*sa apartment habang naglilinis si Abby sa apartment, may naalala sya...
(ABBY POV: Ah. Sandali lang may naalala ako. Ok lang siguro na manghalungkat ako ng mga gamit nila noh? Para mapatunayan ko kung anuman ang tinatago nila. Ngayon na ang pagkakataon ko. Muntik ko nang makalimutan. Mamayang hapon pa daw ang balik nila. Kailangan kong mag-disinfect ng mabilis. At para di nila ako maabutan na hindi pa tapos nang dahil sa paghahalungkat ko. Bilis self! Bilis!..)
*saka binilisan ni Abby ang paglilinis nya sa apartment. Kahit iniinda nya na ang sobrang pagod ay hindi pa rin sya tumitigil sa paglilinis. Nilinis nya ang bawat sulok, kwarto at kasulok-sulokan ng apartment nina Vincent at nang natapos na sya...
(ABBY POV: Okay na. Tapos na ako. Maamoy-amoy nga kung may baho pa rin...)
*saka nya kinuha ang kanyang mask at inamoy ang paligid kung may baho pa rin ang mga insecticide na ginamit nya pero nang makaamoy na sya...
(ABBY POV: Wow. Wala na ah. Ang bilis naman. Kung ganun ay tutuloy na ako...)
*saka na umakyat si Abby sa second upang manghalungkat sa mga gamit ng apat tungkol sa sikretong tinatago nila. Hinalungkat ni Abby ang mga kwarto ng apat pero nabigo sya na makita yun. Nang nasa kwarto na sya ni Vincent na pinakahuli nyang hinalungkat sa lahat...
(ABBY POV: Bwiset wala talaga akong makita?..)
*hinubad ni Abby ang kanyang sweater nang dahil sa sobrang init. Ang naiwan nalang sa kanyang ay ang kanyang t-shirt na puti at ang itim nya na six pocket jogger pants. Nang papunta sya sa isang wooden coat rack upang ilagay sana ang kanyang sweater...
(ABBY POV: Nasaan na kaya yun?..)
*nang ilagay ni Abby ang kanyang sweater sa wooden coat rank ay doon may bumukas na pader sa tabi mismo nito. Nagulat sya dahil may lagusan ito. Pagkakita nya sa lagusan...
(ABBY POV: Woah. Merong ganito sa apartment namin? Teka paanong...)
*saka sya nagdahan-dahang pumasok sa lagusan. Nang makarating na sya sa dulo ng lagusan ay may nakita syang isang kwarto na puno ng mga pictures ng apat. May isang desk din at apat na upuan na para bang isa rin itong meeting room. Meron ding mga merch na nakalagay sa isa-isang lalagyan at nakahiwalay ito base sa mga petsa na natanggap nila ito. May mga stage outfit din na nakasabit sa mga closet. Napagulat at nasiyahan si Abby dahil sa wakas ay nakita nya na rin ang kanyang hinahanap...
(ABBY POV: Ito na nga. Ito na nga sya...)
*nag-umpisa nang maghalungkat si Abby ng mga iba't-ibang bagay na nakita nya sa sikretong lugar ng apartment. Habang sina Vincent, Ferdie, Frits at Davin naman ay nasa Stardome Agency kausap ang kanilang manager at ang CEO ng kompanya...
CEO: Ok. I have decided.
Manager: Yes, Mr. CEO? Ano po ang desisyon nyo? Pababalikin nyo na po ba sila sa kompanya? Tatanggapin nyo na po ba sila ulit?
CEO: Hey. Hindi ako nagdisband ng grupo nila para sa wala. Alam naman natin na di sila tumupad sa usapan. Kaya mahihirapan na din ako na bigyan pa sila ng isa pang chance.
Manager: Pero CEO...
Vincent: Ako lang naman po ang may kasalanan dito ah?
*napatingin ang lahat sa sinabi ni Vincent...
Vincent: Ako lang naman po ang di tumupad sa usapan. Nandyan na po silang lahat nung unang concert namin. Ready na po silang lahat. Ako lang po ang wala.
CEO: Baka nakakalimutan mo. Si France din ay hindi tumupad sa usapan. Mas pinili nyo pa na pag-agawan ang Monicang yun kaysa sa kagrupo ninyo. At iisang team kayo dapat diba? Tingnan mo na ang nangyari sa grupo mo nang dahil sa kapabayaan mo.
Vincent: Kaya nga po. Ako nalang po ang magpaparaya.
Frits: Ha? Anong ibig mong sabihin tol?
Vincent: Kahit sila nalang ang ipasok mo ulit dito sa kompanya. Kahit wala na ako.
Davin: Tol naman...
Vincent: Kaya ko namang maghanap ng ibang agency na mapapasukan eh. O di kaya mamuhay na din ako ng normal kagaya ng ibang tao dyan.
Davin: Tol wala namang ganyanan.
Frits: Leader ka namin eh? Diba ang sabi mo walang iwanan?
Ferdie: Tol, wag mo munang pangunahan ang desisyon ni Mr. CEO. Wag ka munang bumitaw ng mga salitang pagsisisihan mo rin sa huli.
CEO: Ano ba, Ferdie?
Ferdie: Po?
CEO: Pwede ba wag mo akong tawaging Mr. CEO ha? Since trainees ka pa ganyan ha? Di ka pa rin nagbabago pagkatapos ng ilang taon.
Ferdie: Ah sorry po M- I mean Sir CEO.
CEO: Nan! Well done. Ganyan dapat. And as for you Manager, I will be giving again another chance para sa apat na to.
Apat: Yes!
CEO: But I will not prepare the contract just yet. Kailangan nyong magsikap muna sa sarili nyo ngayon. Try your very best at ipapasok ko na kayo sa kompanya nyo ulit...
Lahat: Yes! Thank you so much, Sir CEO!
*masaya ang lahat lalo na ang apat dahil sa wakas, sa loob ng madaming taon ay binigyan ulit sila ng pagkakataon ng kanilang CEO upang mag-ensayo para sa inaasam nilang big-back come-back sa industriya ng musika...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
ChickLitCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...