CHAPTER 30

5.5K 110 1
                                    

CHAPTER 30

HINANAP agad ni Rabea si Nery pagkalabas niya sa CR ngunit wala doon ang kaibigan.

Tinanong niya si Lilet kung nasaan ang babaeng yun ngunit ang sabi lang nito ay nagmamadali daw na lumabas kanina.

Inantay nalang niya itong bumalik pero hindi nawala ang kaba sa dibdib niya dahil sa sinabi nito.

Maraming pumapasok sa utak niya.

"Girl!"
Agad na bumukas ang pinto ng opisina nila at iniluwa nun ang humihingal na ni Nery, mukang nag mamadali.

"Saan ka galing?"
Tanong niya dito pero umupo muna ito sa sofa at may kinuha sa bag at binigay sa kanya.

"Ano to?"
Tanong niya kaya napa irap naman ito.

"PT yan girl! Dali...subukan mo na para maka siguro tayo."

Yun pala ng nilabas nito. Bumili ng Pregnancy Test.
Kinakabahan siyang tumango pero bago siya pumasok sa banyo hinawakan ng kaibigan niya ang kamay niya.

"Kung ano man ang maging resulta, susuportahan kita Rab."
Anito kaya ngumiti siya rito. Kahit na ubod ng OA itong kaibigan niya never siya nitong pinabayaan, parang kapatid na ang turingan nilang dalawa.
At malaki ang pasalamat niya sa Diyos dahil binigyan siya ng kaibigan tulad ni Nery.

"Ok... so sundin mo nalang ang nasa instruction... tapos pag dalawa ang guhit positive yun"
Napairap siya rito.

"Alam ko yun 'no!"
aniya at tumawa naman ito.

"Hayst...sige na nga pumasok ka na."

Nginuso nito ang CR kaya nanginginig siyang pumasok dun.

KINAKABAHAN siya habang hindi makatingin sa resulta, kanina pa siya nakapikit at nanginginig ang kamay na hawak ang PT.

Bumuga siya ng hangin pero hindi niya talaga kayang tignan.
Kaya lumabas nalang siya sa banyo at agad bumungad sa kanya si Nerie na nag aantay ng sasabihin niya.

"Hindi ko kayang tignan."
Aniya at inirapan siya nito.

"Gaga, ako na nga!" Anito at kinuha sa kanya ang pregnancy test.

Tinignan niya ang reaksyon nito.
Napaawang ang labi nito at bigla nalang tumili.

"Ah!.... congrats girl!, its positive!"
Masayang sabi nito habang siya ay parang gustong mahimatay.
Napahawak siya sa tiyan niya at ang lakas ng tibok ng puso niya.

"Buntis ako."

"Oo girl!, magiging mommy kana, may pamangkin na ako—teka bat ganyan ang muka mo? Di ka ba masaya?"
Tanong nito.

"Nag aalala ako. Pano pag ayaw ni Therhence sa bata? Pano pag hindi pa siya handa?... Nery... kinakabahan ako... oo nga palagi kaming magkasama pero ni minsan hindi niya sinabi kung ano ba talaga kami. Oo sinabi niyang gusto niya ako pero... pano pag—"

"Rab, girl... kumalma ka! sigurado ako na mahal ka niya."
Anito pero agad siyang umiling...

"Kahit kailan hindi niya yun sinabi saakin."
Aniya at mapa awang ang labi ng kaibigan niya.

"Seryoso ka ba? Sa tingin ko kasi, masyado ka lang manhid para hindi mo maramdaman na mahal ka niya.
Hindi mo ba nakikita sa tuwing tititigan ka niya?, ang mga bagay na ginagawa niya sayo. Alam mo minsan ang mga lalake, nahihiya silang umamin ng tunay na nararamdaman nila kaya pinapahiwatig nalang nila yun sa actions nila. Girl, wag mo masyadong isipin yun. Masama ang stress sa buntis, ok? Isipin mo ang baby mo..."

Anito na ikina ginhawa ng loob niya. May anak na siya sa sinapupunan niya ngayon hindi siya dapat ma stress.

Tumango siya rito at ngumiti naman ito.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon