*kinagabihan, habang naaupo sina Vincent, Ferdie at Frits sa mes ng kanilang kusina at tinitingnan nila si Davin na ngayon ay paikot-ikot na naglalakad sa harapan nila...
Frits: Ano ba tol ha? Kanina ka pa paikot-ikot dyan ha? Nahihilo na kami kakatingin sa'yo ha?
Davin: Kako edi wag mo akong tingnan kako...
Ferdie: Ano ba kasi yun tol ha? Bakit kailangan mo talaga kami na ipatawag dito lahat sa kusina? May problema ba ha?
Davin: Eh ano kasi eh. Nasa hulihan na ng dila ko pero hindi ko pa kayang sabihin eh.
*patuloy pa rin sa paglalakad ng paikot-ikot hanggang si Vincent ay tuluyan nang nainip at...
Vincent: Putchangina. Sasabihin mo sa amin o puputulan talaga kita ng dila ngayon din?!
Ferdie: Tol kalma lang. Nananakot ka naman eh.
Vincent: Eh nakakarindang na eh.
Davin: Ok. Eto na nga kung bakit. Nakita ko kanina si Abby sa labas ng apartment. Wag sana kayong magagalit sa akin dahil sa susunod kong sasabihin ha?
Ferdie: Bakit naman kami magagalit ha? Sige na. Sabihin mo na sa amin ang totoo okay? Promise hindi kami magagalit.
Davin: Eh alam ko maghe-hysterical yang si Vincent eh.
Vincent: Maghe-hysterical talaga ako lalo pag ginaganito mo kami at binibitin.
Davin: Eh kasi eh...
Vincent: Ano na sabi eh?!
Davin: EH NAGKITA SINA FRANCE AT ABBY KANINA!
Vincent/Ferdie: ANO?!
*saka na nagkatiningan ng matalim sina Vincent at Ferdie sa isa't-isa, dahil sa sabay nilang reaksyomn sa nalaman nila tungkol kay Abby. Habang si Davin naman...
Davin: Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.
Frits: Sandali. Patapusin muna natin si Davin okay? Sigurado ka ba bro sa nakita mo? Baka lang namamalikmata ka lang at niloloko mo lang kami.
Davin: Bro, kung magbibiro lang naman ako sa inyo, at least hindi sa ganitong bagay noh? Nilulugar ko rin naman ang biro ko kahit papaano.
Ferdie: Sus sinungaling...
Davin: Kako hindi. Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kanina. Si France mismo at si Abby ang nag-uusap kanina sa labas.
Frits: Eh ano daw ang sabi? Narinig mo ba ang pinag-uusapan nila kanina ha?
Davin: Hindi eh. Nasa bintana ako ng kwarto ko nung nakita ko silang nag-uusap sa labas. Hindi ko narinig ng husto kung ano ang pinag-uusapan nila.
Frits: Sayang bro. Hindi man lang natin alam kung anong pinag-usapan nila.
Davin: Umalis din kaagad si France nun tapos pumasok na rin si Abby sa kanilang bahay pagkatapos nun. Hindi lang din naman nagtagal ang pag-uusap nila eh. Parang 5 minutes lang ata tapos natapos na din sila.
Frits: Bro ano na ang gagawin natin?
Ferdie: "Ano na ang gagawin natin"?
Frits: Bro naman, alam mo naman siguro kung ano ang ginawa sa atin ni France diba? Malay nyo, sinisiraan na pala tayo ni France dun kay Abby. Eh alam nyo din naman siguro na wala ring alam si Abby tungkol sa past natin. Baka dun na kaagad magtitiwala si Abby sa kanya tapos sisiraan na rin pala tayo nya sa iba. Or worse, baka i expose nya pa tayo. Edi lalo pa tayong masasabit nito.
Ferdie: Bro, respect her time okay? As much as we don't want that to happen, hindi natin hawak ang oras ni Abby. Hinding-hindi natin basta-basta lang diktahan si Abby sa kung sino ang pagkakatiwalaan nya sa atin okay?
Frits: Respect some time. Eh wala na nga tayong time okay? Hay ano ba yan?..
*hindi na rin nakasagot pa si Ferdie dahil kay Frits na ngayon ay kasabay nang namomroblema kay Davin. Ngunit nang napalingon ito kay Vincent, kanina pa ito hindi umiimik at nag-iisip ng husto. Kaya naman...
Ferdie: Bro, bro?
Vincent: Hmm. Bakit?
Ferdie: Kanina ka pa tahimik dyan ah? Okay ka lang?
Vincent: Ah...eh...
Ferdie: Kakarant lang ni Frits ngayon. Kailangan daw nating gumawa ng paraan upang hindi pagkatiwalaan at hindi na mag-usap pa sina France at Abby.
Vincent: Ah...eh...hmmm bukas nalang muna natin yan pag-usapan.
Lahat: Ha?
Vincent: Matulog na kayo. Bukas na natin pag-usapan ang lahat ng to. Pagod na rin ako eh. At alam kong pagod na rin kayo. Kaya matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas.
*hindi na hinintay pa ni Vincent ang mga sagot nila nang nauna na itong umakyat sa kanyang kwarto. Habang ang tatlo naman na naiwan sa kanilang kusina...
Frits: Kanina pa sya ganyan dude? Parang kanina pa sya wala sa sarili eh.
Davin: Oo nga. Parang wala naman akong natatandaan na may ginawa syang mabigat ngayong araw pero ang sabi nya, pagod na pagod sya ngayon.
Ferdie: Hayaan nyo nalang. Respetuhin nalang natin ang desisyon nya. Matulog na rin tayo. Alam nyo namang hindi yan nakakatulog kapag may nararamdaman pa syang gising dito sa baba. Tara na.
Frits: Hays sige na nga. Davin, ilock mo nalang yung pinto okay?
Davin: Sure dude.
*saka na sila naglock ng pintuan at bintana nila at pinatay na nila ang lahat ng ilaw ng apartment para sa kanilang pagtulog nang gabing iyon...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
ChickLitCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...