CHAPTER 15
ITS been four days pero parang kahapon lang nangyari yun. Walang pinagbago ang nararamdaman niya. Ang sakit sakit parin. Parang hindi din siya makapaniwala na kaya yung gawin ng binata sa kanya. Akala niya totoo lahat ng pinapakita nito ngunit putang-ina-ng-mga-anak pampalipas oras lang pala siya. May fiancé pala ang gago na yun.
Ilang ulit din nitong sinubukan na kausapin siya pero ayaw na niyang makinig dito. Dahil alam niyang kasinungalingan lang naman yun.
Papaasahin siya ulit at lolokohin.
Gusto niya ang binata kaya sobra siyang nasasaktan. Akalain mo palang bilyonaryo pala ang lalakeng yun pero nagkunwaring mahirap din daw, para ano para mas madali sa bitong pag laruan dahil alam nito ayaw niya sa mayayaman?Mayayaman nga naman, akala nila lahat ng gusto nila makukuha nila, Pati damdamin ng iba paglalaruan lang nila tapos akala nila mag so-sorry lang sila ok na!
"Ang gaga ko talaga Nery...sa lahat ng gaga ako ang pinaka gaga!" Gigil na gigil na sigaw ni Rabea habang naka upo sa mesa nila ng kaibigan niya .
NASA SvClub sila ngayon at sinamahan mag luksa si Rabea sa basag nitong puso.
"Gusto lang ba talaga ang naramdamn mo sa kaniya? O baka mahal mo na?"
Agad namang kinurot ni Nery ang kasama nitong baklita.
Kanina pa nito sinasabi iyon kaya nanggigil na siya."Sige dagdagan mo pa!" Inis na sabi niya dito.
"Ay sorry...ito pa Rab oh inem ka pa."
Binigyan pa nito ng alak si Rabea na agad naman nilagok ng dalaga.NAAWA NA talaga kanina pa si Nery sa kaibigan niya. Nalalasing narin siya dahil kada iyak nito ay tutungga din siya ng beer.
Gusto sana niyang magalit kay Shune—este kay Therhence Vasquez pala, ngunit pinakiusapan siya nito kanina na alagaan ang bestfriend niya.
Nung una ay gusto niya itong suntukin sa ginawa nito kay Rabea—kahit na alam na niya na kasali ito sa Yougest Billionaires. Galit talaga siya rito, ngunit nakipag usap si Therhence sa kaniya at sinabi nito ang totoong nangyari, hindi daw nito sinasadya at lalong hindi nito alam na pupunta ang ex-fiancé nito sa bahay niya. He said he was about to tell Rabea tungkol sa kung sino talaga siya. Pero nag dadalawang isip ito na baka layuan siya ng dalaga—at naiintindihan niya ito.
Kaya hanggang ngayon ay bantay siya ng bruha niyang bestie, di lang nito alam kung gaano ito ka swerte kay Therhence, bilyonaryo na mala-adonis pa, oh complete package na umaarte pa.
Pero itong kaibigan niya ayaw talaga makinig sa explanation ni Therhence ayaw nga din marinig ang pangalan nito.
Tumabi nalang siya ng upo sa kaibigan at hinamas ang likod nito habang umiiyak.
Ang sexy pa ng pina suot niya dito kasi naniniwala siya na 'kahit broken dapat maganda parin' at ang nangyari naging agaw pansin si Rab sa loob ng club.Kaya lang nagsisi siya na pinasuot niya si Rabea ng mini dress na ito.
Dahil ang mga lalake halos tumulo na ang laway kakatingin sa hita at dibdib ng kaibgan niya.Pano ba naman ay laki kasi ng mga bundok ni Rabea. Halos lumuwa na yung dibdib nito.
Tapos ang kinis pa ng legs. Kaloka.Lagot talaga siya kay Daddy Therhence nito.
"Rabea..."
Lasing na nga talaga ang kaibigan niya.
Niyugyug niya ang balikat nito.
Iuuwi nalang niya si Rabea baka ano pa ang mangyari ang dami kasing lasing sa paligid na tina target ang bestie niya.Pero bigla naman niyang nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya iniwan muna niya si Rabea sa isa nilang kasama.
LASING na lasing na Rabea pero parang gusto niyang sumayaw.
Agad na tumayo siya pero pinigilan siya ng kasamang babae ni Nery.
Kahit na ang lakas ng music ay dinig na dinig pa din niya ang boses nitong sobrang tinis.
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...