CHAPTER 22

6K 125 1
                                    

CHAPTER 22

PALAGI SILANG magkasama ng binata kagaya ng mga nakaraan linggo.

Mas nagiging sweet din ito sa kanya kahit na palagi niya itong sinusungitan.
Hinahalikan din siya nito pag may pagkakataon. He is very clingy and childish sometimes pero mas lamang ang pag ka manyak nito.
May beses nga na muntik na silang mahuli ni Nanay Ceña na naghahalikan sa kusina. He's also a gentleman-Yes, manyak na gentleman.
Dahil hindi siya nito pinipilit sa bagay na alam na alam niya na gustong gawin ng binata.

He respect her so much. Dahil mula ng may nangyari sa kanila ng karaan linggo ay hindi pa siya ulit nito ginalaw dahil alam nito na masakit ang pagkababae niya.

And she can't stop her self but to fall hard for this man.

At ngayon ay bumabyahe sila patungo sa beach resort ng kaibigan nito kasama ang mga kaibigan ng lalake.

Silang dalawa lang sa sasakyan nito dahil ang reason ng binata ay sa kotse lang naman daw nito siya masosolo.
Nasa van ang mga kapatid niya kasama si Nanay Ceña na minamaneho ng driver nina Therhence.

"Kina Stan ba ang beach resort nayun?"
Tanong niya habang kumakain ng burger at fries.

"Nope sa isa sa mga kaibigan ko."

"Sino sa kanila?"

"Kay Mateo Cardinal"
Anito na ikina nganga niya.
Parang hindi siya makapaniwala pero agad naman niyang naisip na bakit siya magtataka e napakayaman naman kasi talaga ng lalakeng katabi niya.

"Si Mateo Cardinal? Hala, crush ko yun...dati..."

Aniya at sa di malamang dahilan ay biglang pumreno ang binata na ikina tili niya.

"What did you say?"
Madilim ang muka nito ng lumingon sa kanya at magkasalubong ang kilay.

"Ba't ka pumreno?"
Tanong niyang nagtataka kahit na medyo kinakabahan siya sa expression ng binata.

"Crush mo si Mateo?"
Galit nitong tanong.
Kaya kinakabahan siyang tumango.

"Damn it...tatawagan ko nalang sina Echoe na di na tayo pupunta dun."
Anito na ikinalaki ng mata niya.

"Huy...bakit naman?" Medyo nataranta siya sa sinabi nito. Ano ba ang problema niya?.

"Sa tingin mo ba ay papayag ako na makita mo si Mateo? Hindi, kaya uuwi nalang tayo."
Anito na ikina nganga niya.

"Eh ano naman kung crush ko?, crush lang yun!"

Ikaw nga eh, gusto kita!

Gusto niyang isigaw iyon sa pagmumuka ng binata pero masyado siyang naiinis dito para gawin iyon.

"Big deal yun sakin, kasi dapat ako lang ang crush mo!, kailan ba kayo nag meet?, saan kayo nag date?, naging girlfriend kaba niya? fling?"

Sinamaan niya ito ng tingin. Ano ang pinag sasabi nito e ito nga ang unang kalandian niya.

"Crush lang po! As in hinahangaan!, hindi pa kami nag meet o date o naging magka relasyon o fling! OA ka masyado!"
Inirapan niya ito.

"Eh pano mo siya nakilala?"
Nagkasalubong ang makapal na kilay nito.

"Hello, sinong hindi makakakilala sa kaniya? Palagi kaya siyang nababalita sa Tv, palaging nasa magazine yung muka nilang magkakapatid syempre kilala ko. Ang hindi ko nakilala ay ikaw!, kasi ayaw mo naman sa media."

Inirapan niya ulit ito.

Sino ba kasi ang hindi makakakilala sa sikat na pamilya Cardinal.
Sila yung may ari ng mga malalaking buildings, condominiums at malalaking factories dito sa Pilipinas at sila din ang may ari ng napaka lawak na hacienda sa Felomina.

OBSESSED 1: Therhence Vasquez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon