CHAPTER 39: THE FORGOTTEN COUPLE

0 0 0
                                    

*sa secret room, habang naglilibot-libot sina Vincent at Abby at naghahalungkat ng mga gamit...

Vincent: Parang kung makahalungkat ka naman dyan eh akala mo naman kung sino eh hahaha...

Abby: Tahimik ka dyan. Busy ako.

Vincent: Pfft...

*hindi na pinansin pa ni Abby si Vincent at nagpatulo pa sya sa paghalungakt ng mga gamit. Maya-maya...

Abby: Oh nandito pala to?

Vincent: Ano?

*nang napalingon si Vincent kay Abby ay nakita nyang hawak-hawak na ni Abby ang isang kulay pink na notebook...

Vincent: Bakit ganyan ka? Mahilig kang maghalungkat ng mga bagay na hindi mo naman pagmamay-ari?

Abby: Hindi ah. Alam kong akin to.

Vincent: At paano ha? Bakit? May pangalan ka ba dyan ha? Sigurado ka bang sa'yo yan?

Abby: Eto oh...

*saka na ipinakita ni Abby kay Vincent ang takip ng notebook na may nakasulat na Abby...

Abby: See? So it means akin nga talaga to whahahaha...

Vincent: Edi ikaw na, ikaw na ang magaling.

*inirapan nalang ni Abby si Vincent at nagpatuloy nalang si Vincent sa paghahalungkat ng mga gamit hanggang sa...

Abby: Alam mo, yung pinakagwapong Bensoy na nakilala ko, sya ang nagbigay sa akin nito.

*saka na napatigil si Vincent sa paghahalungkat ng mga gamit at napalingon sya ng kusa kay Abby...

Vincent: Anong sabi mo? Sino ang nagbigay sa'yo nyan?

Abby: Si Bensoy. Palagi kasi akong binubuyo dati ng mga kaklase ko noon dahil sa sobrang taba ko eh. Kaso sya lang ang unang bata na nagsabi sa akin na napakaganda at napakabait ko pa rin kahit na ubod ako ng taba. Kaya naman nung birthday ko, niregaluhan nya ako ng ganito. Ang sabi nya sa akin, dito ko daw isulat ang lahat ng sakit, galit at lungkot na nararamdaman ko. Parang diary ko sya. Isulat ko daw ang lahat ng nararamdaman ko dito, at para daw maibsan ang problema na iniinda ko. Hindi man pisikal, pero alam kong malaki ang epekto nito sa buhay ko. Ang sabi nya pa nga sa akin, balang araw daw ay tatawanan ko nalang ang mga naisusulat na problema ko dito dahil alam ko na nalampasan ko na ang lahat ng problema na nakasulat dito. Ang sabi nya pa nga sa akin, pag nagkataon daw na magkalayo daw kaming dalawa at hindi na magkita pa, ito daw ang hahalili sa kanya upang maging sandalan ko. Di ko pala inaasahan na mawawala sya ng ganito katagal. Sana pala ay dinamihan nya nalang ng husto ang ganitong regalo nya para sa akin.

Vincent: Nagkalayo? Paano kayo nagkalayo?

Abby: Namatay kasi dito ang lolo at lola nya na nag-aalaga sa kanya eh kaya naman napilitan syang sumama nun kay mommy nya na nasa ibang bansa. Ayun umalis sya na hindi man lang nagpapaalam sa akin. Ni hindi nya man lang ako binalaan. Ilang taon akong naghintay sa kanya at hanggang ngayon pero bigo pa rin akong makita sya. Sige lang.. Tanggap ko naman. Baka nga siguro ito na yung tinatawag nila na TOTGA.

Vincent: TOTGA? Anong TOTGA?

Abby: The One That Got Away. Ano ba? Saang planeta ka ba nanggaling ha? At hindi mo alam ang mga abbreviations na ganyan ha?

Vincent: Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako mahilig sa mga salitang kalye.

Abby: Pfft anak-mayaman...

Vincent: By the way, yung Bensoy ba na sinasabi mo...

Abby: Oh? Bakit?

Vincent: Payatot ba sya na matangkad? Yung palagi ding binubuyo kasi lampayatot sya?

Abby: Oo. Sya nga. Teka paano mo nalaman na lampayatot sya ha?

Vincent: Wala. Hula ko lang siguro.

Abby: Ang galing mong manghula dun ah. Matalino ka.

*napangiti nalang ang dalawa sa isa't-isa at nagpatuloy nalang si Abby sa paghahalungkat ng mga gamit, pero si Vincent naman...

Vincent: Tingin mo ba...

Abby: Hmmp...

Vincent: Tingin mo ba...

Abby: Ha? Sabihin mo na. Wag ka nang pasuspense. Busy akong tao ngayon. Wag kang ano...

Vincent: Tingin mo ba...

Abby: Isa mo pang "tingin mo ba" dyan. babatuhin na talaga kita ng mga gamit na meron ako dito ngayon. Sige ka...

Vincent: Eh ito na nga eh. Tingin mo ba, may pag-asa pa ba na magkita kayo ni Bensoy ngayon?

Abby: Ewan ko. Baka. Pero hindi na ako umaasa. Alam na alam ko naman na hindi na kami magkalebel ngayon. At least tanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Vincent: Eh paano kung andito nga talaga sya? Kasama mo ngayon?

*doon na natigilan si Abby at dahan-dahang nilapitan si Vincent hanggang sa magkalapit na mismo ang mga mukha nila...

Vincent: B-bakit?

Abby: Ano ba ang alam mo tungkol sa amin ni Bensoy ha?

Vincent: Ha? Ah eh...

Abby: Wag na wag mo na akong pinapaasa ngayon tungkol sa Bensoy na yan. At wag na wag ka nang manghalungkat pa sa past ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay pinag-uusapan ang buhay ko nang walang permiso. Naiintindihan mo ba ako?

Vincent: Hindi...

Abby: Ano?

Vincent: Hayst this won't do. Si Lola Violeta, si Lolo Vicencio na nakatira dito dati, sila ang lolo at lola ko.

Abby: Ano?

Vincent: Ako si Vince. Vincent ang totoong pangalan ko. Ang palayaw ko ay si Bensoy.

Abby: Ano?

Vincent: Ako si Bensoy na kalaro mo dati. Hindi mo ba ako natatandaan, Tabby-ssi?

*sobrang gulat at pagtataka ang namumuo ngayon sa mukha ni Abby nang dahil sa narinig nya mula kay Vincent, o si Bensoy kung tawagin...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now