CHAPTER 14: THE CLINGYNESS

1 0 0
                                    

*lumabas na sina Rachel, Vincent, Davin at Abby sa bahay nina Abby...

Rachel: Wow! I can see you're all grown-up now.

(ABBY POV: Grown-up ka dyan hahaha)

Vincent: By the way ma'am, congrats nga pala sa inyo ni Kuya Zach.

Davin: Oo nga ma'am. Grabe! Ang bilis talaga ng panahon at ikakasal na po pala kayo.

Rachel: Oh really? Hihihi

*saka naman lumabas si Zach upang ihatid si Rachel. Sunod namang lumabas si Corinne...

Corinne: Oh ano? Aalis na kayo?

Zach: Opo, ma. Paalam po.

*nagmano si Zach kay Corinne...

Rachel: Sa susunod po tita, bumisita din po kayo sa amin.

Corinne: Talagang bibisita ako dun. Diba magpaplano pa tayong lahat para sa kasal ninyong dalawa? At tsaka, gusto ko rin makita ang mga balae ko, future in-law.

Rachel: Ah opo tita.

Zach: Davin, hindi ka ba sasama sa amin? Para naman may kasama ako pauwi dito.

Davin: Ah hindi nalang po. Uuwi po muna ako sa apartment namin.

Zach: Ha? Bakit naman?

Davin: May gagawin pa po kasi akong importante eh. Eto kasing kaibigan ko, niyaya akong umalis kahit na may gagawin pa akong importante.

Vincent: Bakit? Pinilit ba kita. Inutusan nga lang kita eh.

*nagtawanan ang lahat...

Rachel: Abby?

Abby: Po?

Rachel: Hindi ka ba sasama sa amin? Para naman makapunta ka sa amin. Bata ka pa ata nang huli kang pumunta sa amin kasama si Kuya mo eh.

Abby: Po? Ako po, Ate?

Zach: Hayst kahit kailan, napakaslow-witted mo talaga.

Abby: Ewan ko sa'yo Kuya.

Rachel: Oh ano? Game ka ba?

Abby: Umm...sure sure. Sasama po ako.

Vincent: Ah. Meron po ba kayong room para sa isa pa?

*nagulat ang lahat sa sinabi ni Vincent, lalo na si Davin...

Davin: Ikaw, tol?

Vincent: Oo. Gusto ko kasi makita ang lugar nyo ma'am eh. Pwede po ba?

Rachel: Ah. Pwede naman... Sure.

Davin: Dude, iiwan mo ako?

Vincent: Ano ka ba? Yan lang yung apartment natin sa harap oh. Sabihin mo sa kanila o sa maghahanap sa akin na may pinuntahan akong importante.

(ABBY POV: I... importante??)

Corinne: Ano pa ang hinihintay nyo? Umalis na kayo at baka maabutan pa kayo ng ulan. Ang itim na ng langit oh.

Zach: Opo. Aalis na po kami.

Rachel: Bye po tita. See you soon.

Corinne: Ok. See you. Abby?

Abby: Po?

Corinne: Wag kang magmamatigas kay Kuya mo ha? Naku, baka mapahiya ka.

Abby: Mama naman. Hindi ba kayo nahihiya na sabihin sa akin yan ha?

Vincent: Don't worry po tita. Ako po ang magbabantay sa kanya.

Corinne: Oh...okay.

(ABBY POV: Ano ko ba sya? Manliligaw?)

Zach: Alis na po kami, ma.

Corinne: Sige anak.

*pumasok na sina Zach, Rachel, Abby at Vincent sa sasakyan ni Zach at umalis na. Umuwi na din si Davin sa kanilang apartment...

(CORINNE POV: Hayst nakakaproud na talaga ang mga anak ko eh. Mukhang magkaka-apo na ako agad-agad ah. Lord, sign na ba to?)

*nakangiting pumasok si Corinne sa kanilang bahay. Habang sa byahe naman nina Zach, Rachel, Abby at Vincent, magkalayong nakaupo sina Vincent at Abby sa magsigilid habang nakikita nila sa harapan na ang sweet nina Zach at Rachel...

Vincent at Abby: Wow! Grabe...

Vincent: Mukhang nilalanggam ako dito eh.

Abby: Ako nga rin eh.

*galit na nagkatiningnan sa isa't-isa sina Vincent at Abby...

Vincent at Abby: Gaya-gaya ka ah!

Rachel: Wow. Di ko pala alam na aso't-pusa pala kayong dalawa dyan sa likod. Maybe si Vincent na ang pinaupo ko dito sa unahan.

Zach: Hayaan mo na dyan sila babe. Kung doon ka sa likod kanina umupo, di ko magagawa to.

*hinalikan ni Zach ang kamay ni Rachel...

Vincent at Abby: YUCCKKKKK!!!

Rachel: Tama na nga yan. Nakakahiya sa mga bata oh.

Zach: Anong nakakahiya dun? Hindi na yan sila mga bata oh. Balang araw, baka mas sobra pa ang gagawin nila sa isa't-isa nyan.

Abby: Kuya talaga! Magpokus ka na nga lang dyan sa pagmamaneho mo. Bastos ka talaga.

Rachel: Ha? Bastos?

Zach: Wag kang makinig sa kanya, babe. Alam mo mahal kong kapatid, tila wala ka nang naidudulot na maganda sa akin ah. Mabuti pa sigurong...

*tinakpan ni Vincent ang bibig ni Abby...

Vincent: Ako na po ang bahala sa kanya mula ngayon.

Zach: Ta...talaga?

Rachel: Aww my baby brother's really all grown-up now.

Zach: Baby brother? He is your baby brother?

Rachel: No. He was my junior when we first met. I took care of him a lot those days, that's why I'm very proud of him today. I really can't believe what I am seeing right now.

Zach: And I am very proud of you as always.

*hinalikan ulit ni Zach ang kamay ni Rachel...

Vincent at Abby: YUUUCCKKK!!!!

Rachel: Naku sorry talaga guys ha? Pagpasensyahan nyo na tong Kuya Zach nyo. Namimiss nya lang talaga kasi ako ng sobra eh.

Zach: Bakit ka humihingi ng sorry sa kanila ha? It's not like hindi nila yan gagawin in the future diba?

Abby: Kuya, Bwiset ka talaga!!!!!

*dumating na ang apat sa lugar nina Rachel pagkatapos ng ilang minutos na pagmamaneho ni Zach...

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now