CHAPTER 50: MISFORTUNES

2 0 0
                                    

*kinahapunan, habang naglilinis si Abby sa kusina, hindi nya namalayan ang pagdating ni Vincent. Kaya nang ginulat sya nito...

Abby: Ay kabayo!

Vincent: Oh sinong kabayo?

*saka nya hinampas ng marahan sa braso si Vincent...

Vincent: Aray!

Abby: Ano ba? Bakit ang hilig-hilig nyong manggulat ha?

Vincent: Oh galit ka na ngayon sa boss mo.

Abby: Boss? Pasalamat ka at nakaluwag-luwag ka na. Kaya may confidence ka nang tawagin kang boss.

Vincent: Yes. Nakaluwag-luwag na nga ako ngayon. Kaya bow down to me as your king.

Abby: Ulol

*saka na natawa si Vincent sa pang-iirap sa kanya ni Abby. Maya-maya ay may nilabas sya sa bulsa nito at ipinakita kay Abby. Nang nakita na ito ni Abby...

Abby: Hala! Akin yan ah. Ba't nasayo yan ang kwintas ko? Isauli mo yan.

*aabutin na sana si Abby ang kwintas mula sa kamay ni Vincent, pero iniwas ito kaagad ni Vincent at isinuot sa kanyang leeg...

Vincent: Pahiram muna ako nito okay? May aasikasuhin lang sana ako saglit.

Abby: May magagawa pa ba ako? Eh nasa'yo na eh.

Vincent: Galit ka na naman ba? Nagagalit ka na sa boss mo ah. Baka isasante na kita nyan.

Abby: Edi wow mo.

Vincent: Hindi mo ba ako tatanungin kung saan ko to gagamitin ang kwintas ha?

Abby: Hindi naman ako interesado eh.

Vincent: Sus baka mawala na naman ako saglit eh mamiss mo ako kaagad.

Abby: Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Hindi na kita mamimiss noh?

Vincent: Hala sya...

Abby: Ah. Alas singko na pala. Sige. Magliligpit na po ako saglit ha? At aalis din po ako kaagad para lang malaman nyo po, boss.

*dadaan na sana saglit si Abby sa pagitan ni Vincent nang bigla nalang syang yakapin nito at ipinaupo sa mesa sa may kusina. Saka nya ito pinagitnaan ng dalawang kamay upang hindi makaalis si Abby. At saka nya ako tiningnan nang mata sa mata...

Abby: Hoy. Ano ba? Ibaba mo nga ako dito. Baka may makakita sa atin eh.

Vincent: Bakit? Alam na din naman nila ang tungkol sa atin eh. They both knew that we both knew each other very well. Gusto ko na din sanang sabihin sa kanila na tayo na eh, kaso hindi mo pa ako sinasagot.

Abby: Tch. As if nanliligaw ka naman sa akin.

Vincent: Akala ko ba kahit hindi na ako manligaw sa'yo eh sasagutin mo pa rin ako agad-agad.

Abby: Makinig ka nga sa sinasabi mo ngayon lang. Ang yabang mo eh.

Vincent: Alam mo, mayabang na kung mayabang. Pero umpisa nung nagkahiwalay tayo, walang araw na hindi kita naisip. Lahat ng ginagawa kong pagsisikap noon, ginagawa ko ang lahat ng yun nang may malalim na dahilan. At yun ay ang hanapin ka at ligawan ka ulit. At ngayon na nagkita na tayong dalawa, liligawan at liligawan kita araw-araw. Hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit sa akin. Kung pwede nga na dalhin kita araw-araw kung saan man ko magpunta eh ginawa ko na eh. Kaso napakatigas talaga ng ulo mo.

Abby: Oh. Ako na naman ang sinisisi mo.

Vincent: Hmm I love you.

Abby: Ha?

Vincent: Ang sabi ko, I love you. I mean it. Mahal na kita noon pa.

*saka naman napangiti si Abby sa sinabi sa kanya ni Vincent...

Vincent: Oh kinikilig ka na naman.

Abby: H-hindi ah. Assuming.

Vincent: Nakikita ko sa mga mata mo. Wag mo nang ipagkaila okay? Naiintindihan ko din naman yang nararamdaman mo para sa akin eh.

Abby: Baliw.

*saka naman napangiti si Vincent kay Abby, pero di nila namalayan na habang magkatiningnan sina Abby at Vincent sa isa't-isa, malungkot pala na nakamasid si Ferdie sa kanila mula sa malayo. Habang si Ferdie naman...

(FERDIE POV: Sila pala talaga ang may pinakamalalim na koneksyon sa aming lahat. Nakakalungkot. Sana ako dapat yan eh. Sana ako nalang si Vincent...)

*saka na malungkot na umakyat ng hagdan at bumalik si Ferdie sa kanyang kwarto habang magkatiningnan pa rin sa isa't-isa sina Vincent at Abby. Nang lumabas na si Abby sa apartment at pauwi na sya sa kanyang bahay...

(ABBY POV: I love you daw? Jusko naman Vincent eh! Bakit ganun? Namula tuloy ako kanina ng husto. Pag ako talaga makabawi sa lahat ng mga pinanggagawa nya sa akin, lagot talaga sya ng husto sa akin. Lulumpuhin ko talaga sya ng husto jusme...)

*pero napatigil si Abby sa kanyang paglalakad nang biglang may...

"Abby?"

*nang napalingon sya sa tumawag sa kanya, hindi sya makapaniwala sa kanyang nakita...

Abby: France?

France: Abby. Musta ka na? Long time no see.

Abby: Ah. Long time no see din. Kamusta ka na?

France: I'm fine. How about you? Still beautiful as usual.

Abby: Thank you.

France: Pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang sana.

Abby: Sorry. Pwede next time nalang? Gabi na rin kasi eh. Baka kasi gabihin ka na sa daan.

France: Oh sure. Bukas pwede ka?

Abby: I'll make time for that.

France: Sure. Thanks.

Abby: Sige. Ingat ka.

France: Sige. Salamat.

*saka na umalis si France. Takang-taka naman si Abby sa biglaang pagkikita nila ni France ngayon. Medyo matagal-tagal na rin na hindi sila nagkita ni France, at pagkatapos nun ay ngayon lang din ito nakipagkita sa kanya...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now