*sa bench sa ilalim ng malaking puno habang nag-uusap sina Ferdie at Abby, nagulat ang mga tao sa sinabi ni Abby...
Ferdie: Ano ka ba? Nakakahiya sa mga tao oh.
Abby: Ah...eh...
*tumingin si Abby sa mga tao at nakita nya na nakaharap sa kanya ang mga tao dahil sa sigaw nya...
Abby: Pasensya na po talaga. Sorry.
*bumalik nalang ang mga tao sa kanilang ginagawa at tumingin naman ulit si Abby kay Ferdie...
Abby: Baliw ka ba ha? Bakit dinner agad ha?
Ferdie: Bakit? Ano ba ang masama dun? Eh friendly dinner nga lang yun eh. Yun na nga lang ang hinihingi ko sa'yo eh.
(ABBY POV: Oo nga naman. Ano naman ang masama dun?)
Abby: Kahit na. Diba mga magjowa lang ang nagdidinner? Teka. Hindi kaya may balak ka na jowain ako? Naku ha? Wag ha? Wag ako.
Ferdie: Naku. Loka-loka ka talaga. Friendly date nga lang eh. Ano ba ang iniisip mo dyan ha? Bakit? May gusto ka din ba sa akin ha?
(FERDIE POV: I need to hide it. Ngayon palang ay amoy na amoy ko na hindi nya ako gusto. Pero kaya nga diba may panliligaw? Para mapaibig mo yung babae. Ferdie talaga di ka nag-iisip eh...)
Abby: Wala ah. Ikaw talaga. Spell assumero oh. Yung pangalan mo yung lalabas.
Ferdie: Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng curious lang?
Abby: Curious² ka dyan. Tara na nga. Pasok na tayo. Lumalamig na kasi lalo eh.
Ferdie: Lamig? Eh hindi naman ako nilalamig eh. Tsaka suot mo na nga yang jacket ko eh. May sakit ka ba? Baka kasi may sakit ka eh.
*hinawakan ni Ferdie ang noo ni Abby at bigla namang nag-slow motion ang paligid ni Ferdie. Pero tinapik naman kaagad ni Abby ang kamay ni Ferdie...
Abby: Langhiya ka talaga. Di mo man lang nirerespeto ang airport ko.
Ferdie: Sorry, bespren.
*nagtawanan nalang sina Abby at Ferdie sa sinabi ni Ferdie...
Abby: Ok lang, bespren.
*nagtawanan ulit sila ng malakas...
Abby: Tara na nga. Balik na tayo. Baka hinahanap na ako ni Kuya eh.
Ferdie: Sige.
*tumayo na sina Ferdie at Abby at bumalik na sila sa loob ng bahay ni Rachel. Habang pabalik na sila ay hinubad naman ni Abby ang jacket ni Ferdie...
Ferdie: Oh bakit hinuhubad mo yan? Ang sabi mo nilalamigan ka.
Abby: Nakakahiya naman kina Kuya. Baka kasi ano ang isipin nila eh. Pero don't worry. Di ko naman isasauli to sa'yo ngayon eh. Lalabhan ko pa to bago ko isasauli sa'yo. Sabihin mo lang kung anong sabon ang gamit mo para parehong-pareho talaga yung amoy.
Ferdie: Kahit anong sabon okay na yan. Wala naman yang allergy eh hahaha.
Abby: Sige. Ikaw bahala.
Ferdie: Hindi. Ikaw bahala.
*nagtawanan ulit sina Ferdie at Abby bago sila pumasok sa bahay ni Rachel. Pagdating nila sa kinaroroonan nina Rachel...
Rachel: Oh, Abby. Bakit ang tagal nyo naman dun sa labas? Ang lamig kaya ng simoy ng hangin.
Frits: Uy. Baka kung ano nang kababalaghan ang ginawa nyo dun sa labas ha? Hahaha
*bigla namang binatukan ni Ferdie si Frits...
Frits: Aray naman...
Ferdie: Ayan. Dyan ka magaling. Sa kalokohan.
Frits: Nagbibiro lang naman eh. Eto naman guilty agad.
Rachel: Inaantok na ba kayo guys? Gusto nyo pagtimpla ko kayo ng kape?
Frits: Hindi na ate. Nakakahiya naman po sa inyo. Eh pinagtimpla nyo na po kami ng juice eh.
Davin: Sus dude. May hiya ka pa pala.
Frits: Oo nga eh. Hiyang-hiya naman yung hiya ko sa'yo.
Ferdie: Hindi na. What if maglaro tayo ng baraha?
Rachel: Tong-it.
Zach: Hindi na. Eh tatlo lang naman ang pwedeng makalaro nyan eh.
Davin: Lucky 9 nalang tayo. Para naman madami tayong makakalaro.
Ferdie: Sige. Team kami ni Abby.
*agad namang inakbayan ni Ferdie si Abby kaya sumama ang tingin ni Vincent sa kanila...
Davin: Sus. Nananantsing ka lang eh.
Zach: Sige. Partner naman kami ni Rachel.
Davin: Syempre si brader naman ang pipiliin ko na maging partner.
Zach: Sino? Si Vincent?
Davin: Hindi noh. Syempre loyal ako kay Frits eh.
Frits: Love you tol.
*nagyakapan sina Frits at Davin...
Davin: Love you din tol.
Ferdie: Yuck. Dirty².
Frits: Baliw. Ganyan din kayo ni Vincent dati eh.
Zach: By the way, wala palang partner si Vincent. Kawawa naman.
Vincent: Hindi na Kuya. Ok lang. Wala din naman akong gana na maglaro eh. Titimpla nalang ako ng kape mag-isa.
(VINCENT POV: Di ko naman pala alam na by partners na pala ang paglaro ngayon ng Lucky 9. Sana pala nagbaon nalang ako ng partner. Or pwede sana ako nalang ang pumili sa kanya...)
Abby: Ah. Alam ko na.
Davin: Ha? Ano yun Abby?
Abby: Partner nalang kaming tatlo nina Ferdie at Vincent.
Frits: Ha? Pwede ba yun?
Abby: Oo naman. Para hindi na rin maging loner si Vincent sa ating lahat.
(VINCENT POV: Huh? Me? A loner?..)
Ferdie: Sige. Payag ako.
Lahat: YEHEY!!
(VINCENT POV: Hayst okay na sana eh...)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
ChickLitCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...