CHAPTER 18: CONVO

0 0 0
                                    

*sa labas ng bahay nina Rachel, hinanap ng hinanap ni Abby si Vincent upang ibigay ang juice nito sa kanya hanggang nakita nya ito sa bench ng isang puno...

Abby: Vincent...

*paglingon ni Vincent ay kumaway si Abby at tumabi ito sa kanya sa bench...

Abby: Eto juice oh. Bigay ni Ate Rachel.

Vincent: Thank you.

*ibinigay ni Abby ang juice kay Vincent at uminom na ang dalawa ng kanilang juice...

Vincent: Wow. Iced tea. Paborito ko to ah.

Abby: Ah. So tama nga si Ate Rachel.

Vincent: Si ate talaga. Alam na alam nya talaga ang mga bagay na paborito ko.

Abby: So bakit ka pala naparito?

Vincent: Ha?

Abby: I mean, bakit ka andito sa bench? Hindi ba malamok dito?

Vincent: Hindi naman. Gusto ko lang na magpahangin.

Abby: Ah.

Vincent: Ang hirap na mawalan ng tatay eh noh?

Abby: Oo naman.

*uminom nalang si Abby ng kanyang juice dahil sa awkwardness. Habang umiinom...

Vincent: Buhay pa ba ang tatay mo?

*nabulunan si Abby sa tanong ni Vincent at inubo ito...

Abby: Ano?

Vincent: Ok ka lang?

Abby: Ah oo okay lang ako. Pasensya na.

Vincent: Pasensya na ha? Hindi ko kasi alam na naaawkward ka pala sa mga ganun klaseng tanong.

Abby: Actually, ayoko na sanang pag-usapan ang papa ko eh.

Vincent: Ha? Sorry talaga. Pero maaari ko bang malaman kung bakit? Kung bakit ayaw mong pag-usapan ang papa mo?

*di na nakasagot si Abby at bagkus ay napaiyak nalang ito...

Vincent: Abby, ok ka lang? May masakit ba sa'yo?

Abby: Namatay na kasi ang papa ko...
nung buntis pa si mama sa akin eh...

Vincent: Ano?

Abby: Di ko nasilayan ng personal...kahit sa picture...ang mukha ng papa ko...

Vincent: Pasensya na. Wala akong alam sa lahat ng pinagdaanan mo.

*mas lalo pang umiyak si Abby...

Vincent: Oh tama na. Akala ng ibang tao dyan inaapi kita. Tahan ka na nga. Para kang bata kung umiyak eh.

*pinahiran na ni Vincent ang luha sa mga mata ni Abby. Di nila namalayan na nakikita pala ng tatlong boys ang dalawa mula sa bintana ng bahay nina Rachel...

Davin: Sinasabi ko na nga ba eh. Meron nangyayari sa kanilang dalawa na di natin inaasahan.

Frits: Oo nga. Mukhang hindi natin talaga ito inaasahan.

Davin: Si Vincent talaga ang harot eh.

Frits: Oo nga. Pero bagay naman silang dalawa ah. Tingnan mo. Napakacaring ni Vincent kay Abby oh. Sya pa ang pumapahid ng luha para sa kanya.

Ferdie: Caring na yan?

*napatingin sina Davin at Frits kay Ferdie. Nagulat naman si Ferdie sa inasta ng dalawa...

Ferdie: Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko ngayon lang?

Frits: Ay! Hindi natin naconsider ang feelings ni Ferdie para kay Abby.

Davin: Tol pasensya na talaga.

Ferdie: Pfft. I can be more caring than him. Di nyo lang alam kung anong mga mabubuting bagay ang ginawa ko na para kay Abby.

Davin: Bakit? Mabuti ka nga ba talaga?

*nagtawanan sina Davin at Frits...

Frits: Ay! Oo nga pala. Sana all eh noh ginawan na ng mabuti ni Ferdie.

Ferdie: Ayan kasi eh. Di kasi kayo naging mabait sa akin. Kaya deserve nyo yan.

Davin: Anong...

Ferdie: Punta muna ako kay Ate Rachel. Boring kayong kausap.

*umalis nalang si Ferdie upang pumunta kay Rachel. Nagulat naman ang dalawa sa kanya...

Davin: Ano? Boring daw tayong kausap?

Frits: Paano naman tayo magiging boring na kausap eh sya lang naman ang di makasabay sa ating dalawa?

Davin: At tsaka tahimik nga lang sya kanina nang nag-uusap tayong dalawa tungkol kina Vincent at Abby ha? Hindi kaya...

Davin/Frits: Nagseselos sya??

*habang sina Abby at Vincent naman sa bench ay nag-uusap na dahil napatahan na ni Vincent si Abby...

Abby: Pasensya ka na ha? Nagmukha akong lasing kakaiyak ko eh.

Vincent: Hindi okay lang. Naiintindihan ko naman eh.

Abby: Pero sa totoo lang, ikaw lang ang nagtanong sa akin tungkol sa tatay ko.

Vincent: Ha?

Abby: Bakit ka nga ba naging interesado sa buhay ko? Hmmmp...

Vincent: Wala. Pumasok lang kasi sa isip ko eh.

Abby: Talaga?

Vincent: Oo. Talaga.

Abby: Talagang-talaga?

Vincent: Oo. Promise.

Abby: Ok. So gusto mong malaman ang tungkol sa tatay ko?

Vincent: Ok lang kung hindi mo kayang sabihin. Naiintindihan ko naman eh.

Abby: Hindi okay lang.

Vincent: Ha?

Abby: Minsan lang may isang tao na nagka-curious sa tatay ko. Kaya feeling ko siguro mapagkakatiwalaan ka pagdating sa tatay ko.

Vincent: Talaga?

Abby: Oo.

(VINCENT POV: Shocks! Mapagkakatiwalaan daw ako.)

Abby: When I tell you about my father, don't interrupt me ha?

Vincent: Ok.

Abby: Magda-drama kasi ako eh.

Vincent: Ha?

Abby: Joke lang hihihi ikaw naman. Di nga ako marunong mag-acting eh.

Vincent: Ah hihihi

(ABBY POV: Waley ang joke ko jongina.)

(VINCENT POV: Joke pala yun. Akala ko nagda-drama na sya eh.)

Abby: So here's what happened to my father...

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now