CHAPTER 2: MGA MAGNANAKAW BAKAMO?

0 0 0
                                    

*nakarating na si Abby sa kanilang bahay na takot na takot kaya agad itong dumiretso sa kanyang kwarto. Nakita ito ng kanyang kuya na patakbo ito sa kanyang kwarto...

(ZACH POV: Ano kaya ang nangyari dun?)

*pagpasok nya sa kanyang kwarto ay agad itong humiga sa kanyang higaan...

(ABBY POV: Jusko! Buti nga nakatakbo ako kaagad. Whoo! Pero yung pinapagawa sa akin ni mama... Ah! Bahala na. Hindi nya naman siguro isusugal yung buhay ng anak nya nang dahil lang sa paglilinis. Pero magagalit na naman yun sa akin. Ah basta. Hindi na ako babalik dun. Hinding-hindi na.)

*maya-maya...

*may nagring sa telepono ni Abby; sinagot nya ito

*sa phone

Abby: Hello?

Corinne: Abby!

Abby: Ah, mama. Sorry. Sorry talaga. Promise po. Hindi na po mauuulit.

Corinne: Mauuulit ang ano?

Abby: Ha?

Corinne: Ano ba ang nangyayari sa'yo ha? Bakit humihingi ka ng sorry?

Abby: Ah... Eh kasi...

(ABBY POV: Wait lang. Pag sinabi ko kay mama ang nangyari sa akin, as if papansinin nya ako. Lalo nya pa ako papapagalitan nito eh. Sige. Mas mabuti nang ako lang ang makaalam nito. Ah. Bahala na.)

Corinne: Abby?

Abby: Yes ma?

Corinne: Nalinis mo na ba ang apartment ha?

Abby: Opo ma.

(ABBY POV: Kahit di naman...)

Corinne: Mabuti. Nilinis mo ba yun ng maayos?

Abby: Oo naman ma.

(ABBY POV: Sorry talaga ma.)

Corinne: Mabuti. Eto na ang sweldo mo. Iaaabot ko ito sa'yo mamaya pag-uwi ko.

Abby: Sige ma.

(ABBY POV: As if mapupunta nga yan talaga sa akin mamaya.)

Corinne: Sige. May gagawin pa ako dito sa opisina bago ako umuwi. Maya-maya uuwi na rin ako.

Abby: Sige ma. Ingat.

Corinne: Sige.

*pinatay na ni Corinne ang cellphone nito...

(ABBY POV: Ugh! Parang wala talaga ako sa sarili ko ngayon. Parang feeling ko pagod na pagod na naman ako. Di naman sa tinatamad gaya ng lagi kong ginagawa, pero ang feeling ko parang hindi na ako makabangon. Mabuti pa siguro na magpahinga muna ako.)

*nagpahinga si Abby hanggang sa paggising nya ay gabi na at dumating na ang kanyang ina...

*may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto

Abby: Pasok.

*pumasok na ang kumatok

Abby: Mama?

Corinne: Humilata ka na naman dyan?

Abby: Napagod ako ma eh.

Corinne: Jusko! Yun lang ang nilinis mo tapos napagod ka na dun?

(ABBY POV: Sus! Ikaw ba naman ang patakbuhin ng mga magnanakaw na yun mula doon hanggang dito tapos may dinadala ka pang kaba at takot sa puso mo, di ka ba naman mapapagod nyan ha?)

Corinne: Tinatamad ka naman noh?

Abby: Mama, hindi ha?

*mula sa baba

Zach: Ma?

Corinne: Bakit?

Zach: Nasa'n ang mga panglinis dito?

Corinne: Panglinis? Abby?

Abby: Luh! Yung panglinis. Naiwan ko dun.

Corinne: Kita mo lang.

Abby: Kukunin ko yun ma. Sandali.

*tinakpan agad ni Abby ang bibig nito...

(ABBY POV: Luh sinabi ko bang kukunin ko yun? Lahat ng yun? Kukunin ko?)

Corinne: Sige. Pero bumalik ka kaagad ha? Kakain na tayo.

Abby: Si... Sige ma.

*umalis na si Corinne sa kwarto ni Abby...

(ABBY POV: Luh. Ano na ang gagawin ko? Pag bumalik ako dun...

"MGA MAGNANAKAW!!!!!!"

Baka andun pa yung mga magnanakaw. Baka patamaan na nila ako ng bala sa ulo. Pero matapang ako diba? Hindi ko hahayaan na may manakit sa akin. Pag sasaktan nila ako, ipapatikim ko sa kanila ang mga wrestling moves na nakikita ko sa TV noon. Now is the time. Time to be ninja.)

*mabilis na umalis si Abby sa kanilang bahay upang kunin ang kanilang mga panglinis sa kanilang apartment. Pagdating nya sa kalye...

(ABBY POV: Luh walang katao-tao. Walang may nagbukas ng ilaw. Siguro di pa sila dyan nakatira.)

*namalayang nalowbat ang flashlight nito...

(ABBY POV: Aba bwiset to ah. Sandali. Di ko pala ito chinarge kagabi. Napakabobo ko talaga. Di bale. Wala naman sigurong tao dyan. Sana nga wala.)

*pumunta na si Abby sa apartment at pumasok na ito. Pagbukas nya...

(ABBY POV: Aba! Hindi pa nila nilock ang pinto. Paano kung may manakaw dito? Luh! Baka meron na nga silang nanakaw dito. Check ko nga ang mga gamit dito.)

*chineck lahat ni Abby ang mga gamit sa apartment kung andun pa. Maya-maya ay may nasagi itong kabinet...

(ABBY POV: Luh luh. Ssh sorry talaga. Hayst mahirap pag walang ilaw na dala eh.)

"Ano kaya ang kumalabog dun?"

(ABBY POV: Luh may tao.)

*nagtago si Abby at binantayan upang makita nito kung sino ang nagsalita. Pagdating ng nagsalita ay agad itong sinunggaban ni Abby at bumagsak ang dalawa sa sahig. Agad nyang kinuha ang flashlight ng nagsalita at itinapat ito sa itsura ng taong yun...

Abby: LUH YUNG MAGNANAKAW!!!!! AHHHHHH!!!!!!

*agad na tumakbo si Abby papalabas ng apartment upang umuwi sa kanyang bahay. Pagdating nya ay nakasalubong nito ang kanyang kuya...

Zach: Anong nangyayari sa'yo Abby ha?

Abby: Kuya... Kuya... Ku... Ya ...

*nahimatay si Abby at nasalo ito ng kanyang kuya...

Zach: Abby!!! Abby!!!!

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

Next chapters will be updated every other Monday.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now