CHAPTER 4: MEET FERDIE

0 0 0
                                    

*naglilibot-libot si Abby sa kanyang kwarto upang maghanap ng pwede nyang magawa pero napaupo na lamang ito sa kanyang kama at nagsabing...

Abby: Ugh! Wala talaga akong magawa dito. Hayst!

*nag-isip si Abby nang pwede nyang magawa...

Abby: Ah alam ko na.

*lumabas si Abby sa kanyang kwarto at pumunta ito sa kanyang mama sa kusina...

Abby: Mama?

Corinne: Oh bakit?

Abby: Lalabas muna ako sandali ma.

Corinne: Bakit? Saan ka pupunta ha?

Abby: Pupunta lang ako ng convenience store ma. May bibilhin lang ako.

Corinne: Bumalik ka kaagad ha? Naku! Alam ko kung saan ka naman pupunta magtitinamad ka na naman dito sa bahay.

Abby: Oo na ma. Sabihin nyo nalang kasi pag di nyo ako papayagan.

*umalis na si Abby...

Corinne: Naku itong batang to. Sumasagot-sagot na ha?

*saka naman dumating si Zach galing sa kwarto nito...

Zach: Oh saan naman yun pupunta si Abby ma?

Corinne: Ayun! May bibilhin daw. Kaya lumabas muna saglit.

Zach: Ah. Siguro magaling na sya.

Corinne: Magaling?

Zach: Ah hindi ma. Ang ibig kong sabihin kasi is baka magaling na sya. Baka di na sya mawawalan ng malay mamaya.

Corinne: Naku! Ewan ko dun. Maghanda ka na dyan. Mag-aalmusal na tayo.

Zach: Almusal? Eh si Abby...

Corinne: Sinabihan ko na yun na bumalik sya kaagad. Tirhan nalang natin sya ng pagkain.

Zach: Ah sige.

*naghanda na ng kanilang almusal ang mag-ina habang si Abby ay nakarating na sa convenience store at pumipili na ng kanyang mga bibilhin. Maya-maya ay may pumasok din na lalaki sa convenience store at pumili din ng kanyang mga bibilhin. Sabay silang pumunta sa counter upang magbayad...

Lalaki: Ah miss. Ikaw na muna mauna. Di naman ako nagmamadali eh.

Abby: Oh okay.

*nag-umpisa nang magkwenta ng cashier ng mga binili ni Abby. Maya-maya...

Cashier: Tapos na po ma'am. Bale 250 po lahat yan.

Abby: Okay.

*kinapa ni Abby ang bulsa at ang bag nito pero wala syang nakuha na wallet...

Abby: Naku! Yung wallet ko...

Cashier: Wallet mo?

Abby: Naiwan ko ata ang wallet ko.

Cashier: Naku, miss! Eh hindi naman po ata pwede yan. Nakapag-encode na ako oh.

*hinanap ng hinanap ni Abby ang kanyang wallet pero hindi nya talaga ito makita nang maya-maya...

*may nagbayad digitally ng mga binili nya through cellphone

Abby: Huh? Teka. Paano nya...

Lalaki: Wag po kayong mag-alala sir. Kasama ko po sya. Nabayaran ko na po lahat ng binili nya.

Cashier: Hayst buti naman. At ikaw miss, siguraduhin mo na yung wallet mo sa susunod ha? Naku! Pag ako talaga nasisante dito...

(ABBY POV: Oo na nga. Ang sungit-sungit mo.)

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now