CHAPTER 35
ISANG linggo na simula nang mangyari ang insidente na yun ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat para sa kaniya.
Matapos niyang makita ang ama niya at ang tama nito ay nawalan siya ng malay at pag kagising niya ay nasa Hospital na siya at hawak hawak ni Therhence ang kamay niya.
May sugat si Therhence sa braso at naka benda iyun.
Ayon sa kwento nito ay nag mula daw si Cailey sa opisina nito nagalit ng sinabi ni Therhence dito na buntis na siya.Cailey cried at parang baliw daw ito na umiiyak at sinabing papatayin siya.
Kinabahan si Therhence dahil sa sinabi nito at baka totohanin dahil isa palang drug user si Cailey at siguradong naapektuhan na ang utak nito.Nakasalubong daw ni Therhence ang ama niya sa parking lot kaya't sabay silang pumunta sa Café at naabutan ang ganung eksena, muntik ng masiraan ng bait ang binata nang makita na nakatutok sa kaniya ang baril ngunit ang ama niya ay nag panic at bigla nalang tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya kaya ito ang tinamaan ng bala sa likod. Samantalang inagaw naman ni Therhence ang baril kay Cailey ngunit naiputok nito at tinamaan siya sa braso.
Agad naman na dumating ang mga kapulisan at dinala si Cailey sa presinto pero hindi na talaga normal ang utak nito. Tumatawa ito at umiiyak. Tuluyan ng nabaliw ang babae.
Nang magising siya ay agad siyang niyakap ng binata at tinanong kung may masakit ba sa kaniya pero siniguro naman niya dito na walang masakit sa kaniya.
Masaya din siya sa ginawa nitong hindi pag iwan sa kaniya habang wala siyang malay.
"I can't afford to lose you, Rabea. Mababaliw ako." He said ang kissed her forehead habang ang kamay naman nito ay humahaplos sa tiyan niya.
She felt the same. She can't afford to lose him too.
Nalaman pa niya kay Nery na nabulyawan pa daw nito ang doctor dahil pinilit nitong gamutin ang sugat ni Therhence.
Pero ayaw nitong umalis sa tabi niya dahil wala pa siyang malay.Doon palang ay nalaman na niya kung gaano siya ka mahal ng binata. Mas pinili nitong manatili sa tabi niya kahit na hindi pa nagagamot ang braso nito. Sinigurado muna nito ang kondisyon nila ng baby niya bago ang sarili nito.
Sinisisi din daw nito ang sarili dahil tingin nito ay kasalan nito ang lahat.
At hindi din daw nito mapapatawad ang sarili pag may nangyaring masama sa kanila ng binubuntis niya."Your Father really loves you."
Nang galing sila sa hospital para bisitahin ang ama niya.
Her father was surprise to see them. Hindi nito inaasahan ang pag bisita niya.Naiyak pa ito nang niyakap niya.
Yes, galit siya dito noon pero kaninong puso ang hindi matutunaw sa ginawa ng ama. Her father risked his life for her.
Sapat na yun para mapatunayan na talagang mahal siya ng ama niya kaya pinatawad niya ito ng buong puso."Thank you, Therhence."
She said and hugged him tightly.
She felt him froze. Natawa nalang siya ng mahina. Natutuwa siya dahil sa epekto niya dito.Ilang segundo pa ang lumipas at niyakap siya nito pabalik.
"Why are you saying 'thank you'?"
He hugged her tighter and she's enjoying his warmth."Kasi, Hindi ko inaasahan na dumating ang panahon na mapaatawad ko ang ama ko. Kung hindi dahil sa'yo hindi mangyayari ang lahat ng ito."
"Kay Cailey ka mag pa salamat.." bulong nito kaya't tinampal niya ang braso at agad naman iyong napa sigaw.
"Ah!, ang brutal mo talaga mahal!"
Tumigil ito saglit at hinalikam ang nuo niya.
"Pero, di mo naman kailangan na mag pasalamat sakin, you should thank Him. Without him hindi natin malalagpasan ang lahat ng ito."
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very succesful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir of his family's wealth. He's a playboy and never do 'relationshits' but everything chan...