CHAPTER 24
NAKIKINIG lang siya sa kwento ni Nanay Ceña habang nakatingin kay Therhence. Panay sulyap nito sa kaniya kahit na malayo siya.
"Ayun nga marami silang magkakaibigan pero silang lima talaga ang palaging magkasama, si Therhence, si Echoe, si Stan, si Schniden at si Kennan.
Si Kennan ay ang pinakahuling naging kaibigan nina Therhence, ewan koba sa batang yan hindi nagsasalita at konti lang ang may alam sa buhay niya. Ang alam ko lang ay walang tatalo diyan sa patalinuhan, sobrang talino ng batang iyan. Sabi ni Therhence mahilig daw iyan sa MMA at magaling humawak ng baril. Iyon kasi ang hobby ng batang iyan ngunit kung napansin mo ay sobrang tahimik at walang emosyon palagi ang muka."
"Opo napansin ko po iyon."
Tumango tango siya.
"Si Schniden naman ay nag iisang anak lang din ng mga Valleza. May ari naman ng sikat na airlines ang ama niyan. Di lang yun, marami narin iyang pag aaring mga Clubs kaya ang yaman yaman na ng batang yan kaya minsan maiisip mong spoiled.
Natatawa siyang sumang-ayon rito.
"Si Constantein naman ang pinaka matanda sa kanila kaya kung napansin mo mature siyang mag isip keysa sa iba. Nang mamatay ang ina niyan ay sa kanya iniwan ang lahat ng ari arian. Sa totoo nga ay siya ngayon ang may ari ng napakalaking oil company sa bansa bukod doon ay marami din siyang mga negosyo.
Hindi na siya umaasa sa ama niya dahil may bago na itong pamilya."
"At si Echoe naman ay sikat din na business tycoons ang mga magulang, marami silang mga factories at beach resorts kaso sa lahat ng magkakaibigan ah siya ang pinaka babaero sa lahat."
Sakto pag tingin niya sa magkakaibigan nahagip ng mga mata niya si Echoe na may babaeng naka upo sa kandungan nito at naghahalikan na.
Kakasabi lang ni Nanay Ceña ah.
"At si Therhence naman..."
Bigla siyang mas naging interesado sa kwento nito.
"Suplado talaga ang batang yan mula noon, kaya nga nagulat ako ng makitang sobrang bait niya sayo.
Iba kasi ang pinapakita niyang ugali sayo. Di yun pagsusuplado kundi pagseselos.
Naku kung alam mo lang kung gaano yan ka suplado sa ibang babae. Kapag nakuha na niya ng gusto niya sayo di ka na niya papansinin pa. Iba sa mga kaibigan niya, ayaw rin niya sa media at reporters. Babaero talaga iyang alaga ko at akala ko ngay maging babaero nalang yan hanggang sa pag tanda sa edad kasi na bente nuebe ay wala pa itong seneryosong babae, pero hulog ka ng langit anak, ng dahil sayo ay nag bago siya.
Kapag kinasal kayo di kana lugi sa kanya dahil gwapo na, masipag pa, bukod doon mayroon na itong sariling kompanya na ito mismo ang nagpalago, at hindi man lang humingi ng tulong sa pamilya. Tsaka sa sobrang yaman ng mga Vasquez siguradong marami pa siyang business na mamanahin."
Ngumiti ang matanda sa kaniya.
"At isa pa mahal na mahal ka non."
Napanganga siya sa huling sinabi ng matanda at agad namang lumakas ang tibok ng puso niya.
Kinakabahan siyang tumawa.
"Hindi naman po."
"Anong hindi? Naku kung ikaw nakakakita sa nakikita ko sa tuwing tititig siya sayo, hmm... ewan ko nalang. Hindi mo ba nararamdaman? Kung gaano ka niya pahalagahan at ipagdamot? Kung ang iba siguro ay matutunaw anak."
Anito kaya mas lalong naghuramentado ang puso niya.
"Naku, hindi po... hindi naman niya sinabi sakin na mahal niya ako eh."
"Alam mo ba ang action speaks louder than words? Anak, mahal ka niya."
Napanganga siya sa sinabi nito.
"Pero talaga pag ang mga kaibigan niyang mga babaerong yan ay madiskobre ang pagmamahal na nadiskobrehan na ni Therhence siguradong maadik din sila at maswerte ang unang babae na mamahalin nila dahil alam ko na hindi na nila iyon pakakawalan pa at tsaka, para mabawasan narin ang mga babaero sa mundo no."
BINABASA MO ANG
OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]
Romance𝗢𝗕𝗦𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 : I Therhence Shune Vasquez is a very successful businessman. He's the Chief Executive Officer of HighLands and the only heir to his family's wealth. He's a playboy and never does 'relationshits' but everything c...
![OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/304365774-64-k335908.jpg)