya ang ubod ng ingay nitong bunganga.
"Tumahimik ka nga!"
Pinag kaka-titinginan na kasi sila ng dumadaan. Nakakahiya."Hmmmp...sige na nga, bye girl!" Malakas na sigaw niyo papalayo at sumakay sa kotse nito.
"bye!"
Inayos na din niya ang bag niya , nagpaalam narin sa kanya ang dalawang staff na uuwi na kaya nagpaalam na rin siya dito.
Lumabas narin siya at ni lock ang pinto.Mag aantay nalang siya kay Therhence sa labas.
Saglit ang pag hihintay niya ay may kotse na nakahinto sa hindi kalayuan at bukas ang bintana. Nang makita niya kung sino ang nasa loob ay sa di malamang dahilan, bigla siyang kinabahan. Si Cailey ang nasa loob nun at deretso ang masamang tingin sa kaniya. Bigla siyang natakot sa tingin nito kaya dali dali siyang umalis kinatatayuan."Ba't ba ang tagal ni Therhence?"
Bakit ganun ang tingin sa kanya ng babaeng yun? Parang galit ito at naka plaster ang mala deminyong ngiti sa labi. Kung hindi lang sa itsura nitong mukang ginagalang ng lahat ay mapagkakamalan niyang baliw ito.
Nanindig ang balahibo niya sa naisip.
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...