CHAPTER 25: BOYFRIENDS?

1 0 0
                                    

*sa kwarto ni Rachel ay naglilibot si Abby. Nakita ni Abby ang kwarto ni Rachel na puno ng EXO posters...

Abby: Wow. Gustong-gusto talaga siguro ni Ate Rachel ang EXO noh?

*nilibot nya ang buong kwarto ni Rachel at nakita nya...

Abby: Wow. Siguro bias nya sina Chanyeol at Baekhyun. Uwu ChanBaek stanner here as well.

*nang naglibot-libot pa si Abby sa kwarto ay nakita nya naman ang pinagdikit na litrato ni Chanyeol at ni Zach, pati na rin ang cardboard poster na ginawa ni Zach para kay Rachel nung anniversary nila 3 years ago...

Abby: Tch hindi naman magkamukha sina Chanyeol at Kuya eh. Mukhang unggoy nga si Kuya eh. Tch magkapatid pala kami ulol.

*nang naglibot-libot pa sya ay may naapakan syang litrato na nahulog mula sa Philosophy book ni Rachel. Nang nakita nya ito...

Abby: Sheda. Naku sorry sorry talaga.

*pinulot kaagad ni Abby ang litrato at patuloy ito na nilinisan. Habang nililinisan nya ito, napansin nya na...

Abby: Teka. Si Vincent ito ah. Tapos si Ferdie? Si Frits? Si Davin? Teka. Ano itong nakatupi na ito?

*nang kinuha nya ang tupi sa litrato ay nagulat sya sa kanyang nakita...

Abby: Si France? Ibig sabihin magkakilala sila? Boyfriends? Teka...WHAT???!

*nagulat ang lahat sa sigaw ni Abby. Sa kina Vincent naman...

Frits: Teka. Ano yun?

Davin: Si Abby ba yun?

Zach: Tch kapatid ko yun ah.

Rachel: Andun sya sa kwarto ko. Ako na ang pupunta sa kanya.

Ferdie: Sasamahan na kita ate?

Zach: Ano? Sasamahan mo ang girlfriend ko?

Rachel: Hindi na. Okay lang. Sandali lang naman ako dun eh. Magpatuloy lang kayo dyan sa paglalaro. Babalik din ako dyan.

Zach: Sige. Sabihin mo kaagad sa amin kung napaano sya sa loob ha? Naku talaga. Pag yan nagbiro sa atin papaluin ko talaga sya sa pwet.

*napatawa naman ng patago ang apat...

Rachel: Oo na. Maglaro nalang kayo dyan okay?

Lahat: Okay.

*umalis na si Rachel sa kina Zach upang puntahan si Abby sa kwarto nya. Habang papunta sya sa kanyang kwarto...

Rachel: Abby, okay ka lang ba dyan? Anong ginagawa mo dyan sa kwarto ko?

*sa kay Abby naman sa kwarto ni Rachel...

(ABBY POV: Sheda papunta na dito si Ate Rachel. Sheda kailangan kong itago ang picture na ito. Pero paano? Think Abby think...)

*nang naramdaman na ni Abby na palapit na si Rachel sa kwarto ay tinago nya ito sa kanyang bulsa ng kanyang pantalon at kumalma sya. Nang nakadating na si Rachel sa kwarto nya ay naabutan nya si Abby na nakatayo lamang malapit sa kabinet nya na pinagmulan ng litrato nina Vincent. Nang nakita sya ni Rachel...

Rachel: Abby?

Abby: Y-yes ate?

Rachel: Hey why so nervous? Anong nangyari sa'yo? Having a bad dream?

Abby: Bad dream?

Rachel: Bakit? Hindi ka ba nakatulog dito sa kwarto ko? Ang sabi mo masama ang pakiramdam mo. Baka naisipan ko na nakatulog ka dito eh. Maayos ka na ba?

Abby: O-opo. Maayos na po ako. Bakit po?

Rachel: Eh kung maayos ka na, bakit sumigaw ka? May bumabagabag ba sa isip mo? May masakit pa ba sa'yo?

Abby: Ah wala po wala.

Rachel: Wala...

(ABBY POV: Eto naman si Ate Rachel eh. Mapilit. Ayoko na mag-spoil eh. Bahala na. Mag-iisip nalang ako ng ibang paraan...)

Abby: Ate, fan ka din pala ng EXO?

Rachel: Oo eh. Since college. Teka. Alam mo na diba na fan ako ng EXO? Si Baekhyun pa nga yung bias mo eh. Ang sabi mo sa akin dati, tayo ang girl version ng ChanBaek diba? Teka. Wag mong sabihin na nagka-amnesia ka na.

Abby: Hindi kasi...Sana nagbigay ka din sa akin ng ibang photocards at posters ng EXO ate. Yun talaga. Nagtatampo na ako sa'yo ngayon.

Rachel: Sus. Yun lang naman pala. Sige. Pag ikasal kami ng kuya mo, kalahati dyan ng posters at photocards at merch ko, ibibigay ko sa'yo. Tutal baka pagselosan lang din naman sila ng kuya mo tsaka sabihin na mas gwapo pa sila kaysa sa kanya. Na sila nalang daw ang pakasalan ko at hindi na sya.

Abby: Tch kalahati lang talaga ate? Di na pwedeng dagdagan ate?

*saka na dumating si Corinne sa kwarto ni Rachel...

Corinne: Ano ba ang nangyari sa'yo anak ha? Naisturbo mo ang kwentuhan namin ng mga bago kong kumare eh.

(ABBY POV: Tch...)

Rachel: Ok lang po sya tita. Nagulat lang po sya na andami-dami ko pong merch ng paborito nyang banda dito sa kwarto ko eh.

Corinne: Tch. Hindi ka na talaga nahiya. Dito pa ha? Sa lamay ng ama ni Rachel. Umayos ka nga anak. Nakakahiya ka.

*saka na umalis si Corinne sa kwarto ni Rachel...

Abby: Tch...

Rachel: Balik na ako kina Kuya mo ha? Don't worry. Ako na ang bahala magpaliwanag kay Kuya mo kung anong nangyari.

Abby: Sige ate. Thank you at sorry talaga sa isturbo.

Rachel: Sige. Have fun watching at my room.

Abby: Thanks ate.

*nang umalis na si Rachel sa kwarto nya upang bumalik kina Zach...

(ABBY POV: Tch kailangan kong malaman kung paano mo sila nakilala ate. Tsaka ano ito? Boyfriends? Banda ba sila? Tch I need to see it for myself. Hindi pwede na hindi ko malaman ito...)

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now