CHAPTER 38: BUSTED

0 0 0
                                    

*sa kwarto ni Vincent, habang dinadampian ni Abby ng bimpong basa ang noo ni Vincent...

Abby: Bakit ba kasi hindi ka sinamahan ng mhga ugok na yun pauwi dito? Hindi man lang sila ba nag-aalala sa'yo na umuwi ka dito mag-isa nang ganyan ang pakiramdam mo?

Vincent: Ako na rin ang nagsabi na mag-enjoy sila nang wala ako. Ayoko din naman na mabulilyaso pa ang plano nila nang dahil sa akin eh.

Abby: Hayst mga walang kwentang kaibigan.

*napangisi nalang si Vincent sa sinabi ni Abby...

Vincent: Oo nga pala.

Abby: Ha?

Vincent: Ang bilis mo namang natapos ang paglilinis dito ah. Mukhang nagmamadali ka ata.

Abby: Baliw. Eh kung hindi ko to natapos kaagad eh tingin mo ba may hihigaan ka ngayon dito ha? Tingin mo anong mangyayari sa'yo kapag nalanghap mo pa ang baho ng spray dito ha?

Vincent: Galit na galit eh.

Abby: Nagpapaliwanag lang.

*napangisi ulit si Vincent kay Abby...

Vincent: Sige na. Tama na yan. Magpapahinga na ako.

Abby: Hindi pa ako tapos.

Vincent: Ano?

Abby: Joke lang. Eto na oh. Tapos na ako oh. Hindi ko lang papaandarin ang aircon at upang mapawisan ka.

Vincent: S-sige.

Abby: Mamaya iinom ka na naman ng gamot ha? Kasama na dun ang pagkain.

Vincent: Oo na sige na. Magpapahinga na ako eh.

Abby: Sige.

*saka na nagpahinga si Vincent at lumabas si Abby ng kwarto. Paglabas nya...

(ABBY POV: Shet ang sweater ko dun sa lagusan. Nakalimutan ko...)

*saka sya nagdahan-dahang bumalik sa kwarto ni Vincent at nakita nya na andun pa rin ang sweater nya na nakasablay sa may coat rack. Pero sarado na ang lagusan. Kukunin nya na sana ito nang bigla syang may maalala...

(ABBY POV: Tulog na tulog na kaya sya?..)

*saka sya bumalik doon sa higaan ni Vincent at iwinagayway nya ang kanyang kamay sa mukha ni Vincent. Nang makitang wala na itong reaksyon,..

(ABBY POV: Tulog na tulog na talaga sya. Wag ka munang gumising dyan. May titingnan lang ako ulit sa lagusan nyo hihihi...)

*saka sya dahan-dahang bumalik sa may coat rack at isinablay ang sweater nya sa pinakataas na sablayan ng coat rack, dahilan upang bumukas ulit ang lagusan. Medyo maingay ang pagbukas ng lagusan kaya naman agad na napatingin si Abby sa kay Vincent kung nagising nya ito sa pagkakatulog dahil sa ingay ng secret door. Pero pagtingin nya...

(ABBY POV: Hayst salamat naman at hindi ko sya nagising. Sige tutuloy na ako...)

*saka na tumuloy si Abby sa lagusan. Nang tumuloy na sya sa lagusan ay nanghalungkat pa rin sya ng mga ebidensya tungkol sa apat nang maya-maya ay naramdaman nya na sumara ang lagusan. Kaya napatigil sya sa ginagawa nya...

Abby: Yah. Hindi pwede. Sandali!

*pupunta na sana si Abby sa lagusan nang biglang...

"WOY!"

Abby: Oh jusko!

*napatingin si Abby sa nanggulat sa kanya at nakita nya ang taong hindi nya gusto na makita ngayon...

Abby: V-Vincent?!

Vincent: Akala ko ba hindi ko naramdaman ang pagpasok mo dito ha?

(ABBY POV: Sinasabi ko na nga ba at nagising ko sya kanina eh...)

Vincent: Anong ginagawa mo dito?

Abby: Ah...eh...

Vincent: Sinabi ba namin kanina na pumunta ka dito ha?

Abby: Sandali lang. Pagsalitain mo muna ako.

Vincent: Sige. Bigyan mo ako ng isang magandang explanation kung bakit ka nandito.

Abby: Sige. Pero bago muna yan, bakit mo sinara ang pinto?

Vincent: S-sinara?

Abby: Eh nakasara na eh.

Vincent: Di nga. Niloloko mo lang ako eh.

Abby: Tingnan mo muna kasi. Alam kong nakabukas yan kanina eh.

*agad na tiningnan ni Vincent ang pinto at nakasara na. Pinilit buksan ni Vincent ang pinto pero hindi nya mabuksan...

Abby: Ako nga dyan.

Vincent: Hindi ko nga mabuksan eh. Ikaw pa kaya.

Abby: Eh kasi nga maysakit ka kaya hindi pa gaanong bumabalik ang lakas mo kaya ako na dyan.

Vincent: Eh lalaki ako eh. Kahit na maysakit ako, mas malalakas pa rin kami kaysa sa inyong mga babae. Kaya naman...

*hindi na natapos ni Vincent ang pagsasalita nito nang bigla syang itinulak ni Abby palayo sa pinto upang buksan ito...

Abby: Ang tigas ng ulo mo eh.

Vincent: Aba bwiset to...

*binuksan ni Abby ang pinto pero hindi nya ito kayang buksan...

Abby: Aba sinusubukan talaga ako nito ah...

*pinilit pa ring buksan ni Abby ang pinto ng lagusan pero kahit anong bukas nya ay hindi pa rin ito mabuksan. Maya-maya ay tumigil na sya...

Abby: Bwiset.

Vincent: Oh ano? Nabuksan mo ba ha?

Abby: Kita mo naman diba? Hindi!

*saka gulat na napatingin si Abby sa pinto para siguraduhin ang sinabi nya at tama nga sya. Nakasarado pa rin ang pinto...

Abby: Bwiset hindi nga? Sarado pa rin?!

Vincent: Paano kaya nabubuksan to?

Abby: Hoy! Hoy! Tulungan nyo kami.

Vincent: Walang makakarinig dyan sa'yo.

Abby: Kahit na. Tulong! Tulungan nyo kami! Frits! Davin! Ferdie! Kahit sino nalang dyan! Buksan nyo kami!!!!!!

*kahit na anong sigaw ni Abby ay wala pa ring nagpapalabas sa kanila. Kaya naman nastuck sa loob ng lagusan sina Abby at Vincent...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now